Kabanata II

100 34 112
                                    

II.
United

KASALUKUYANG nasa harap ng salamin si Kiara. Suot ang all black get up niya ay umaangulo pa siya upang makita ang kabuoan. Maganda pa rin naman siya, iyon lang mukha siyang secret agent. May paleather jacket kasi siya with matching shades at cap. Mabuti na rin yon, nang mapangatawanan niya ang plano niya ngayong araw.

Ilang araw niya ring pinag-isipan ang bagay na ito. Matapos siyang pagsabihan ng kapatid, na ika-sandaang beses na yata, at matapos makapagisip-isip at makapagsaliksik ay napagtanto niyang di niya nga dapat sinasayang ang luha sa lalaking 'di kayang makontento sa isa.

Tama. Laban para sa mga kababaihan! Este para sa mga sawing katulad niya!

Ganito lang naman ang nangyari. Matapos ang mahabang pangaral ng kapatid ay tumatak sa isip niya ang "best revenge". May pangisi-ngisi pa siyang nalalaman pero nang makapasok sa silid ay nag-iiiyak rin agad. Nagsimula siyang magduda sa sarili, kaya niya bang maghiganti? Eh sa pagkakaalam niya'y dapat pinagpaplanuhan iyon at pinag-iisipan. Eh sa katulad niyang mahina sa mga ganito ay baka di pa lang nagsisimula ang Oplan Higanti kay Cruel Tamayo, palpak na agad siya. Parang mas madali pa tuloy ang mag-iiiyak kaysa sa ganito.

Nasa ganoong sitwasyon siya nang makita niya ang kanyang laptop. At parang may nagtutulak sa kanyang buksan iyon at mag-online sa kanyang mga social media accounts. Ginawa niya nga at bumungad lang naman sa kanya ang litrato ng ex na nakahalik sa noo ng isang babae. May caption itong Happy Monthsary mahal ko.

"Wow, ang kapal?" Naiinis na lang na nasabi ni Kiara. Ito nga ang babaeng dahilan ng paghihiwalay nila. "Mang-aagaw!"

Inistalk niya pa ang account nito at nakitang may iba pang post ang lalaki na kasama ang babae. The nerve of this guy. Samantalang noong sila ay wala itong pinopost na picture nilang dalawa, gusto raw maging private ang relasyon nila until they got married. Huh! Neknek niya.

Doon ay tuluyan na siyang namotivate na ituloy ang balak niyang paghihiganti.

Chineck niya pa ang mga naipong messages sa kanya ng mga kakilala sa facebook. Matagal rin kasi siyang di nakapag-open ng social media accounts dahil sa ginawa ng lalaki sa kanya.

Pagkalabas ng silid ay sumalubong agad sa kanya si Aliyah.

"O san ka pupunta?" Salubong na tanong sa kanya nito na may tuwalya pa sa ulo, halatang kakaligo.

"Wala, dyan lang, mamasyal."

"Eh? Na ganyan ang suot?" Nagdududang tanong ulit ng kaibihan. Hinead to toe pa siya nito na nakataas ang isang kilay.

"Oo naman. Uso to 'no." Giit niya. Kahit kailan talaga ambilis magduda ng kaibigan. Kung pwede niya lang sanang sabihin ang plano niya, pero hindi, syempre, dahil siguradong agad itong tututol at di pa matuloy ang kanyang balak.

"Baka gusto mo pang magsuot ng mask? Aba'y papasa ka na bilang stalker sa suot mo." May punto ang kaibigan. Well talaga namang yon ang gagawin niya ngayon bilang pagpapatuloy ng plano. As expected mula sa kaibigan niyang nagtapos with latin honors. Siya? Nevermind basta nakapagtapos.

"Di na, pwede na 'to."

"So talagang magi-stalk ka? Sino? Si Cruel ba? Besh! Akala ko ba nagmomove on ka na?"

"Di nga, trip ko lang talaga magsuot ng ganito ngayon okay. At nagmomove on na ko, sinusubukan ko." Aniya saka pilit na ngumiti. Yon naman talaga ang ginagawa niya. But before that she wants to have her revenge first. "Sige alis na ko ah. Paalam mo na lang ako kay Kuya!" Aniya saka mabilis na sumibat nang di na mapigilan ng kaibigan.

WHERE do broken hearts go
Can they find their way home

"Kuya palipat naman ng istasyon, ang pangit ng kanta." Reklamo niya sa drayber ng traysikel na sinasakyan niya ngayon. Maganda ang kanta, pero tinamaan talaga siya sa lyrics nito, oo na at siya na ang may wasak na puso.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon