Kabanata XX

25 13 13
                                    

XX.
Marry

Nakalipas ang dalawang Linggo at di pa rin bumabalik si Aliyah sa apartment. Di naman gaanong nag-alala si Kiara dahil nagpaalam na itong doon muna tutuloy sa kakilala nito. Busy daw kasi ito sa opisina at mas maganda kung doon ito sa mas malapit sa pinagtatrabahuan.

Kaya lang wala pa silang pormal na pag-uusap ng kaibigan. Inupdate lang talaga siya nito noong ilang araw nang di nakakauwi sa apartment.

Ang kuya niya naman ay tila back to normal mula nang malaman ang maya't mayang pagbisita sa kanya ni Cruel. Kahit siguro disappointed sa kanya ang kapatid ay di pa rin siya nito matitiis. At mawawala pa ba ang pagiging overprotective kuya nito, syempre hindi!

"So?" Natigil siya sa pag-iisip nang magsalita si Lyka. Oo nagkita-kita ulit sila matapos ang pagleave niya sa kanilang group chat. Hindi para magplano ulit kundi para magkalinawan na.

"Anong so?" Tanong naman Ely.

"So what? Ano nang plano niyong bumaliktad sa grupo?" Singit naman ni Aira sa usapan. Parang bumalik na nga ang dati niyang aura eh. Ang napakamasungit na Aira.

"Niyo" dahil tatlo sila. Hindi lang siya ang may gustong itigil na ang paghihiganting iyon kundi pati na rin sina Ely at Phoebe.

"Umamin na ko kay Isa." Pag-amin niya.

"What?" "Ano?" Halos sabay pang sigaw nina Lyka at Aira. Alam niyang namang ganon ang magiging reaksyon ng mga to. Sino ba namang di magugulat?

"Alam mo bang dahil sa ginawa mo posibleng ngayon pa lang sira na ang plano!" Galit na sambit ni Lyka sa kanya. Napayuko na lang tuloy siya.

"Di ko na kasi gusto guys, marami nang nadadamay eh."

"Kia naman, if you don't like here anymore just leave, wag mo na kaming bigyan ng another problem." Si Aira.

"I'm sorry, wala tong magandang naidudulot sa 'tin eh, kaya itigil na." Hingi niya ng tawad.

"Itigil? Kung titigil tayo pano yung mga pinaglalaban natin? Ako yung sa kapatid ko, kayo sa mga puso niyo. Ano? Wala na lang lahat yon?" Ani Lyka na sa kabila ng matapang na pagsasalita ay naluluha na.

"T-tama si Kiara, Lyka. Wala 'tong magandang naidulot sa 'tin." Pagsang-ayon naman sa kanya ni Ely. Si Phoebe naman ay nananatili pa ring tahimik.

"Ano Ely, wala na lang ba sa yo yung nangyari sa relasyon nating magkapatid?" Tanong ni Aira. Halata ang sakit sa boses nito.

"Mahirap iyong nangyari sa 'tin ate, pero mas mahirap para sa 'kin yung araw-araw na naiisip ko kung gaano ako kasamang tao." Rumaragasa na rin ang mga luha mula sa mata ni Ely.

"Kaya please guys, tigil na, hindi ko agad narealize pero ngayon buo na ang desisyon ko, at yon ay ang tumigil na sa paghihiganti. Let's just move on from the past." Pagmamakaawa niya.

"Bahala kayo kung wala lang sa inyo ang nangyari sa inyo. Basta ako hahanapin ko ang hustisya para sa kapatid ko." Huling sinabi ni Lyka bago ito lumabas ng opisina ni Kiara.

"Sana lahat di ba nakakamove on agad? Kasi sa 'kin masakit pa rin eh. Kaya itutuloy ko ang nasimulan ko kahit wala kayo!" Sumunod din naman agad si Aira sa lumabas na si Lyka.

"I'm sorry Ely, Phoebe, kasalanan ko 'to." Pagsisi niya sa sarili. Nagkanda letse letse na kasi lahat eh. Kung mas maaga niya lang sanang tinanggap ang lahat at kung di na sana siya nagmatigas edi napigil pa sana habang maaga pa. Ngayo'y parang huli na siya.

"No it's not your fault Kia. You did the right thing." Pag-assure sa kanya ni Phoebe na ngayon lang halos nagsalita. Nginitian niya lang ito bilang pasasalamat sa pagpapagaan ng loob niya.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon