Kabanata XXII

17 11 7
                                    

XXII.
Sorry

"A-aliyah." Agad niyang tinakbo ang pagitan nila sa mahigpit na niyakap ang kaibigan. "Namiss kita."

Niyakap din naman siya nito pabalik.

"Namiss din kita Kia." Makalipas ang ilang sandali ay humiwalay na rin sila.

"Besh, I'm sorry sa mga nasabi ko nung nakaraan ah, ikaw naman kasi eh." Ani Aliyah saka ginawakan ang mga kamay niya. Napasimangot naman siya. Aba't nanisi pa 'tong bruhang 'to. Char.

"Charot, oo na may kasalanan din ako. Nagpadala ako sa emosyon." Pahabol nito na agad niya ikinangiti. Buti na lang talaga at wala sa kanilang magkaibigan ang mataas ang pride. Kundi ay baka di na sila magkabati.

"Ano ba, okay lang yon. Atleast di ba, pinarealize mo sa 'kin na marami akong nasasaktan dahil sa paghihiganti na yan." Paliwanag niya nang sa gayon ay di naman sisihin ng kaibigan ang sarili.

"Mabuti naman at narealize mong gaga ka." Sabi ng kaibigan pagkatapos ay tumawa nang pagkalakas-lakas, iyong namiss niyang tawa nito, yung parang pang mangkukulam.

"Bwiset na tawa yan." Komento niya saka tumawa na rin.

"Eh. Napapatawa ka naman." Sabi naman ng kaibigan.

Ilang minuto pa silang nagtawanan hanggang sa mapagod. Ito talaga ang namiss ni Kiara for the past two weeks eh. Yung genuine nilang kasiyahan pag magkasama.

Sabay din naman silang umupo sa sofa nang nangalay sa pagkakatayo. Lalo na siya at nakahigh-heels pa.

"Nga pala, parang gumaganda ka besh ah. Iba talaga kapag may Gab Soledad sa buhay." Nanlaki naman agad ang mga mata niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Luh pano nito iyon nalaman?

"Nanggaling ako sa party, di ba halata. Tsaka anong may Gab Soledad sa buhay? Di pa nga kami eh." Giit niya. Pinaningkitan lang naman siya ng kaibigan.

"Pumaparty ka na pala ah. Ba't di mo ko sinama?"

"Inaway mo ko remember." Agad naman siyang sinamaan ng tingin ng kaibigan kaya napa-peace sign na lang siya. "Char. Eh di pa naman tayo okay kanina di ba? Tsaka di ka invited girl."

Sinimangutan ulit siya ng kaibigan dahil dun.

Marami pa silang napag-usapan gaya ng nangyari kanina. Iyong pagkareject at pagkahuli ni Cruel. At ang pansisisi niya sa sarili.

Siyempre bilang mabuting kaibigan ay kinomfort siya ni Aliyah. Paulit-ulit na sinasabi na hindi niya kasalanan.

Thankful talaga siya na meron ang kaibigan niya. Sana nga ikasal na sila ng kuya niya para maging kapatid niya na talaga ito kahit sa papel lang.

"ITO na po ma'am. Isang blueberry cheesecake at dalawang wintermelon milktea." Abot sa kanya ng crew ng Lyeanne's bakeshop, kung saan nagsimula ang lahat. Dito niya talaga napiling bumili ng pagkain dahil nga paborito ni Cruel.

"Thanks." Aniya at kinuha na ang takeout na order. Pagkalabas ng bakeshop ay nakita niya kaagad ang naghihintay na si Gab. Ito talagang lalaking 'to, sinabi na ngang sa loob na lang maghintay dahil mainit.

"Ba't nasa labas ka?" Bungad niyang tanong dito.

"Para ako ang una mong nakita pagkalabas mo." Nakangisi nitong sagot. Agad siya nitong inakbayan nang makalapit siya at pinagbuksan ng pintuan ng kotse.

"Sad to say, ang una kong nakita ay si kuyang nakikipag-away sa jowa." Natatawa niyang sabi pagkaupong-pagkaupo sa shotgun seat. "Char, siyempre ikaw agad una kong nakita, 'to naman iiyak kagad."

"Ang ingay naman ng girlfriend ko." Ani Gab saka siya binigyan ng kiss sa cheeks. Kaya resulta speechless siya. Alam na alam talaga nito kung pano siya patigilin sa pang-aasar.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon