Kabanata XXVII

10 5 4
                                    

A short update for you guys! Enjoy!

XXVII.
Nalilito

"Porter? Sinong Porter? Baka maling bahay ang napasukan mo miss." Nanginginig na si Kiara sa pagpipigil ng sakit at galit pero pinilit niya pa ring magsalita nang maayos.

"I entered the right house Miss. And he is Porter." Tukoy nito sa  wala pa ring karea-reaksyon na si Gab.

'Bakit? Nag-iisip na ba siya ngayon ng ipapalusot para sa aksyon ng babae niya?' Nasabi na lang ni Kiara sa isip. Kaya pala ang parang laging may sinesekreto ito sa kanya, ito pala yon. At fiancé pala ah, may painfinity ring pa itong nalalaman.

"Teka Miss nagkakamali ka eh. Di Porter ang pangalan niya, Gabriel, iyon ang pangalan niya." Giit niya na napatayo na rin.

"Gabriel? No—"

"Shana please, tumigil ka na." Parehong napatigil ang dalawa nang magsalita si Gab. Kilala ba talaga nito si Shana?

"Gab, ano 'to? Akala ko iba kay Cruel?" May sakit sa bawat salitang binitawan ni Kiara. Iyong kanina niya pa pinipigilan ay tuluyan nang kumawala.

"Mahal, magpapaliwanag ako."

"Mahal? Porter, what's happening? Antagal kitang hinanap, tapos madadatnan kitang may mahal nang iba?" Kagaya ni Kiara ay tila masakit din ang kalooban ni Shana habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Pansin tuloy ang pagkalito ngayon kay Gab.

"Ano Gab? O Porter. O kung sino ka man. Ano ba talagang totoo? Fiancé mo ba talaga siya?" Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Kiara. Sunod-sunod din ang pagpahid niya pero parang di naman maubos-ubos. Sinubukan pa siyang hawakan ng kasintahan pero iniwas niya lang ang sarili.

"Oo, Fiance ko siya pero—" Di niya na pinatapos sa pagsasalita si Gab at agad niya na itong sinampal.

"Akala ko iba ka. Akala ko lang pala." Aniya saka nagsimula nang maglakad palabas ng bahay. Pero di pa man nakakarating sa pinto ay pinigil na siya ng kamay nito.

"Mahal, please let me explain."

"Ano pa bang pagpapaliwanag ang kailangan kong marinig Gab? Ito na o, ito na yung katotohanan. Na isa lang akong kabit sa relasyon niyong dalawa."

"Mahal naman, di naman ganon."

"Maghiwalay na tayo." Nanghihina niya na lang na nasabi. Sobrang sakit na kasi sa loob-loob niya. Di niya na kaya pang manatili sa isang relasyon na di pa man nagtatagal ay sobra na ang sakit na naidudulot sa kanya.

Ewan ba niya, mas masakit pa ito kesa sa paghihiwalay nila ni Cruel.

"Mahal."

"Congrats ha." Nakangiti niyang niyang turan kahit na taliwas ang sinasabi ng mga mata niya. Pwersahan niyang binawi ang kamay at tuloy-tuloy nang naglakad palabas ng bahay na yon. Bahala na kung magkandaligaw-ligaw siya, basta makalayo lang sa taong nanakit sa kanya.

Nakauwi naman siya kahit papaano. Pagkarating sa bahay ay agad siyang dumiretso sa kwarto niya at nagbalot ng kumot saka niya iniiyak lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Alam niyang nasa paligid lang sina Aliyah dahil nadaanan niya ito kanina sa sala, ang kapatid ay baka mamaya pa uuwi. Sa lagay niya ngayon alam niyang marami nang tanong mula kay Aliyah ang naghihintay sa kanya. Buti na lang at hinayaan siya nitong mapag-isa.

Nagising siya nang marinig ang pag-aaway ng kaibigan at kapatid.

"Baste! Wag ka nang tumuloy!"

"Eh gago iyong lalaking iyon eh! Pinagkatiwala ko sa kanya iyong kapatid ko tapos papaiyakin niya lang?"

"Pwede ba kumalma ka muna? Di rin naman makakatulong kung pagbubugbugin mo yon eh! Mas kailangan ka ni Besh ngayon."

"Paano ako kakalma kung nakikita ko na naman itong kapatid ko na nagiging miserable?"

"Baste, please."

Naririnig niya ang sunod-sunod na sagutan ng kapatid at kaibigan pero pinili niya pa ring magtago sa ilalim ng kumot. Di niya alam kung handa siyang magpaliwanag ngayon.

Nang makaramdam ng init ay inalis niya na rin ang kumot. Agad niya namang nakita ang kapatid at kaibigan na nakatingin sa kaniya. Agad naman siyang dinaluhan ni Aliyah.

"Besh." Ani Aliyah saka niyakap siya nang mahigpit. Ang kuya niya naman ay seryoso lang na nakatingin sa kanya.

"Anong ginawa niya sa 'yo?" Halata ang pagpipigil ng galit ng kanyang Kuya habang tinatanong siya.

"Nagmahal ako ng ikakasal na." Sagot niya. Di niya na rin napigilan ang sariling mapaiyak.

"Gago siya Besh, napakagago, sinayang niya lang lahat ng pagtiwala't pagmamahal mo." Galit na sabi ni Aliyah habang hinahagod ang likod niya.

"Kasalanan ko naman eh, ambilis kong magtiwala. Kita nang kakagaling ko lang sa isang failed na relationship, pumasok agad ako sa panibago." Aniya saka sunod-sunod na tumulo ang mga luha ng pagsisisi.

"Besh naman! Bakit ba lagi mo na lang sinisisi ang sarili mo? Kia naman eh!"

"Dahil kung hindi ako ang dahilan, ba't pa ako laging naiiwan?"

Dumaan ang mahabang katahimikan. Hikbi lang nilang dalawa ni Aliyah ang naririnig sa paligid. Hanggang sa unang nagsalita ang kuya niya.

"Humanda talaga sa 'kin yang Gabriel na yan."

"Kuya, wag na. Please? Para sa 'kin?" Ayaw niya nang mapasali pa sa kung anumang gulo ang kapatid. At para saan pa ba ang balak na pambubugbog ng kapatid kung di naman mababago ang katotohanang kabit siya.

"Bakit mo ba pinagtatanggol pa ang lalaking yon?"

"Dahil ayoko nang mas masaktan pa Kuya. Mahal ko siya alam mo yon, at kahit sinaktan niya 'ko, ayaw ko pa ring masaktan siya."

"Alam mo bunso, napakatanga mo, napakatanga mo sa pag-ibig. Kailan ka ba matututo ha?" Napangiti na lang siya sa sinabi ng kapatid, kahit na may bahid pa ng luha ang kanyang mga pisngi.

"Alam ko kuya, alam ko."

Pagkatapos noon ay iniwan muna siya ng dalawa sa silid. Kahit doon din naman ang kwarto ng kaibigan ay hinayaan pa rin siya nitong mapag-isa. Di para makagawa siya ng di maganda kundi para makapag-isip isip siya.

Napakaunexpected ng araw na 'to para sa kanya. Gab surprised her with an infinity ring, inilegal pa nga siya sa ama nito,  tapos malalaman niyang ikakasal na pala sa iba. Napakalaking scam.

Tinignan niya naman ang nakasuot sa kanyang infinity ring. Maganda ang disenyo, maganda rin ang dalang mensahe, pero bakit ang kinahinatnan nilang dalawa hindi?

"Minahal mo ba talaga ako Gab?" Tanong niya sa kawalan.
At nasagot naman kaagad ang tanong niya nang makatanggap siya ng text mula sa ex-boyfriend.

Gabriel Soledad
+0963xxxxxxx

Sorry Mahal. Pangako aayusin ko lahat para makabalik tayo agad sa dati. Wag ka munang bumitaw please. Mahal na mahal kita.

Mas napaluha na lang siya dahil sa nabasa.

"Bakit ba nililito mo pa ko Gab?" Nasabi niya na lang sa kawalan.

•••
Last Ten Chapters!

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon