Kabanata XXIX

11 4 0
                                    

XXIX.
Iniwan

Nagising si Kiara sa isang malakas na ring. Sigurado siyang hindi iyon ang alarm niya dahil iba naman ang tunog no'n. Kung hindi iyon alarm, ano 'yon?

Agad siyang bumangon nang mapagtantong tawag iyon.

"Hay, sino ba 'tong kay aga-aga tumatawag." Badtrip siya dahil puyat siya kagabi tapos ngayon ay may pumuputol pa sa malalim niyang tulog.

Walang tingin-tingin sa pangalan ng caller na sinagot niya ang tumawag.

"Kay aga-aga naman oo, sino ba 'to?"

"Hello? Is this Ms. Kiara Mendoza?" Agad na napaayis ng upo si Kiara nang mapagtanto kung sino ang tumawag sa kanya. Si Madam!

"Ay hello po Ma'am, si Kiara po ito." Nahihiya niyang bati. Naman kasi, di nag-iingat, ayan masisisante na talaga siya.

"Hi! I know na alas otso pa ang pasok mo pero can you come here earlier? I want to tell you something."

"Sure po Ma'am."

"Okay bye." Paalam nito. Napabuntong hininga naman siya nang tuluyan nang maibaba ang tawag. Akala niya masisisante na siya. Buti na lang at mukhang di naman pinansin ng boss ang panimula niya.

Kahit na tamad na tamad pa ay bumangon na siya at naghanda. Alas singko naman na dati pa ang gising niya at masigla naman siyang bumabangon pero iba ngayon, puyat eh.

"Sigurado kang papasok ka na ngayon Besh? Pwede namang bukas na, maiintindihan naman siguro ng boss mo kung magdadahilan kang may sakit ka." Sabi ni Aliyah. Kasabay niya kasi sa hapag ang dalawa ngayon. Ang kapatid iyon at nagkakape lang, si Aliyah naman ay kumakain din katulad niya.

"Wag mo nga kong dinedemonyo Besh, papasok na 'ko. Dami ko nang absences no." Sagot niya naman.

"Hala dinedemonyo agad? Ang bait ko kaya! Babe oh pagalitan mo nga." Sumbong pa nito kay Baste na nakafocus lang sa binabasa.

Sa dami ng sinabi ng kaibigan ay iyong huling pangungusap lang ang pinakanatandaan niya. Ba't may "babe"?

"Kayo na?" Halos pasigaw niyang tanong. Di naman sa tutol siya sa totoo lang ay sobrang saya niya dahil finally magsisail na ang YahTe ship niya.

"Galit na galit?"

"Hindi! Sa totoo nga ay natutuwa ako! Owemgi magiging magkapatid na talaga tayo Besh!" Excited na sabi niya, samantalang ang kapatid ay ayon lang at walang ganang nakatingin sa kaniya."Nako sabi ko na nga ba at matutuloy din ang love story niyo."

"Hindi pa kami." Simpleng sagot ng kapatid sa dami ng sinabi niya. Nadisappoint siya saglit pero nang mapagtanto ang sinabi nito ay nagtititili.

"Hindi pa? Ibig sabihin mangyayare pa lang? Kuya ha." Aniya habang tuwang-tuwa pa rin.

"Tanungin mo kasi yang kaibigan mo kung bakit di pa sumasagot." Sabi naman ng kapatid na mas nagpakilig sa kanya. Kahit di maganda ang status ng love life niya ngayon, masaya pa rin siya sa nabubuong love story sa pagitan ni Aliyah ay ng kanyang kuya.

Nang lingunin niya si Aliyah ay namumula na ito at di makapagsalita. First time dahil madalas ay nag-iingay ito pag kinikilig.

Natapos ang kainan nang wala na ulit nagsalita.

Nagmamadali naman siya pagkatapos noon dahil sa special request ng boss na agahan niya.

Pagkarating doon ay nakita niya agad ang kumpulan ng ilang kakapasok lang na crew.

"Uy! Hi Ma'am!" Bati ng isang kakarating na employee kaya napalingon din sa kanya ang nga nagkwekwentuhan.

"Hi! Ba't pala kayo nagkukumpulan dyan?" Tanong niya.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon