#BCAwkward
Mag-iisang oras ding nanatili si Tony doon sa loob ng CR. Hindi niya kasi alam kong papaano niya haharapin si Andria dahil doon sa nangyari. Habang, si Andria naman ay hindi rin mapakali dahil doon sa kanyang narinig.
Lakad dito, Lakad doon.
Uupo jan, Uupo doon.
Hindi niya alam kong papaano niya haharapin si Tony matapos nung nangyari.
'Totoo nga ba yung sinabi niya? O nabigla lang ito? Ba't parang ang saya-saya ko...' wika nito sa sarili habang di parin ito mapakali. Hanggang sa napagod na ito at naisipang umupo na ng tuluyan sa may couch at sinandal nito ang ulo. Pipikit na sana siya ng biglang narinig niyang bumukas ang pintuan ng banyo, kaya agad siyang napatingin sa direksyon nito. Nakita niyang mabilis na lumabas ng banyo si Tony suot-suot ang kanyang pajamas at naglakad ito sa kanyang direksyon.
"Halika bilis..." narinig niyang wika nito at nilagpasan siya.
"Saan?" ta'as tumayo ito mula sa couch. Ngunit wala siyang narinig na response mula sa kanya kaya sinundan na lang niya ito. Pumasok sa isang kwarto si Tony. Manghang-mangha namang pumasok si Andria ng masilayan at makita na niya ang loob ng kwarto nito.
"All Pink din..." bulalas niya. "Favorite color mo ba ang pink? Napansin ko lang kasi ganito din kasi ang set up ng kwarto mo doon sa bahay ng mommy mo.." tanong nito habang namamangha pa din. Mula carpet-bed-tables-rags-curtains-LAHAT ng nasa kwartong iyong ay halos kulay PINK!
"Hindi ba obvious?" mataray nitong tanong habang naglakad papalapit si Tony sa kanya na may bitbit na unan at kumot.
"parang nagtatanong lang.." wika ni Andria, "..sungit" pabulong na pahabol nito
Inirapan lang siya ni Tony, "..dahil bisita kita at ayokong maging walang modo, ehh dito kana matulog sa kwarto ko.." tapos umalis na ito. Pero bago ito tuluyang makalabas ay nahawakan siya ni Andria sa kanyang kamay, "Saan ka pupunta?" tanong nito. Bago niya sinagot ang tanong ay napatitig muna ito sa kamay niyang hinahawakan nito. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya at nagwikang, "...sa couch jan sa sala..." tapos tumalikod na ito ngunit hinila siya ni Andria na siyang ikinaharap niya uli. "Ano kaba, bahay mo toh tapos doon ka matutulog..."
"Anong gusto mo? Ikaw?" masungit niyang tanong.
Naaasar na din si Andria dahil sa ginagawang pagsusungit at pagtataray nito. 'Ano bang problema niya! Kanina sinabi niyang mahal niya ako tapos ngayon, ayan na! Nagsusungit na naman! NapakaBipolar naman nento!'
Kinuha niya yung bitbit na unan at kumot ni Tony, "Ako na ang matutulog doon, tutal ako naman ang bisita..." Binawi naman agad ni Tony ang mga iyon mula sa kanya.
"Anong ikaw, dito ka lang. Wag ka nang makulit!" -- Tony
"Ba't ba ang sungit mo! Akin na yan, ako na doon..." *binawi* -- Andria
"ayoko nga" *kinuha* -- Tony
"Oo sabi" *binawi* -- Andria
*kinuha* -- Tony
*binawi* -- Andria
"Haiiiishhhh....." sabay tulak nito kay Andria ng malakas na siyang ikinabagsak niya sa higaan.
Gulat na gulat naman ang mukha nito habang nakatayo sa tapat niya si Tony. "Ang kulit mo!" wika nito at naglakad na papunta sa kabilang side ng bed at doon ay humiga na. "Tabi na tayo, para wala ng gulo!" narinig niyang sabi nito habang na shoshock pa din siya dahil doon sa nangyari.
BINABASA MO ANG
BY CHANCE (TiAom)
Fiksi Penggemar*Original (Unedited) Version All Andria wants in her life was to marry her first love, Tim, and become a family. Unfortunately, the promise of a lifetime together was broken when Tim died in a car crash. A year after his death, Andria continues to l...