Kabanata XII

33 18 34
                                    

XII.
Mas Masasaktan

"A-ano bang sinasabi mo Gab? Okay ka lang?"

"Kiara, wag mo nang ituloy" Seryoso pa ring sagot nito sa kanya. Mula nang makilala niya ito, ngayon niya palang ito nakitang ganoon kaseryoso. Lagi kasing malambot lang ang ekspresyon nito, pero ngayon... ibang-iba.

"Wag nang ituloy ang ano? Ha? Sinasabi mo?"

"Narinig ko kayo ng bisita mo Kiara. May balak kayong maghiganti? Sino, sa ex mo?"

Iyon pala. Sabi na nga ba nya. Napabuntong hininga pa siya bago nagsalita.

"Oo. Alam mo naman kung bakit di ba?" Malungkot na tugon niya. Umaasa na baka maintindihan ng lalaking nasa harap niya ang sitwasyon, na dadamayan siya imbis na pipigilan. Dahil yun naman talaga ang lagi nitong ginagawa sa buhay niya, dinadamayan siya.

Pero ngayon, alam niyang di nito iyon gagawin.

"Alam ko, pero di tama na maghihiganti ka dahil don." May diin ang bawat salitang binitiwan ni Gab. Di pa naman sila nagsisigawan. Kalmado pa ang boses ng bawat isa, pero halata na ang tensyon.

"Kahit masakit na? Nakita mo naman kung gaano ako nasaktan dahil sa kanya di ba?"

"Di lang yon ang paraan Kia." Lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Bakit di ka na lang magmove on? Kiara, wag mong ikulong ang sarili mo sa sakit ng nakaraan dahil mas lalo ka lang masasaktan sa ganyan."

"Gab, di mo ba talaga ako naiintindihan? Intindihin mo naman ako o please." Aniya na pigil na pigil pa rin ang mga luha.

"Naiintindihan kita okay? Mmm? Kaya nga tinutulungan kita."

"Gab di niya lang ako basta iniwan. Nagtaksil din siya sa 'kin nung kami pa. At alam mo ba kung ilan kaming babae niya noon?" Di niya na nga napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas.

"T-tatlo. A-ang sakit eh, na di ko kaya yang gusto mo na lumaya sa nakaraan. Di lang sakit, galit din tong nararamdaman ko sa kanya. Kasi minahal ko naman siya nang buo tapos iyon lang ang ibabalik niya."

Di nagsalita si Gab bagkus ay niyakap lang siya at hinagod ang likod. Mas napahagulgol naman si Kiara.

"Kaya gusto ko ring maranasan niya yon. Gusto ko ring masaktan siya nang sobra. Di ko matanggap eh, na masaya siya kasama yung bago niya tapos ako, ilang linggong miserable. Tapos ngayong pinipilit kong maging masaya, malalaman kong dati pa pala niya ko pinaglalaruan."

"Hindi ka rin naman magiging masaya kapag nakapaghiganti ka na eh."

"At pano mo nasabe?"

"Kasi imbis na saya, guilt ang mararamdaman mo. Alam kong mabuti kang tao at malambot ang puso mo, kaya di iyang paghihiganti ang magpapasaya sa 'yo."

"Gab? Ba't mo ba ginagawa 'to? Di mo naman responsibilidad ang nararamdaman ko eh. K-kasi in the first place driver ka lang naman ng taxi na nakasagasa sa 'kin di ba. Ayoko sanang sabihin 'to eh pero Gab, wala kang karapatan sa buhay ko." Aniya habang malungkot na nakatingin diretso sa mata ng kausap. Ang nag-aalala nitong ekspresyon kanina ay napalitan ng lungkot at sakit.

Dun pa lang naguilty na siya. Ayaw niya namang sabihin iyon eh, pero ayaw niya rin na nakikialam ito. Dahil naguguluhan siya, sobra. Buo ang loob niya na nagdesisyon na maghiganti kay Cruel, pero ba't ngayong kausap niya si Gab ay tila nagdadalawang isip na naman siya?

Hindi, hindi. Hindi pwedeng magulo pa ang isipan niya. May ideya na siya kung bakit kaya naman hangga't maaga pa ay gusto niya nang pigilan yon.

"Kung di mo ko kayang suportahan, wag ka na lang makialam. A-at kung pwede, wag ka na ring magpapakita sa 'kin, kahit kailan." Muli na namang bumuhos ang mga luha niya matapos lang ang ilang sandali na tumigil iyon. Kasabay ng kabubuhos na ulan ang mga luha niyang walang tigil sa pagragasa. At ang sakit ng puso niyang di niya mapigilan.

Kahit kailan ay di niya inasahang mararamdaman niya pa iyon sa ibang lalaki maliban kay Cruel Tamayo.

Nagagawa nga naman ng...

"Kung yan ang gusto mo." Malungkot na sagot nito sa kanya saka muli siyang niyakap. Sinubukan niya tong itulak pero mas niyakap lang siya nang mahigpit. Pagkatapos non ay iniwan na siyang mag-isa sa silid na yon. Walang tigil ang pag-iyak at ang sakit na nararamdaman niya.

Pareho sila ng sinabi ni Cruel noong pinapaalis niya, pero bakit mas masakit ang dating noong nanggaling kay Gab? Di pwede 'to. Kagagaling niya lang sa heartbreak eh, tapos meron na naman.

Patuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa mapagod at tuluyang nakatulog.

"NANGGALING  ka naman sa pag-iyak." Panimula ng kadarating lang na si Aliyah. Sandali lang ito sa pinuntahang probinsya at umuwi rin kaagad dahil na rin sa pag-aalala sa kaibigan. "Besh anong nangyari? Si Cruel na naman ba?"

"Nandito siya kahapon."

"O tapos anong nangyari? Tsk sorry beshy ha, wala ako dito para itaboy yung lalaking yon."

"Okay lang besh. Iyon nga, he ask for my forgiveness."

Napatakip naman sa bunganga si Aliyah.

"OMG, buti naman natauhan na siya. O tapos anong sunod na nangyari?"

"Di ko siya pinatawad. Pinalayas ko."

Nginitian naman siya nang tipid ni Aliyah.

"Naiintindihan kita besh. Masyadong masakit ang pinagdaanan mo at mahabang panahon ang kailangan mo para mapatawad siya."

"A-at nalaman ko ring may iba pala siya habang kami pa."
Napayuko na lang siya nang maalala niya na naman. Pang-ilang beses niya na iyong kwinento ngayong araw at sa totoo ay nauumay na rin siya sa katotohanang iyon.

"Napakarami mong pinagdadaanan besh. Kung pwede lang kunin yung iba eh. Para di ka nahihirapan." Napaiyak na lang sa awa si Aliyah. Andaming pinagdadaanan ng kaibigan niya for the past few weeks or months rather. Kaya nga maging siya ay nasasaktan na rin.

"Katatapos ko lang umiyak, pinapaiyak mo na naman ako eh." Reklamo ni Kiara sa kaibigan. Naluluha na rin siya, pero di rin naman kasinggrabe noong kanina.

"Eh ba't ka kasi makikigaya? Copycat nito. Halika nga payakap." Lumapit naman siya sa kaibigan na nakaupo sa gilid ng kama niya saka nagpayakap.

Mahabang katahimikan pa ang dumaan bago muling nagsalita si Kiara.

"Besh bakit ang rupok ko?"

"Buti alam mo."

"Aliyah naman eh."

"Totoo naman kasi anuba haha. Ba't mo ba naitanong?"

"Ambilis kong mahulog. Kaya lagi na lang akong nasasaktan."

Humiwalay naman si Aliyah sa pagkakayakap sa kanya saka siya pinaningkitan ng mata.

"Kiara Gomez, sabihin mo nga, inlove ka na naman ba?"

Tumango lang siya bilang tugon.

"Owemgi! Owemgi! Kanino? Who's the lucky guy?" Excited namang sabi ni Aliyah, ang kaninang malungkot na atmosphere sa loob ng silid ay napalitan ng saya... ni Aliyah.

"Luh ang OA."

"Sino nga? To naman anong silbi kong kaibigan kung di ko alam?"

Natamaan naman siya doon. Sapul, di man lang siya nakaiwas. Andami niya na rin kasing sinesekreto dito. Mas naguilty tuloy siya.

"Uy! Sino nga?" Ulit ni Aliyah.

"Si Gab." Aniya pero taliwas sa reaksyon ng kaibigan bigla siyang naging malungkot.

"Oh eh bakit malungkot ka? Masaya kayang mainlove!"

"Dahil tinaboy ko siya. Gusto niyang magmove on na ko, pero di ko kaya eh. At... sobra na akong nalilito dahil sa kanya. Para sa 'kin, wala siyang magandang maidudulot sa 'kin. Baka nga one-sided lang yung feelings eh. Baka masaktan na naman ako. "

"O tapos lulungkot-lungkot ka ngayon. Itataboy mo tapos magdadrama ka. Ay ang gulo mo rin ineng."

"Besh, alam mo naman yung trauma na nakuha ko kay Cruel di ba? Natatakot lang naman ako na baka masaktan ako ulit."

"Pero nasasaktan ka naman na ngayon di ba?"

"O-oo. Pero alam kong mas masasaktan ako kung itutuloy ko pa ito."

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon