Kabanata XXIII

23 10 4
                                    

XXIII.
Nothing

"Sorry, sorry di ko sinasad–Isa?" Gulat siyang napatingin sa babaeng kaharap niya ngayon. Napakagaling nga naman ng pagkakataon. Sa dami ng pwede niyang makabunggo eh yung iniiwasan niya pa.

Pero teka, binanggit nito ang pangalan niya. Kilala siya nito sa mukha?

"Yes, its me." Malawak ang ngiti nito sa kanya na parang wala siyang atraso dito.

"K-kilala mo ko?"

"Of course! My love guru!"

"Love guru mo na nagbalak sirain ang relasyon ninyo?" Nahihiya pang sabi ni Kiara. Totoo naman eh, kahit parte lang siya ng plano, di pa rin matatanggal ang katotohanang isa pa rin siya sa gumawa.

"It's in the past now Kia. And if your thinking na kasalanan mo rin iyong pagwalk out ko sa venue, I'm telling you, it's not."
Eto na naman. Bakit ba di nagsasawa ang mga taong 'to na iparamdam sa kanya na wala siyang kasalanan? Di naman kagandahan ang ugali niya pero puro magaganda ang pinapakita sa kanya ng kapwa niya. Mas naguguilty tuloy siya.

"We?"

"Yep. Yeah you told me your reason but I'm the one who dug deeper. It was my choice. And naguilty ako kaya ako nagwalk out that time. Again, it's not your fault. It's Cruel's, gago rin kasi yung lalaking yon eh!" Dagdag ng kausap.

Grabe! Feel na feel niya na iyong explanation eh, biglaan naman yung sinabi ni Isa. Sa tingin niya kasi ay di bagay ng englisherang si Isa ang magsalita nang ganon. Natawa na lang tuloy siya.

"Oo na po, di ko na sisisihin ang sarili ko. I'll try. Pero grabe naman." Tinuloy niya pa ang tawa bago nagsalita ulit. Siyempre tawa is life ano. "Totoo bang tinawag mong gago yung fiance mo?"

"Oh so you know it already. Don't worry I still love him even if he's gago."

"I'm happy for you guys." Nasabi niya na lang. Iyon talaga ang tunay niyang nararamdaman noong mga oras na iyon.

"Thanks. By the way, I'll go now, my boyfriend is waiting for me. I think yours too."

"Okay,okay. Bye." Paalam niya saka tumalikod na rin at nagsimulang maglakad. Napaisip tuloy siya habang naglalakad, may boyfriend pala siya, di siya nainform ha.

Aish! Ba't kasi lagi na lang sila pinagkakamalan? Eh kung totohanin niya na lang kaya?

Pagkalabas ay nakita niya rin naman kaagad si Gab na naghihintay.

"Kamusta?" Salubong nito sa kanya saka pasimpleng inakbayan. Kunyari di niya lang napapansin, gusto niya rin naman eh.

"Ayun, okay na, di naman pala nila ko sinisisi. Tsaka engage na yung dalawa, tayo kaya kailan?" Parte na naman iyon ng banat niya, pero di niya naman inaasahan na sasagot itong si Gab.

"Mmm, di mo pa nga ko sinasagot."

Lagi na lang talaga itong ganon, nanggugulat. Kung babanat siya, mas matindi naman ang banat nito.

"Gusto mo ba? Handa ka na bang mag-alaga ng babaeng iyakin tsaka maraming insecurities?" Nginitian lang naman siya nito at pinagbuksan ng sasakyan. Pumasok naman siya sumunod din ito na umupo sa driver's seat. Pero di pa nito pinaandar ang sasakyan.

"Minahal kita nang ganyan ka, at mas mamahalin pa kita pag naging tayo. Ipapangako ko  na kahit kailan ay di kita papaiyakin at sisiguraduhin ko lagi na hindi ka maiinsecure." Mahabang sabi nito sa kanya na may seryosong ekspresyon sa mukha.

Naiyak na lang tuloy siya, walang pigil-pigil dahil ilang beses naman na iyong nakita ni Gab.

"Grabe, di naman kita deserve eh." Ginamit naman ni Gab ang hinlalaki nito para pahidin ang mga luhang lumalandas na ngayon sa kanyang mga pisngi.

"Ssshhh, you deserve everything."

•••

"Gab ano ba 'to? Kanina pa tayo naglalakad ah, baka naman bigla mo na lang ako itulak sa bangin ah."

Nakablindfold kasi siya, pinagganon siya ni Gab dahil may ipapakita daw kuno. Ay alam niya na 'to eh, naku, baka mag-popropose na ito, o baka nagiging assuming na naman siya?

Malayo din ang binyahe nila mula sa kulungan hanggang sa lugar na ito. Di nga siya pamilyar dito dahil di naman siya madalas lumabas.

Kung bakit ba naman kasi pataas ang nilalakaran nila ngayon, feeling niya tuloy pagdilat niya nasa bangin na sila eh. Di naman siguro yon gagawin ni Gab.

"I won't, don't worry. Kung itutulak man kita, susunod din agad ako."

Napangiti na lang tuloy siya dahil don. Gab never failed to make her smile.

"Malapit na ba tayo?"

Di naman siya sinagot nito at patuloy pa rin siyang ginagabayan sa paglalakad. Nang huminto sila ay dahan-dahan na ring inalis ni Gab ang blindfold niya.

"Tingin ka sa taas." Sabi ng nasa likod niyang si Gab.

Pagkatingala ay literal na napanganga siya sa ganda ng kalangitan. Maraming bituwin, may maliliit at may malalaki, andun din ang buwan na tila nakangiti pa sa kanya. Sa sobrang pagkamangha roon ay napakaikli ng nasabi niya.

"Ang ganda."

Kahit na di nagkatotoo iyong inassume niyang surprise engagement kuno, okay lang, kung ganito rin naman ang makikita niya. Pwede namang ipospone iyong wedding engagement na yan, pero itong ganito kagandang tanawin? Hindi. Tsaka di niya pa naman sinasagot si Gab, ano ba?

"Paano mo nahanap 'tong lugar na 'to?" Tanong niya. Nakayakap na ito sa kaniya at siya naman ay nakasandal sa dibdib nito.

"Sa google."

"Luh panira ng moment. Pwede namang sabihin mo na nadiscover mo lang dahil sa ganito ganyan di ba?" Aniya sa kausap na nasa likod pa rin niya hanggang ngayon. Narinig niya naman itong natawa nang mahina.

"Nagsasabi lang po ng totoo. Ano na naman kung sa google ko lang nahanap? Di na yon mahalaga."

"Ow-kay?" Di niya siguradong sagot. Wala na siyang maisip eh. Agad naman siyang tinayuan ng balahibo nang maramdaman ang mainit na hininga ni Gab sa kanyang tenga.

"Ang mahalaga kasama kita sa mga oras na 'to. 'Cause I want to remember every moment with you."

Napangiti na lang tuloy siya dahil dun. Kilig na kilig sa loob-loob pero syempre ayaw niya namang sirain ang moment nilang dalawa.

"I love you Kiara Denisse Gomez."

"I love you too." Mas humigpit pa ang yakap sa kanya ni Gab at kasunod noon ang halik nito sa kanyang buhok.

Pagkatapos non ay tinanggal nito ang pagkakayakap sa kanya at pinaharap siya. Seryoso silang nagkatitigan, at kasunod non ang sabay nilang pagngiti.

"Let me ask you again this time. Under the stars, the moon and the cold breeze of the wind. Will you be my girlfriend?"

Nginitian niya lang ito nang mas malaki saka niyakap nang pagkahigpit-higpit.

"Is it a yes?"

"It's a yes!" Masaya niyang sagot. Finally. Ilang linggo niya ring pinigil ang nararamdaman para makapag-isip nang maayos. Kasasabi pa lang ni Gab na gusto siya nitong ligawan, gusto niya nang sagutin ito kaagad. Pero hindi pa pwede.

Maliban sa overprotective ang kapatid niya, may takot pa rin kasi siya sa pagpasok sa relasyon. May tiwala siya kay Gab dahil alam niyang di siya magagawang saktan nito, pero sa sarili niya ay wala. Hanggang kanina bago sila bumisita kay Cruel ay may insecurities at doubt pa rin siya sa sarili.

Mabuti na lang at nilinaw na ng kanyang ex na di naman siya nagkulang sa relasyon nila. Medyo nabawasan naman iyong insecurities at doubt niya.

At ngayon she finally said yes. Hopefully, di magaya ang relasyong ito sa relasyon nila ni Cruel noon, nagtagal pero naghiwalay pa rin.

"Gab, di ka naman mafafall out di ba?"

"Kahit makaalala pa ako, di mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo." Kahit na napakasweet ng sinabi nitong mga salita, di nakatakas sa kanya ang una nitong sinabi. Makaalala?

"A-ano?"

"Nothing."

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon