Kabanata V

74 30 78
                                    

V.
Malikmata

MASAKIT ang buong katawan ni Kiara nang magising. Nahihirapan rin siyang gumalaw, dahil sa bawat galaw niya ay may kaakibat na sakit. Sinubukan niya na lang ilibot ang paningin sa paligid.

Puti. Halos buong lugar ay puti. Teka. Nasa langit na ba siya? Grabe, di man lang niya nagawang magpaalam sa pinakamamahal na kapatid at kaibigan. Pero di naman ata 'to langit. Wala namang bombilya doon eh.

Doon lang napagtanto ni Kiara na nasa ospital siya.

Ano bang nangyari? Ang naaalala niya'y kausap niya ang bestfriend kanina, tapos biglang naramdaman niya na lang ang pagtilapon niya.

Malas niya naman oo, ngayon pang tapos na silang magplano.

"Gising ka na." Rinig niya na lang na sabi ng isang lalaki na agad niya ring nilingon kahit na medyo masakit.

Nananaginip pa rin ba siya? Paanong may isang gwapong lalaki na nasa silid niya ngayon? Parang nakatitig siya ngayon sa isang Greek god. At kung ikukumpara sa ex ay baka talampakan lang iyong tukmol na iyon, tapos ang kapal pang mambabae.

Matapos ang ilang sandali ay bumalik din kaagad si Kiara sa reyalidad. Kaya lang wala na sa silid ang lalaking pinapantasya niya . Ano yon? Malik mata lang? Sayang naman.

"'DI ka naman kasi nag-iingat bunso. At bakit ba nag-jaywalking ka pa eh ilang metro na lang ang layo ng pedestrian. Ang sabi pa ng mga nakakita may kausap ka pa daw sa cellphone mo. Ayan, naaksidente ka tuloy, dagdag gastusin na naman." Mahabang sermon ng kanyang kuya Baste sa kanya. Medyo na-guilty naman siya sa huli nitong sinabi. Ang kuya niya ang hirap na kumakayod para may panggastos sila, tapos siya'y wala na ngang trabaho, maaaksidente pa.

"Sorry kuya, next time mag-iingat na ako."

Niyakap na lang siya ng kapatid na ikina-aray niya agad. "Mamaya pala, pagdating ni Aliyah, ako naman ang aalis. Kailangang magtrabaho, lalo na't may kapatid akong di nag-iingat, binigyan pa ako ng babayaran."

"Kuya! Kinokonsensya mo 'ko." Nakapout na reklamo niya sa kapatid.

"Aba'y dapat lang, pinag-alala mo ko tapos ngayon binigyan pa ng problema."

"Oo na, oo na. Mag-iingat na talaga ako. Next time! Alabyu na... Kiligin ka uy!"

"Ang isip-bata mo bunso."

"Sungit! Gusto mo lang, si Aliyah ang magsabi sa 'yo niyan eh."

Sinamaan lang siya ng tingin ng kapatid na ikinatawa niya at ikinaaray din agad. Karma strikes so fast huh.

"ANG sabi ng doctor 1 week ka pa raw dito or hanggang sa tuluyan ka nang makarecover." Panimula ng kakapasok na si Aliyah. "Eh grabe naman kasi besh, sana sinabi mong nasa kalsada ka para naibaba ko muna di ba."

"Oo na, kasalanan ko na po."

"Hayan at may simento ka sa kamay. Buti't di ka gaanong napuruhan at naidala ka agad sa ospital."

Mabuti nga. Kahit naman may pagkasuicidal na ang isip niya noon, sa totoo lang ay di pa siya handang mamatay. Maliban sa maiiwang mahal sa buhay. Aba't ayaw niya rin namang mamatay na heart broken ano.

Sino naman kaya iyong driver na nakabunggo sa kanya? Kahit naman kasi isa rin ito sa dahilan kung ba't siya nakaratay ngayon, gusto niya pa ring magpasalamat dito sa pagdala sa kanya sa ospital. Pero kahit nga ganon, dapat ay tumulong rin ito sa gastusin. Kung bakit kasi sa private room pa siya inilagay, feeling rich kid lang?

"Besh. May nabanggit ba si kuya tungkol sa nakabunggo sa 'kin?"

"Um parang wala naman. Tsaka ano ba besh, di naman yon nakikipagchikahan sa 'kin, ewan ko ba don."

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon