Kabanata XVI

39 15 11
                                    

XVI.
Paano

"Thanks." Nakangiti niyang sabi kay Gab na nagmamaneho ngayon. Sa totoo niyan ay kanina pa siya nakangiti kahit pa katabi niya ang taong dahilan non. Bakit ba? Eh di niya mapigil ang kilig na nararamdaman eh.

Sa dami ng nangyari ngayong araw, ito ang pinakamaganda! Dahil nalaman niya na kahit di sila bati, may pake pa rin ito sa kanya.

Pagkatapos nga siyang payungan nito kanina ay pinasakay na rin siya kaagad sa sasakyang pinapasada nito. Papasok nga rin sana iyong ibang naghihintay sa waiting shed pero tinanggihan na ni Gab. Nako, mabuti nga sa kanila, pakunwari pa ang mga yon, akala ba nila di niya alam na kakarating lang  nila. Eh halata namang nagwapuhan lang sila kay Gab eh.

Samantala, sa kasalukuyan ay di siya sinagot ng katabi at diretso pa ring nakatingin sa kalsada.

"Luh ang sungit, nireregla ka girl?" Reklamo niya nang di pa rin siya nito pinapansin.

"Bakit nireregla lang ba ang may karapatang magsungit?" Sagot naman nito sa kanya at di man lang siya nilingon.

"O kala ko ba iniiwasan mo ko? Ba't lagi mo pa rin akong kinakausap?" Pang-aasar niya. Tawang-tawa siya habang mas napasimangot naman ang katabi, narealize siguro iyong nagawa nito.

"Akala ko ba sabi mo wag na akong magpapakita sa 'yo kahit kailan?" Tumigil naman ito saglit saktong traffic kaya nilingon siya nitong nakangisi.
"Bakit ngayon gustong-gusto mo kong kausapin?"

"Hoy!" Naisigaw niya na lang dahil sa walang masabi. Bakit ganon? Bumalik kaagad sa kanya? Sana all diba matalino.

"Tapos miss pa ako?" Nakangisi pa nitong dagdag na mas nagpapula sa pisngi niya. Napapout na lang tuloy siya. O edi siya na ang talo.

"Duh guilty lang ako no, asa namang miss kita. Ikaw miss ko?" Nag-isip pa siya saglit bago muling nagsalita."Mmm. Slight lang."

Napansin niya naman ang pagpipigil ng ngiti ni Gab.

"Pinipigilan pa kasi, halata din naman." Parinig niya. "Crush mo ko no?"

Di naman siya sinagot nito at pinausad na ang sasakyan. Nanatili pa rin naman ang ngiti sa mga labi nito kaya mas lalong natutuwa si Kiara. Ibang-iba ang pakikitungo nila sa isa't isa ngayon sa pakikitungo nila sa isa't isa kanina sa ospital.

And speaking of, halos makalimutan na ni Kiara ang bagay na yon. Buti at naalala niya.

"Ano palang ginagawa mo kanina sa ospital?" Tanong niya, nagbabakasakaling may makuha siyang sagot.

Agad na nagseryoso ang ekspresyon ng kausap at matagal pa bago siya sinagot.

"Nothing." Maikling sagot nito. Pero di naniniwala si Kiara, halatang may tinatago si Gab eh.

Di niya na lang ito pinilit na magsalita dahil nirerespeto niya naman ang desisyon nitong wag sabihin sa kanya. Kahit na may kutob na siya, pinili niya pa rin iyong ipagsawalang bahala. Mas mag-aalala lang kasi siya kung iisipin niya pa yon.

Mabilis din naman silang nakarating sa bahay nila Kiara. Muli siyang nagpasalamat, saka lumabas na ng sasakyan.

Pero di pa man siya nakakalayo ay narinig niya agad ang pagkatawag sa pangalan niya. Siyempre lingon ala-shampoo girl. Basta iyong lingon ng mga babae sa commercial ng shampoo.

"Aray." May natamaan pala ang buhok niya nang lumingon siya.

"Ay sorry Gab! Di ko naman alam na andyan ka na pala sa likod ko." Napangiwi na lang tuloy siya, medyo basa pa kasi ang buhok niya dahil sa ulan kanina kaya alam niyang masakit iyon pag naihampas.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon