Kabanata VII

46 26 68
                                    

VII.
Ngiti

Kadiliman. Purong kadiliman lang ang nakikita ni Kiara ngayon. Kahit ilang beses siyang pumikit at dumilat ay yun pa rin ang imaheng nakikita niya. Kadiliman.

"Tao po. May tao ba dyan?" Subok niyang sigaw. Nagbabakasaling may makarinig sa kanya, pero ang echo lang din ng sariling boses ang sumagot sa kanya.

Sinubukan niyang maglakad. Sinubukan niya ring tumakbo kung saan-saan. Pero napagod lang siya nang wala pa ring nakikitang kahit ano.

Hanggang sa biglang nagkaroon ng liwanag sa isang parte ng lugar kung nasaan siya ngayon. Para iyong spotlight na nakatutok lamang sa isang tao, o dalawa?

Halos lakad-takbo ang pagpunta niya roon. Tila nakikilala niya na rin ang dalawang taong nasa ilalim ng tanging liwanag doon. Pero isinawalang bahala niya.

At nakalapit siya. Ngayon ay malinaw na ang nakikita niya. Malinaw rin niyang nakikita ang mapupusok na halikan ng dalawang nasa harap niya ngayon.

"C-Cruel?" Aniya saka unti-unting tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mata.

Sana nga mali lang ang nakita niya. Sana hindi ito ang dating kasintahan niya. Kasi sa totoo lang, lahat ng sakit na naramdaman niya noong naghiwalay sila ay bumalik lahat. Lahat ng sugat na naghilom na ay meron na naman.

Akala niya kaya niya na, akala niya makakalimot na siya. Pero ba't ganon? Ang sakit-sakit pa rin. Lalong-lalo na ang makita ang taong minahal mo nang lubos na may kahalikang iba.

Tumigil ang dalawang naghahalikan at sabay na lumingon sa kanya. At doon ay nakumpirma niya ang hinala.

"Kiara." Nakangising tawag sa kaniya ng dating kasintahan.

"Di mo na ba talaga ako mahal?" Mula sa kawalan niyang tanong. Alam niyang nagmumukha siyang desperada roon, pero di naman siguro masamang umasa di ba. Handa naman siyang magpatawad sa pang-iiwan nito. Handa siyang alisin ang lahat ng galit. Anong magagawa niya? Eh ganon siya katanga sa pag-ibig.

"Kahit kailan ay di kita minahal." Walang emosyon na paglilinaw nito sa sinabi niya na siyang ikinagulat niya. Tinaasan lang naman siya ng kilay ng nakangising si Alice.

"B-bakit? Akala ko–"

"Akala mo lang lahat iyon, Kiara."

"P-pero."

Napaluhod na lang siya dahil doon. Ang sakit, sobrang sakit. Na lahat ng akala niya sa naging relasyon nila, hanggang akala lang pala talaga. Kagaya ng inakala niyang mahal siya nito, di naman pala.

So para saan yung mga sweet gestures nito? Para saan yung pagsasabi nito ng mahal na mahal kita palagi ? Ano? Para paasahin lang siya? Para pagtripan? Talaga? For 3 years?

Akala niya, o akala niya na naman, wala nang mas sasakit pa sa paghihiwalay nila. Yun pala meron pa. At iyon ay yung masabihan na kahit kailan ay di siya minahal ng taong minahal niya nang lubos.

"Kahit kailan ay di ako magmamahal ng isang desperada, uto-uto, tanga, at higit sa lahat walang kwentang babae." May diin sa bawat salitang sinasabi nito. Parang gusto talagang maramdaman niya lahat ng sakit na gusto nitong iparamdam.

"D-di totoo yan."

"Totoo Kiara, totoo! Gumising ka na sa mga ilusyon mo!"

"H-hindi." Aniya habang umiiling at patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha.

"Hindi kita mahal at kahit kailan di kita minahal." May diin sa bawat salita na binitiwan ni Cruel sa kanya.

"Hindi. Hindi." Pilit niya pa ring pagtanggi sa katotohanang ipinapaintindi sa kanya. Nanlalabo na rin ang paningin niya dahil sa mga luha niyang tila walang tigil sa pag-agos.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon