Kabanata XXVI

21 9 3
                                    

XXVI.
Fiancé

"Thank you." Masayang sabi ni Kiara. Actually, kanina niya pa iyon sinasabi. Sa sobrang tuwa ay di niya mapigilan ang sariling paulit-ulit na magpasalamat.

"I love you for the nth time." Sagot naman sa kanya ni Gab. Kung siya ay kanina pa nagtethank you, si Gab ay kanina pa rin naga-I love you. Iba rin talaga ang paraan nito ng pagsabi ng you're welcome ha.

"Oo nga pala, baka naman malaki ang ginastos mo sa singsing na 'to ah."

"Hindi, akin talaga iyan. Ang sabi ni Tatay, nasa akin na yan kahit bago pa man—" Laking pagtataka ni Kiara nang tumigil sa pagsasalita si Gab. Bakit parang may tinatago?

"Bago pa man ano?"

"Wala, wala. Binigay yan sa 'kin ni Tatay. Di niya raw kasi naibigay noon kay Nanay." Sagot nito sa kanya. Pero di siya kumbinsido. Bakit tumigil 'to sa sinasabi nito kanina?

"Gab? May tinatago ka ba sa 'kin?" Malungkot niyang tanong.

"Siyempre wala. Wala. Wag mo na yon isipin dahil may sorpresa pa ako sa 'yo ngayong araw." Sagot nito kasabay ng pag-akbay sa kanya.

"Ano naman yon?"

"Ipapakilala na kita kay Tatay."

"T-talaga?" Aniya. Ano 'to? Meeting the parents na ba?

Di man halata sa reaksyon niya ay sa loob-loob ni Kiara ay nagdiriwang na siya. Never niya pa kasing nakilala ang Tatay ni Gab, at ngayon ay mangyayari na iyon.

"Oo, maliban sa gusto kitang ilegal. Gusto ko ring ipakilala ang babaeng nagpapatibok sa puso ko."

Mas lalong lumawak ang ngiti niya nang marinig iyon. Kung di nga lang nakakahiya ay baka nagtititili na siya doon sa Flower Farm.

"Gab alam mo, wala pa tayong endearment." Aniya. Naalala niya kasi iyon kaninang nasa sasakyan pa sila, ngayong naglalakad na sila papasok sa looban ay sinadya niyang tanungin iyon.

"Ayaw mo naman kasi yung Baby Polkadots eh." Sagot naman sa kanya nito.

"Ang corny kaya non!" Reklamo niya. Siyempre kunyare galit-galitan, pero totoo talagang ayaw niya iyong Baby Polkadots. Ano siya maliit na tuldok?

"Edi anong gusto mo?"

"Ikaw! Este–ikaw? Ano bang gusto mo?"

'Ano ba yan Kia, puro banat ha' Nasabi niya na lang sa sarili.

"Kung gusto mo 'mahal' o di kaya 'love'. Hay, di naman importante iyang endearment na yan. Ang mahalaga mahal natin ang isa't isa." Ani Gab na nagpatigil kay Kiara. Kung bakit ba naman kasi unlimited magpakilig itong boyfriend niya. "Andito na tayo."

Agad na nabuhay ang kaba sa puso ni Kiara. Kung kanina ay excited ngayon ay kabado na siya. Siyempre maraming pwedeng mangyari ano. Pwedeng di siya magustuhan ng tatay ni Gab, o di kaya ay baka may iba na itong natitipuhan para sa anak. OA na kung OA pero OA talaga siya mag-isip kung minsan.

Masisisi ba siya kung noong unang beses niyang maranasan na ipakilala sa pamilya ng boyfriend niya ay ayaw na agad sa kanya. Mabuti nga at nang tumagal sila noon ni Cruel ay natanggap na rin siya. Anyways, wala naman na sila kaya di na dapat siya nag-iisip tungkol doon.

Napabalik lang sa reyalidad si Kiara nang magsalita si Gab.

"Are you okay?"

"O-oo naman, ako pa ba?"

"Mukha kang natatae." Natatawang sabi nito. Teka parang linya niya iyon ah.

"Hoy!" Sita niya pero tinawanan lang siya ng magaling niyang kasintahan. Hays 'to talagang lalaking 'to.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon