Kabanata VI

58 24 68
                                    

VI.
Puso

"DI ka naman kasi nag-iingat." Paunang sermon sa kanya ng kagrupong si Lyka. "Ano? 'Di pwedeng di  matuloy tong plinano natin."

Umagang-umaga nga ay bumisita na agad ang mga kasamahan niya sa kanya. Si Aliyah na nagbabantay sa kanya doon magdamag ay umalis na kaninang alas sais. May trabaho rin kasi itong dapat asikasuhin. Ang kapatid niya naman ay paniguradong tulog pa ngayon at ayon dito ay alas otso pa darating. Buti na lang talaga at mag-isa siya nang dumating sina Lyka at Elyssa, kundi ay baka matuklasan pa ng kapatid at kaibigan ang pinaggagagawa niya.

Nag-chat nga siya sa kanilang group chat kagabi at sinabi sa mga kasamahan ang nangyari sa kanya.

Dalawa lang ang nakarating ngayon dahil may kanya-kanyang appointment ang dalawa. Si Phoebe ay may pupuntahan daw na importante, samantalang si Aira ay may pupuntahan daw na para sa trabaho.

"Siyempre tuloy." Maikling sagot niya. Tuloy nga talaga kahit na di pa siya makakalabas agad sa ospital. Pinag-isipan niya rin ito kagabi dahil gusto niya rin talagang ituloy ang binalak bago pa man siya maaksidente. Di naman naalog ang utak niya kaya naman di rin talaga magbabago ang kanyang desisyon.

"Kamusta ka na pala." Tanong ni Elyssa na mugto ang mata. Kanina niya pa nga ito napapansin at kung siya lang ay baka isipin niyang iniyakan siya nito. Pero alam niyang hindi nga siya iyon kundi si Aira, eh sino pa bang pahirap sa buhay ni Elyssa?

"Eto, nagrerecover pa rin. Ikaw?"

"Huh?"

"Kamusta ka na?" Tanong niya na umaasang makuha ang tamang sagot.

"M-maayos lang naman."

Napabuntong hininga na lang siya. Maayos daw eh halata namang hindi. Sabagay, ganon din naman siya, nagsasabing okay lang, maayos naman, kahit hindi.

"Maayos lang daw. Magsinungaling ka na lang pag kapani-paniwala ka na Ely." At yon at inilabas na ni Lyka ang gusto niyang sabihin.

"Oo nga. Si Aira na naman ba yan?" Usisa niya.

Pagluha na lamang ang isinagot nito sa kanila. Dahil di pa naman siya makatayo ngayon, sinenyasan niya na lang si Lyka na yakapin ang katabi. Inikutan naman siya nito ng mata at ginawa na lang ang pinapagawa niya.

Mabilis na natapos ang pagbisita nina Elyssa at Lyka sa kanya. Umalis din agad ang dalawa matapos ang isang oras nilang pagkwekwentuhan.

Naikwento nga ni Ely ang paglalasing na naman ng kapatid. Nagsimula ito kahapon pagkauwi nila. Sinubukan daw itong patigilin ni Ely pero masasakit na salita at mag-asawang sampal lang ang natanggap nito. Kaya naman buong gabi ring puyat sa kakaiyak si Ely. Nalulungkot sa samahan nila ng kapatid na sirang-sira na.

Mmmm? At naglalasing? Appointment sa trabaho pala Aira ha. Trabaho na pala iyong pag-inom ng alak ngayon.

Maliban sa kwento nga ni Ely ay nagbigay na rin ng go signal si Lyka. Pwede na nga silang magsimula sa Oplan Higanti kay Cruel Tamayo. Kapareha niya si Aira pero maaari na raw siyang mauna.

"PRUTAS para sa 'yo." Si Gabriel na halos kadarating lang. Alas-siyete imedya na nga at maya-maya'y aalis na rin ang kapatid para sa trabaho. Iyon lang, mukhang walang balak dahil napakasama ng tingin nito kay Cruel.

Ang kuya Baste niya nga naman. Aktong masyadong protective na kapatid lang na ayaw sa manliligaw ng kapatid. Yon lang. Di naman nanliligaw si Gabriel. Malamang, eh mukha namang ginagampanan lang nito ang responsibilidad bilang driver ng nakabunggong taxi sa kanya.

"N-naku salamat. Nag-abala ka pa."

"Ayos lang." Saka ngiti ng tipid. "Gusto mo bang pagbalatan kita?"

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon