Kabanata XXVIII

11 4 0
                                    

XXVIII.
Hintay

"Aliyah ano bang ginagawa natin dito?" Walang gana niyang tanong sa kaibigan. Nasa mall kasi sila ngayon dahil inaya siya ng kaibigan na lumabas. Ayaw niya sana eh, pero kinaladkad na siya mapalabas lang sa kwarto nila. Edi pinagbigyan niya na lang kahit wala pa talaga siya sa mood.

"Edi siyempre magsoshoping, ikaw kung magswiswimming ka." Pilosopong sagot ng kaibigan na nangunguna sa paglalakad. Hawak rin nito ang kamay niya na parang iniingatan siya na wag mawala. Hay sana ganon din si Gab sa kanya, kaya lang...

"Natutulala ka na naman dyan. Halika na nga, samahan mo kong mamili." Aya ng kaibigan saka sila pumasok sa isang boutique.

"Besh, mahal dito." Sita niya. Pipili na lang kasi ang kaibigan ng bibilhan ay sa mahal pa. Butas naman ang bulsa nila nyan.

"Naku okay lang no, para naman mabawasan yang lungkot mo." Sagot nito habang pumipili na sa mga dress na paniguradong dagdag lang sa mga damit nito na di magagamit.

"Anong mababawasan? Eh nakakaiyak nga iyong presyo ng mga damit dito." Giit niya.

"Ay don't worry about the price girl." Chill lang na sagot ni Aliyah. Nasa mga t-shirts na ito habang si Kiara naman ay nakasunod lang.

"Bakit libre mo?"

"Gaga hindi, sinabi ko bang bibili tayo?"

"Sabi mo shopping."

"Window shopping duh. By the way, ano? Bagay ba sa 'kin 'to? Ternohan ko ng maong shorts." Tukoy nito sa isang oversized na t-shirt na may we bare bears na print.

"Akala ko di ka bibili?" Tanong niya nang mapansing marami na itong napulot.

"It's a prank! Besh alam mo namang mahirap pigilan 'di ba? Sige na pulot ka na ng isa dyan, babayaran ko." Sagot naman nito saka pumunta na sa counter ng boutique. Lumapit din naman agad siya dahil ayaw niya namang nagsisigawan sila doon.

"Libre mo?"

"Hindi, babayaran ko dito tapos ipapabayad ko rin sa 'yo sa bahay." Napairap na lang siya sa pagiging pilosopo ng kaibigan. Ano bang nakain nito at ganyan kumilos? O ano kayang nangyari noong mga panahong tulog siya. "Siyempre libre para sa kaibigan ko na laging naiiwan."

"Besh!"

"Charot sige na, kuha na, bago pa magbago isip ko." Sabi naman nito kaya dali-dali na niyang kinuha ang kanina niya pa natitipuhang damit.

"KANINA sa mamahaling boutique, ngayon ay sa mamahaling restaurant naman, baka gusto mo mamaya sa mamahaling salon?" Sunod-sunod niyang sabi at tanong sa kaibigan.

"Good idea girl! Sige mamaya after natin maglunch." Napairap na lang siya sa ikinilos ng kaibigan, kahit kailan talaga.

Kasalukuyan silang nasa isang mamahaling Chinese restaurant ngayon. Sinusuggest niya na nga kanina na sa Chowking na lang sila dahil Chinese meals din naman ang sineserve doon pero mapilit ang kaibigan, gusto daw sa mamahaling restaurant.

"Ikaw besh, gusto mo bang walang matira sa sasahurin mo?" Sita niya sa kaibigan.

"Okay lang no, kung para naman sa bestfriend ko, why not?" Sagot nito habang humihigop ng noodles. At take note may tunog pa, sarap na sarap lang? Sana all. Samantalang siya ay di maenjoy ang pagkain sa harapan, di niya kasi matake na para sa isang bowl ng noodles ay magbabayad sila ng higit isang libo, eh pwede namang magluto na lang ng Lucky Me.

"Sinisi mo pa ko. Ikaw kaya nagpilit na dito tayo."

"O edi ako, chill besh, wag mo ipasa ang galit mo sa ex mo sa 'kin."

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon