Kabanata XV

33 18 20
                                    

XV.
Iwasan

"A-anong nangyari?" Agad na tanong ni Kiara pagkarating sa ospital. Nang malaman nga ang balita ay agad siyang sumugod doon. Nag-iwan na rin siya ng note sa ref sa bahay nila na pupunta siya sa ospital, mamaya na siya magpapaliwanag.

"Nag-uusap lang kami kanina eh, habang papunta sa kotse niya tapos biglang nahimatay." Natatarantang paliwanag ni Ely.

"Ely kalma, magiging okay din si Phoebe, tiwala lang."

"Sana nga." Di pa rin mapakaling sabi ni Ely. Baka sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kaibigan nila. Kung titignang mabuti ay malinaw pa sa nararamdaman niya kay Gab ang katotohanang may malalang sakit si Phoebe. Kaya di dapat sisihin ni Ely ang sarili. Wag ganon.

"How is she?" Tanong ng bagong dating na si Aira. Mapapansin din ang pagkabahala sa mukha nito.

"Di pa lumalabas ang doctor eh." Sagot naman ni Ely. Sinilip niya naman ang emergency room at nakitang wala namang doctor doon. Tanging ilang pasyente, at nurse lang ang naroon.

"Wala namang Doctor doon Ely."

"Ah ganon ba, pasensya na di ko napansing lumabas." Si Ely.

"Doc! Ikaw ba iyong umasikaso sa friend namin? How is she?" Tanong agad ni Aira nang may dumaang doctor. Si Kiara ay hinihintay rin ang sagot ng doctor samantalang si Ely ay napatampal na lamang sa noo.
"Kay Ms. Phoebe ba? Hindi siya ang umasikaso doon. Si Dr. Tenorio yon." Sabat naman ng isang napadaang nurse.

"Am I asking for your opinion? Eric?" Inis na tanong naman ni Aira dito. Mmm may something, something's fishy.

"If you'll excuse me, kailangan ko pang magrounds." Paalam naman ng doctor na naistorbo ni Aira.

"Sure, Doc! You go and I will follow" Pagsang-ayon ni Aira. Napailing na lang tuloy ang dalawa sa ikinilos ng kaibigan.

"Type mo yon Ai-ai? Asa namang magugustuhan ka non, eh di yon nagkakagusto sa conyo hahaha." Asar ni Eric sa kay Aira. Sabi na nga ba ni Kiara, magkakilala ang dalawa. O baka more than that? Hay sana all may nurse. Char, iba na ata meaning non.

Sinamaan lang ito ng tingin ni Aira.

"Go back to your work, jerk!" Sigaw pa ni Aira kahit na nakatalikod na ang kausap. "Tara pasok na tayo sa ER." Aya naman nito.

Sumunod naman sila sa nauna nang si Aira. Agad nilang nilapitan ang payapang natutulog na si Phoebe. Ang inosente nito tignan, parang walang dinaramdam na kung anumang sakit.

"Excuse me? Kaano-ano niyo si Ms. Phoebe?" Tanong sa kanila ng kalalapit na nurse.

"Ah mga kaibigan niya kami." Sagot naman ni Kiara. Siya lang kasi ang attentive noong mga panahong yon. Si Ely ay tila guilty pa rin na nakatingin kay Phoebe naman ay busy sa cellphone, baka kinocontact si Lyka. Saan na nga ba yon?  "Kamusta na po siya?"

"Ganon ba? Sige tawagin ko lang si Doc." Agad din namang umalis ang nurse para tawagin ang doctor na dumating din naman kaagad.

"Kayo ang mga kaibigan ng pasyente?" Tanong ng doctor. Agad din naman niya iyong kinumpirma."She's stable now."

"Mabuti naman." Si Ely na nakahinga na nang maluwag. Ganon din siya.

Umalis din naman kaagad ang doctor. Ay iyon na yon? Napakatipid namang magsalita ni Doc. Hay, ang mahalaga siguro ay okay na si Ely.

Habang binabantayan si Ely ay nakareceive siya ng message mula kay Isabitch. Meron ding mula kay Aliyah at sa kuya niya sa isa niyang account. Agad niya naman iyong binuksan.

Sebastian Gomez (online)

Kuya Basted: Uuwi ka?

Me: Siguro mamaya kuya.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon