#BCBestFriend
Andria's POV
"thank you po, come again" sabi ko doon sa customer ng maiabot ko ang kanyang mga pinamiling mga chocolates.
Almost a month na ang nakalipas mula ng magsimula kami dito sa business project namin. One week pa lang ay patok na patok na kami sa mga mamimili at saka palaging sold out. Masarap naman kasi itong chocolates at saka well known narin kaya di na mahirap ibenta. Maliit lang naman kasi yung shop namin kaya di masyadong marami yung mga stocks. Take turns din kami ni Tony sa pagbabantay dito. Kung magsasabay kasi kami ng bantay, naku! magaaway lang kami nun kaya mas minabuti naming hindi magsama para iwas gulo. Hindi rin naman kasi ako nahihirapan kasi may hinare rin naman kami na magiging katulong namin dito sa shop. Lalo na kung may pasok kami.
"haist. Nasaan na ba 'yung matakaw na 'yun. Shift niya na." bulong ko habang nakatanaw sa labas ng shop. Nababagot na kasi ako dito at saka may naging usapan kami ni Stephanie kaya kailangan ko ng umalis at baka malate pa ako nito. Pepektusan na naman niya ako. -__- Nasaan na ba kasi yun.
Habang naiinip akong naghihintay dito ay bigla ko naman naalala yung napagusapan namin noong isang araw doon sa bahay.
'Nakakaawa naman yung napagdaanan niya. Kaya siguro ang sama ng ugali niya kasi may kinikim-kim lang siya sa loob.'
*** FLASHBACK ***
"sorry, eh kasi naman ngayon ko lang napansin, ba't wala kang picture sa bahay niyo? At saka ba't di ka man lang minemention sa akin ni Timmy?" tanong ko sa kanya. Nacucurious na kasi ako. Ba't nga ba? Napansin ko naman siyang napatingin kay Andrew at napatingin din ito sa kanya.
'Teka nga lang muna. Mukhang may nalalaman ata tong si kuya ahhhh....'
"Kuya, may alam ka ba?" tanong ko sa kanya na siyang ikinabigla niya.
"H-huh?" tapos tumingin ito sa akin at pabalik kay Tony na tila humihingi ng permiso kung sasabihin ba niya o hindi. Pero imbis na bigyan niya ng sagot si kuya ay ibinaling nito ang tingin sa hot chocolate na iniinum niya.
"Timmy and I was born in the states. We were a big happy family back then. Despite of their busy schedules, mom and dad would always find a way in order to spend time with us. Pero one day, nagising na lamang ako na parati na silang nagaaway. Everyday our house will be filled of angry shouts and ranging arguments. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sila nagkaganoon until they both got tired and decided to separate from each other. Kasama ng divorce papers ay yung kasunduang kung kanino mapupunta kaming dalawa ni Timmy. At first, me and timmy were a bundle. Kung anong mapagdedesisyonan ng court, doon kami. Ngunit pumalag si Dad and ayaw din naman magpatalo ni mom. And there, they decided to choose between us. Dad chooses Timmy of course, kasi alam mo na maipagpapatuloy ni Timmy kung ano man yung nasimulan niya and he'll be bringing his name kasi lalaki siya. But Timmy is kinda' a Mama's Boy and he resist of going. Hindi rin naman pumayag si mom kaya nanatili sa kanya si Timmy and they went here in the philippines to start a new life....." napatigil ito at nararamdaman kong parang iiyak na siya any moment from now. ".....and I was left there with dad. Pakiramdam ko noong walang nagmamahal sa akin kasi, Mom and Dad were only fighting for Timmy. Nakalimutan nilang I exist too. Even noon pa lang na magkasama pa kami sa iisang bubong, Timmy is there favorite. Matalino kasi ito and he's so good in everything habang ako, nagmumukhang trying hard." Napabuntong-hininga ito. "so ayun nga, narinig ko noon bago umalis sina mom, puputulin nila lahat ng mga connections between them. Gusto din sana ni Mom na papalitan yung apelyedo ni Timmy at dahil dito ay nagalit si Dad.....ewan, basta sa pagkakaalam ko, may kasunduan silang hindi ipaalam sa lahat ang pagiging mag kakambal namin ni Timmy. Kokonti lang naman din yung nakakaalam tungkol sa amin kaya madali lang para sa kanila na gawin ito. Kaya nga ng pumunta ako dito sa pilipinas ay halos lahat ng mga tao dito ay inaakala nilang ako si Timmy." pagkatapos nun ay nabalot na ang paligid namin ng katahimikan. Tinapos na lamang namin yung natitirang hot chocolate na ginawa ni mama tapos ng medjo humina na ang ulan ay umalis na si Tony ngunit sumama si kuya sa kanya. Nag bar hopping ata yung dalawa. Parang ang close-close nga nila. Hindi pa rin ako makapaniwalang magkakakilala na pala sila. Pero in fairness, naaawa ako doon kay Tony.
BINABASA MO ANG
BY CHANCE (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version All Andria wants in her life was to marry her first love, Tim, and become a family. Unfortunately, the promise of a lifetime together was broken when Tim died in a car crash. A year after his death, Andria continues to l...