Kabanata I

219 42 135
                                    

I.
Revenge

MULA sa mahinang hikbi ay unti-unting rumagasa ang luha ni Kiara.

"Bakit? Bakit mo ko iniwan?!" Malakas na tanong ng huli. Magkahalong galit at paghihinagpis ang nararamdaman niya nang oras na iyon.

"Besh. Tama na yan." Sabi naman ng kaibigan niyang si Aliyah. Hawak pa nito sa kanang nito ang kababatang nagdadalamhati.

"Hindi besh eh. Hindi! Hindi niya dapat ako iniwan!" Sagot pa nito.
"Pero besh."

"Pero ano? Wala na, ayoko na, suko na-" Di naituloy ni Kiara ang pagdadrama nang bigla siya sampalin ng kaibigan.

"Ano ba besh! Mas madrama ka pa kesa sa namatayan. Nakakahiya." Doon naman siya natauhan sa pinaggagawa niya. Inilibot niya ang paningin at nakitang siya ang sentro ng atensyon ng mga taong naroroon. Nakataas rin ang kilay ng ina ng namatay. At natatawa naman ang ilan.

"Ay oo nga." Agad niya namang pinahid ang mga luha niyang dulot ng pagdadrama niya kanina saka pilit na napangiti. "Sorry po, sorry." Aniya saka nagpeace sign pa sa mga taong naroroon, pati na rin sa patay na nasa gilid niya lang.

Hinila niya naman agad ang kaibigang napatampal na lang sa noo.

"HAY nako Kiarra Denisse Gomez. Nakakahiya talaga!" Bungad na sermon agad ng kaibigan pagkapasok nila sa apartment nila.

"Eh sorry na nga besh. Nadala lang ako okay." Kalmado niya namang sagot dito. Kagagaling lang rin nila sa grocery, kaya naman kasalukuyan niyang inaayos ang kanilang pinamili.

"Buti sana kung close man lang tayo doon sa patay. Aba't baka nakakalimutan mong malayong pinsan iyon ni Annie."

"Siyempre alam. Ikaw kaya nagsabi non sa akin. Eh sa may nakita akong magjowa doon eh, n-naalala ko lang iyong kami pa ni Cruel, g-ganon rin siya kasweet sa a-akin. P-pero..." At nagsimula na namang mag-iiyak si Kiara. Di niya na rin pinansin ang bagong biling babasaging baso na nahulog at agad na nabasag. Napaupo na lamang siya sa sahig saka niyakap ang mga tuhod at pinagpatuloy ang pag-iyak.

"Kiara? Kakabili ko lang ng glass set, kinulangan mo agad? Hay." Sandaling napatigil ang kaibigan bago nagsalitang muli. "At kung ako sa 'yo Besh, tigilan mo na yang pag-iyak dahil sa manloloko na yon. Di siya worth it okay."

"P-pero mahal ko siya." Nag-angat siya saglit ng ulo at tinignan ang kaibigang pinupulot na ang mga nagkalat na basag na baso sa sahig.

Babalik na sana siya sa pagkakayuko nang marinig ang pag-"aray" ni Aliyah. Paniguradong nasugat ito ng pinupulot na bubog.

Di kasi nag-iingat. Nasabi na lang ni Kiara sa isip na siyang nagpaalala na naman sa kanya ng gagong manlolokong yon.

•••Flashback•••
"DI kasi nag-iingat." Kunot noong sabi ng noo'y school mate niyang si Cruel. Nasa kusina sila ngayon ng bahay ni Bianca, ang common friend nila ng lalaki. Birthday kasi nito at imbitado lahat ng malalapit na kaibigan.

"Anong di nag-iingat? Eh ikaw kaya ang nakatabig ng cup!" Nakasimangot na sabi naman ni Kiara na kasalukuyang nagpupulot ng malalaking parte ng nabasag na cup.

Badtrip siya nang mga panahong iyon dahil sa kumakalat na namang issue tungkol sa kanya sa buong campus. Kung dati ay pinagbintangan siyang kabit ng professor nila, ngayon naman ay may nagkalat namang buntis siya at ang ama ay iyong guard sa school. Aba't sumusobra na ang mga naninira sa kanya ha.

At nagkataon pang sumabay pa ang lalaking ito na siya pa ata ang sinisisi sa pagkabasag ng cup.

"Oo ako nga ang nakabasag, pero tignan mo iyang kamay mo, nasugatan na. Mag-ingat ka kasi." Malumanay naman na sagot nito. Lumuhod ito malapit sa kanya saka hinawakan ang kamay niyang nasugat na pala nang di niya namamalayan. Bagama't naiinis ay di maitangi ni Kiara ang kilig na naramdaman niya nang mga oras na yon. Noon lang kasi niya naranasan ang ganoong bagay.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon