Kabanata XVIII

27 14 11
                                    

XVIII.
Di Kilala

"Wala, nag-iisang anak lang ako." Sagot naman nito sa kanya.

Napatango na lang siya bilang tugon. Kung ganon ay hindi siya ang hinahanap na anak ni Mrs. Reyes. Pero pano kung nagsisinungaling lang ito? Ay hindi, hindi at hindi! Di niya dapat pagdudahan si Gab.

Pagkarating sa bahay niya ay nagpasalamat siya agad kay Cruel. Nakalibre siya ng pamasahe eh, char. Nagpasalamat rin naman siya dahil sa ice cream no, tsaka sa care nito sa kanya.

"Pano, bye na. Sana pagkitain ulit tayo ni tadhana." Nakangiting paalam niya saka lumabas na ng kotse.

Nakatulog rin naman siya agad pagkatapos talagang nakakapagod ang araw na yon.

Araw ng biyernes at hihikab-hikab pa pagkagising si Kiara tinapos niya pa kasi ang mga paper works niya na di natapos sa opisina. Tuloy puyat na puyat siya.

"Aga magising ah." Aniya sa kaibigang halatang katatapos maligo at ngayon ay nag-aayos sa salamin.

Tinanguan lang naman siya ng kaibigan? Huh? Anong nangyari sa kaibigan niya? Nakakapanibago naman ang katahimikan nito.

"Aliyah, may problema ba?" Nag-aalala niyang tanong dito. That time niya lang kasi nakitang sobrang tahimik, baka naman may prinoproblema na ito.

"Wala." Tipid naman nitong sagot sa kanya.

Iba eh, ibang-iba ang kaibigan kong Aliyah sa taong kausap ko ngayon. Di kaya...

Agad siyang bumangot at lumapit sa nagsusuklay na si Aliyah at agad niya itong niyugyog.

"Aliyah! Girl! N-nasapian ka—"

"Ano ba?!" Nagulat naman siya sa ginawang iyon ng kaibigan. Ngayon lang siya nasigawan nito at naitulak. Agad naman siyang bumangon at lumapit nang konti.

"Pasensya na sa kakulitan ko ah. Nakakapanibago ka kasi. Kung may problema ka share mo lang ha." Pero di siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Nang matapos ay walang paalam na lumabas.

Ano kayang problema non? Kahit na nakangiti sa labas, sa loob-loob ni Kiara ay nasasaktan siya sa ikinikilos ng kaibigan. Parang wala silang pinagsamahan sa ikiniloa nito kanina lang eh.

Oo nag-aaway din sila minsan. Pero kahit kailan ay walang nangyaring pisikalan sa kanila, at puro mabababaw lang naman ang pinag-aawayan nila. Ngayon iba.

"Kuya? Nag-away ba kayo ni Aliyah?" Tanong niya sa kapatid na kasama niya sa hapag. Ang kaibigan niya ay nauna na daw umalis ayon sa kapatid.

"Hindi naman, bakit? Di nga kami nag-uusap masyado non eh." Sagot naman ng kanyang Kuya Baste sa kanya.

"Ibang-iba kasi siya kanina kuya eh. Parang galit."

"Baka naman may ginawa ka dun sa mga album niya, alam mo namang mahal na mahal niya yung mga yun."

"Kuya naman, siyempre di ko yun pinakealaman. Ayoko pang mamatay no." Aniya. "Tsaka kung may away naman kami non, sinesettle namin agad, walang nagaganap na isnaban."

"Sige subukan kong kausapin siya mamaya."

"Talaga kuya?" Natutuwa niya namang tanong. Sa tingin niya rin kasi ay mas madaling mapalambot ang matigas na ekspresyon ng kaibigan kung may tulong ng kapatid. "Nako thank you ah. Etong bente!"

"O asan yung bente?"

"Bentenapa!" Masayang sigaw niya saka nilagay ang isang tinapa sa plato ng kapatid na napasimangot agad sa hirit niya. Natatawa niya na lang itong tinignan. Hay sana nga maayos na nila kung ano mang problema nila ng kaibigan.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon