Kabanata XVII

29 15 11
                                    

XVII.
Kambal

"So why did you call me Gab earlier?" Tanong ni Timothy sa kanya. Katatapos lang siyang pormal na ipakilala sa mga crew bilang bagong manager. Pagkatapos non ay inaya naman siya ng kanyang Sir Timothy na magkape muna kaya nga sa ngayon ay magkaharap silang sumisimsim ng mainit na kape.

"Sir? Ay kahawig niyo ho kasi yung kakilala ko, akala ko ikaw yon." Paliwanag niya. Dahil totoo naman talaga, magkahawig na magkahawig si Gab at Sir Tim. Posible kayang kambal sila? Baka nagkataon lang.

"Ganon ba? So... Sinong mas gwapo sa 'min?" Nakapalumbabang tanong sa kanya ng kaharap. Di makapaniwalang tingin naman ang iginawad niya dito. Talaga bang tinatanong pa yon?

Natawa na lang tuloy siya, siyempre iyong pang dalagang Pilipina.

"Sir naman, syempre ikaw!" Tamang pasipsip lang kahit sa loob-loob niya ay alam niyang ang pinakaguwapong lalaki sa paningin niya ay si Gab.

"Wag mo na kong purihin Ms. Gomez." Sabi naman sa kanya ng kanyang boss bago sumimsim ng kape. "You don't need to lie, I know that in your sight, that Gab is the most handsome."

"Luh Sir, pano mo nahulaan yon?" Agad naman siyang napatakip ng bibig nang marealize na napalakas ang pagkakasabi niya dun. Dapat bulong lang yun eh.

"Well, I saw you blush right after you saw me earlier. Iisipin ko sanang, nalove at first sight ka na sa 'kin kaya lang ibang pangalan yung binanggit mo." Natatawang kwento naman nito.

Napangiti na lang si Kiara bilang pagtugon at humigop muli sa kanyang kape. Mapait man ay pinilit niya pa ring ipakita na di siya napapaitan. Ba't ba kasi di niya pinalagyan ng asukal? Ganon ba siya kalutang kanina?

Nagvibrate naman ang cellphone ng boss kaya nagpaalam muna ito na sasagutin iyon.

Siya naman ay inilabas ang sariling phone para makapag-online. Mula kasi kaninang umaga ay di niya pa naitatanong ang lagay ni Phoebe.

Dalagang Sawi Babawi

Phoebe: I'm fine now

Phoebe: thanks for being there yesterday

Lyka: Phoebe girl, sorry di ako nakapunta kahapon ah

Phoebe: No, it's fine (:

Napahinga naman nang maluwag si Kiara sa nalaman. Buti naman at conscious na ang kaibigan nila.

Me: Ay naniniwala ka jan Phoebe? May kadate yan kahapon kaya di nakarating.

Lyka: Oy wala ah.

Me: Eh sino yung nakita kong nakaakbay sa 'yo nung pauwi ka na?

Wala naman talaga siyang nakitang ganon dahil di naman siya nagawi sa pinagtatrabahuan ni Lyka. Siyempre, tamang trip-trip lang.

Lyka: Kaibigan ko nga lang yun eh.

Di niya naman inaasahan ang pagsagot ng kaibigan. Huli ka balbon!

Me: We? Ba't parang disappointed?

Phoebe: Our Lyka is finally getting a boyfriend, I'm so happy.

Aira: You didn't tell us ha.

Lyka: oy ang o-OA di ko nga jowa yun

Ely: Si ate naman parang di nakita si Eric NIYA kahapon haha

Phoebe: Who's Eric?

Aira: Hey! We're not together okay!

Me: Defensive? Haha

Me: Boyfriend niyang nurse yon Phoebe girl.

Me: Naol di ba may lovelife

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon