Kabanata XXXI

10 1 0
                                    

XXXI.

Kasalukuyang nagbabasa si Kiara ng isang pocketbook. Dahil day off at tinatamad siyang mamasyal ay napagdesisyunan niya na lang na humanap ng mapagkakaabalahan sa bahay.
Nasa pinakaclimax na siyang parte ng libro nang narinig niya ang pagsisisigaw ng maingay niyang kaibigan.

"Besh, ba't ba ang ingay mo?" Reklamo niya. Di kasi siya makafocus sa binabasa dahil sa tiling nakakabingi ng kaibigan.

"'To naman, 'di na nasanay. Tsaka parang di mo naman alam kung bakit ako maingay ngayon." Napairap na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Ano? Meron na naman bang dumating?

Nitong mga nakaraang linggo kasi ay may nagpapadala sa kanya, hindi bulaklak, hindi tsokolate, hmmm. Noong unang linggo ay nagbigay ito ng grocery pack, noong nakaraan naman ay mga gulay, ano naman kaya ngayon? At ano naman kayang trip ng nagpapadala non? May kutob nga siya eh kung sino ang nagbibigay pero di niya na lang iniisip dahil paniguradong masasaktan lang siya.

"Oh eh ano namang dumating ngayong araw?" Walang gana niyang tanong.

"Hulaan mo besh!"

"Isang kilo ng bigas?" Subok niya. Di siya seryoso sa sinabi niyang iyon kaya di niya talaga inasahan ang sunod na sinabi ng kaibigan.

"Tumpak! Pero hindi lang isang kilo. Dalawang sako besh! Dalawa. Nako kung sino mang nagpapadala sa 'yo ng mga iyon, boto na ko sa kanya, napakapraktikal mag-isip."

"Kahit si Porter?"

"Siyempre o—hindi! Nako, sinaktan ka pa rin niya kaya hindi ako boto sa kanya. Pero sana naman di tumigil iyong weekly supply natin ng grocery no."

"Aliyah."

"Oo na po. Suko na." Nakangiting sabi nito habang nakataas pa ang dalawang kamay. Pabalik na sana siya sa pagbabasa nang biglang inagaw sa kanya ng kaibigan ang binabasa saka siya hinila patayo.

"Ano na naman?"

"Duh, di ko yon mabubuhat girl, tulungan mo 'ko." Napairap na lang siya saka sumunod sa kaibigan. Magbibigay na nga lang kasi yung kung sino man iyon di pa ideliver mismo sa loob ng bahay nila.

"Ano kayang susunod dito besh no? Sana kitchen utensils naman no o di kaya gas." Nakangiti pa ring sabi ng kaibigan habang hinihila nito ang stroller, siya naman ay nakaalalay sa likod.

"Aliyah, di iyon sugar daddy para umasa kang magbibigay yon linggo-linggo."

Saktong pagkasabi niya non ay nasa bandang kusina na sila. Inalis lang nila sa stroller ang isang sako ng bigas saka nila binalikan ang nasa labas pa. Ang kuya niya na ang bahalang mag-ayos non.

"Di mo sugar daddy? So may suggar daddy ka? Hoy Kiara Denisse ha."

"Gaga, di pa naman ako gaanong naghihirap para maghanap na ng sugar daddy no."

"Kalma, di ako kaaway."

"Tapusin na nga natin 'to. May tatapusin pa akong libro."

"BESH, kain na!" Tawag sa kanya ng kaibigan mula sa loob ng bahay. Nasa labas kasi si Kiara, dahil mainit sa loob, nawalan ba naman nang kuryente nang walang panotice ang electric cooperative sa kanila.

Mas presko din sa labas kaya napili niya doon. Lalong-lalo na sa pwesto niya ngayon. Relax na relax siyang nakahiga sa isang duyan. May puno naman ng mangga kaya di siya naiinitan kahit tanghaling tapat.

"May kuryente na ba?" Malakas na tanong niya para rinig na rinig ni Aliyah. Ayaw niya kasing paulit-ulit pa iyong sabihin.

"Malamang wala pa, wala ka namang naririnig na videoke dyan sa kapitbahay di ba?" Sigaw din nito pabalik sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon