Kabanata XIV

33 18 29
                                    

XIV.
Nakakapagpabagabag

"Gab?" Gulat na napatingin si Kiara sa driver na agad ding bumaling paharap na parang di siya kilala. Hindi eh. Sigurado siya. Ito ang Gab na nakasagasa sa kanya, ang Gab na dumamay sa kanya at ang Gab na... pinaalis niya sa buhay niya.

Sa loob ng dalawang linggong di niya ito nakita ay namiss niya talaga ito. Lalo na iyong mga yakap nito na nagpaparamdam sa kanya na magiging maayos din ang lahat.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon, sa paraan ng pagtingin nito sa kanya kanina ay nakita niyang imposibleng makausap niya pa ito nang gaya dati. Gaya sa sitwasyon ni Ely at Aira, tila may malaking pader din na nakaharang sa kanilang dalawa ni Gab. Sana'y matibag niya yon sa gagawin niya.

"Gab." Aniya ngunit di siya pinansin nito. Nasa backseat siya kaya napilitan na lang siyang hawakan ang balikat nito upang makuha ang atensyon ni Gab.

Agad namang napapreno si Gab. Nilingon siya nito gamit ang malamig ang tingin.

"Ma'am kung may sasabihin kayo, sabihin niyo na, di ako makakapagmaneho nang maayos sa ginagawa mo." Malamig din nitong tugon. Nasaktan naman doon si Kiara, pero wala siyang magawa, kasalanan niya rin naman.

Nagsimula na ring umandar ang sasakyan kaya sinimulan na rin niya ang gusto niyang sabihin.

"Ah gusto ko lang sanang magsorry, sa mga nasabi ko sa 'yo sa ospital. I didn't mean that. N-nadala lang ako ng emosyon." Paliwanag niya pagkatapos ay napabuntong hininga. Ilang linggo niya na rin kasi iyong di mailabas, ngayon ay nasabi niya na.

"Pinagsisisihan mo na yon, ibig sabihin ba, di mo na rin tinuloy ang paghihiganti niyo?" Ikinagulat ni Kiara ang biglang paglumanay ng boses ni Gab. Pero di niya rin maisawalang bahala ang tanong nito.

"Gab naman." Napansin niya naman ang pagngisi nito na halatang sarkastiko.

"Okay." Tango nito saka siya nilingon. "Pwede ka nang bumaba." Muli ay naramdaman niya ang lamig sa boses nito.

"Huh?"

"Andito ka na Ma'am, sa bababaan mo. Kaya pwede ka nang bumaba." Paliwanag nito nang di pa rin nagbabago ang emosyong ipinapakita.

"Ah ganon ba." Malungkot na tugon niya. Ambilis naman ng byahe. Bitin ang usapan nila kung bababa na siya ngayon.

"Mmmm. Pakihatid na lang pala ako sa mall." Subok niya. Ito na ang last resort niya upang makausap pa si Gab.

"Pasensya na ma'am, gagarahe na ako. Kaya kung pwede bumaba ka na." Napayuko na lang tuloy siya at napabuntong hininga. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse saka sa huling sandali ay tinignan ang nakatalikod na ngayong si Gab. Alam niyang dahilan lang iyon ng lalaki upang umalis na siya. Kung yon ang gusto niya.

Lumabas na siya at walang lingon-lingon na lumakad papasok ng coffee shop. Tadhana nga naman, parang dati siya lang ang nangtataboy ngayo'y siya naman ang tinataboy. Karma na ba 'to sa ginagawa nilang paghihiganti?

Pagkapasok ay sumalubong sa kanya agad ang mabangong amoy ng lugar. Nakita niya rin naman kaagad ang mga kasama. Kumpleto na ang mga ito, at mukhang siya ang late ngayon, ibig sabihin...

"O alam ni Kiara ah, wag kang mag-alala, less than 1000 lang lahat to." Ani Lyka. Yon kasi ang agreement nila, kung sinong late, siya ang magbabayad ng kakainin o iinumin nila. Pero wala doon ang isip niya, dahil di pa rin siya makapaniwala sa pakikitungo sa kanya ni Gab.

"Okay." Malungkot niyang tugon.

"Kia, are you okay?" Tanong ni Phoebe. Dapat nga siya ang nagtatanong noon kay Phoebe dahil ito ang maputla at halatang nanghihina. Pero nevermind, "I'm okay" lang rin naman ang lagi nitong sinasabi.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon