Kabanata XXX

15 3 0
                                    

XXX.
Broken

"Besh? Akala ko okay ka na." Tanong sa kanya ng kaibigan na kakapasok lang sa silid nila. Umupo ito sa tabi niya.

"Okay na 'ko." Nakayukong tugon niya kahit na alam niyang sa loob-loob niya ay hindi.

"Gaga, alam mo namang di ka makakapagsinungaling sa 'kin 'di ba?"

Napangiti na lang siya nang tipid dahil doon. Totoo. Sa sobrang tagal na nilang magkaibigan, kilala na nila ang isa't isa. Kaya kung magsisinungaling man siya kagaya ngayon. Mahahalata.

"Nagkita ulit kami ni Porter kanina." Agad namang nangunot ang noo ng kaibigan sa kanyang sinabi. Oo nga pala, di niya pa naikwekwento ang pagkawala ng alaala ni Gab.

"Hoy! May bago ka agad?"

"Hindi, si Porter ay si Gab."

"Ha? Gabriel Porter Soledad ba ang pangalan niya?" Naguguluhan pa ring tanong nito sa kanya.

"Hindi."

Dahan-dahan niya namang ipinaliwanag ang lahat sa kaibigan.

"Kaya nga kanina, nung nakita ko silang dalawa na masaya, naguilty ako." Malungkot niyang turan.

"Ano ka ba Kia? Lagi mo na lang sinisisi ang sarili mo." Pinagsabihan siya ng kaibihan. Nginitian niya lang ito.

"Dahil kasalanan ko naman talaga."

"Pero di mo naman dapat iyon solohing lahat. Lahat tayo nagkakamali besh, di lang ikaw, kaya wag kang feeling."

"Aliyah naman eh."

"Charot lang 'to naman. Gusto ko lang na mapagaan yung kalooban mo. Normal lang na maguilty, pero yung sobra mo nang sisisihin ang sarili mo dahil don, wag naman. Kasi nasasaktan din ako kapag nakikita kang ganyan eh. Alam mo namang ikaw ang nawawala kong kambal." Aliyah talaga, kahit na seryoso na ang usapan naisisingit niya pa rin ang mga hirit niya.

"Okay na sana eh, may pahabol pa sa dulo."

"Naniwala ka naman! Gaga, kung kambal tayo eh 'di mas lalong di kami magkakatuluyan ni Bash."

"Ba't di mo na lang kasi sagutin?"

"Hmp. May kasalanan yon sa 'kin eh. Kaya di muna. Tsaka wag mo nang isipin yung love life ko, focus ka jan sa iyo."

"Focus, focus pa. Eh sila nga di makapagfocus sa 'kin."

"Ay aba, aba, aba, humuhugot ka na ah."

Nagtawanan na lang sila pagkatapos noon. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil nailabas niya sa isang tao ang naiisip at nararamdaman niya. Si Aliyah nga naman ang walking diary niya, at thankful siya dahil don.

UNANG araw ng pasok niya sa branch kung saan siya inilipat ng boss. At siyempre dahil siya si Kiara Gomez, nalate na naman siya sa pasok niya ngayon. Eh paano, imbis na papunta sa bagong papasukan ang nasakyan niya eh doon siya nakasakay sa sakayan papunta sa dati niyang pinagtratrabahuan. Narealize niya na lang nang malapit na siya doon. Feeling maaga pa naman siya ngayon tapos late lang pala.

"Good morning Ma'am. Sakto po ang dating niyo at magbubukas na ang bakeshop." Bati sa kanya ng isang lalaking mas matanda lang ata sa kanya ng ilang taon. Nakacorporate attire ito at aktong manager ng lugar.

"Manager?" Di niya napansin na napalakas ang pagkakasabi niya doon.

"Ah yes. I'm the manager. How did you know?" Nagtatakang tanong nito.

"Kiara Gomez po Sir." Nakangiti niyang pakilala, kunyare di na late.

"Ah you're the new assistant." Nakangiti siyang tumango-tango bilang tugon. Bigla namang napasimangot ang kausap niya. "Why are you late?"

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon