Kabanata XXV

23 8 3
                                    

XXV.
Ring

"Naging kayo nang hindi ko nalalaman?" Pinaningkitan siya ng kapatid saka tumingin sa kamay niyang nakakapit sa braso ni Gab.

"Eh kuya, nangyari na eh."

"May nangyari sa inyo?" Gulat na gulat pa nitong tanong. Hala ang OA.

"I mean, sinagot ko na siya, nangyari na kaya wala ka nang magagawa dun. Iba iniisip mo ah."

Sunod naman nitong pinaningkitan si Gab. Ano yan? Pangarap ba nitong maging Chinese?

"Alam mo naman na siguro iyong ginawa ko sa ex nitong si bunso noong niloko siya." Pagbabanta nito. Inaasahan din ni Kiara na matatakot ito sa banta ng kapatid pero ngumiti lang si Gab.

'Atapang a tao'

"Alam ko Kuya." Sagot naman ni Gab kay Baste.

"Kuya? Kapatid kita? Kapatid kita?" Ang kuya niya talaga, nasobrahan sa pagiging protective, gusto pa atang manghamon ng away. Buti na lang at mukha namang kalmado si Gab. Ay lagi pala yang kalmado.

Mahina namang natawa sina Phoebe at Ely, akala siguro nagjojoke ang kapatid ni Kiara.
Nang nilingon sila ni Baste ay tumigil din pero halatang nagpipigil pa rin.

"Okay, bro." Pagtatama nito.

"Sinasabi ko na, marupok yang kapatid ko—"

"La si kuya nanglalaglag."

"Mas mabuti nang alam niya bunso." Sinamaan niya lang ito ng tingin pero di rin naman nagpapigil. "Iyon nga, marupok yang kapatid ko kaya madaling mahulog, madali ring magtiwala. Kaya wag na wag mong subukang saktan. Kundi ospital ang diretso mo."

"Wag kang mag-alala. Di yon mangyayari." Pagsigurado ni Gab na ikinangiti ni Kiara.

"Kita mo kuya? Tamang tao ang napili ko!" Pagmamalaki niya sa kapatid.

"Sana all di ba?"

"Sana all nakakatuluyan ang kayak–" Pinanlakihan niya agad ng mata si Aira bago pa man nito matuloy ang sinasabi.

Di pa alam ng kapatid niya iyong yakapan scene nila ni Gab malapit sa ospital. Baka mas pagalitan siya non pag nalaman nito.

"Sinabi mo rin yan nung naging kayo ni Tamayo." Pambabara nito sa kanya kaya agad niya itong sinamaan ng tingin.

"Iba yon."

"Okay, o Gab bro, tara may pag-uusapan tayo." Tawag nito sa kasintahan ni Kiara.

"Oh? Close na kayo?" Aniya.

"Hindi bakit? Babalaan ko lang."

"Kuya!"

"Don't worry. Mag-uusap lang kami." Singit naman ni Gab saka siya pinakitian ng ngiti na makakapagpakalma sa kanya.

"Okay."

Nang makaalis iyong dalawang lalaki ay tuloy ang kainan. Syempre unang naubos ang shanghai, well alam na kung sinong may sala. Nagkamustahan din sila habang kumakain.

Si Lyka ay mananatili pa raw para ipagpatuloy ang pagtatrabaho. Si Aira ay focus din sa trabaho ngayon. Si Ely ay inaasikaso ang nalalapit nitong kasal sa lalaking pinagkasundo sa kanya ng mga magulang. Si Phoebe naman ay iyon ineenjoy ang buhay. Pinilit pa nga ito nila Kiara na magpagamot para maextend ang buhay pero umiling lang ito at ngumiti.

Si Aliyah ay nagshare din ng kaganapan sa buhay nito. Hopeless pa rin daw ang pagkagusto nito kay Baste dahil wala man lang daw itong ginagawa para magkaroon naman ng development ang relasyon nila.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon