Kabanata XXIV

17 9 3
                                    

XXIV.
Happy

"Ma'am Kiara, tumawag po si Mrs. Roxas, pinakacancel daw po ang order na 100 pieces ng cheese roll at ensaymada." Bungad sa kanya ng kanyang personal na sekretarya. Itinalaga ito ng boss niya para raw di siya gaanong mahirapan sa pagmamanage.

Lunes ngayon at gabundok ang naiwan sa kanyang trabaho. Ayan day off pa kasi, buti nga at pinapayagan siya ng boss at willing namang maging kapalit niya for one day ang kanyang Sir Tim.

"Ano? Bakit daw?" Stress na stress na siya tapos ito may bagong problema na naman. Ugh bakit niya ba kasi tinanggap ang trabahong 'to?

"Nacancel daw po kasi ang seminar ma'am. Babayaran naman daw po nila, pero di na raw po nila kukunin yung mga tinapay." Mahabang paliwanag nito sa kanya.

Naku pano na, sayang naman iyon kung itatapon lang. Kung kaunti lang naman edi ipapamigay niya na lang sa empleyado ng bakeshop, kaya lang hindi, dahil tig-isang daan iyong  piraso. Pwede rin namang ibenta na lang, kaya lang marami nang nabake ngayong araw, baka di rin iyon maibenta.

"Kung ipamigay na lang kaya natin sa mga taong lansangan."

"Naku ma'am magandang ideya yan. Kaya lang..."

"Kaya lang?"

"Kasi ma'am may importante po akong pupuntahan, baka di ako makatulong sa pamimigay." Sagot nito saka tipid siyang nginitian.

"Ganon ba? Ano ba okay lang. Basta pakisabi na lang sa iba na kung may oras pakipack iyong mga tinapay, para ipapamigay na lang mamaya."

"Sige po Ma'am."

"HAY nakakapagod pala 'to." Reklamo niya matapos ang pamimigay ng tinapay. Normal na pagod na kasi siya sa trabaho, at ngayon ay mas napagod pa sa pamimigay.

Buti na lang talaga at napapangiti siya ng pagtulong sa kapwa, nabawasan kahit papano ang pagod na nararamdaman niya.

"Ate salamat po ah, pagpalain po sana kayo ni Papa God." Sabi sa kanya ng batang kakalapit lang. Kinakain pa rin nito ang tinapay na binigay niya kasama ang ilang empleyado.

"Walang anuman. O pakabusog kayo ah. Sa susunod, kapag may sobra ulit na tinapay. Mamimigay ulit ako.

"Talaga ate? Naku salamat po talaga!" Napangiti na lang siya habang nakatingin sa natutuwang bata.

"Oo naman. Sige, una na ko ah." Aniya saka dumiretso na sa delivery van ng bakeshop kasabay ang mga kasamahan.

"Ma'am? Saan ang bahay mo? Hatid na kita dun." Tanong sa kanya sabay kindat ng driver nila ngayon na si Jack, halos kaedad niya lang ito.

At aba, aba, may pakindat-kindat pa ha. Di ata nainform.

"May jowa na ko uy!"

"Sayang naman Jack, basted agad!" Singit ng isa pa nilang kasamahan na nasa likod naman nakaupo. Nagtawanan naman ang lahat kaya nakisali na rin siya.

"Wala di ako ang Rose na hinahanap mo eh." Aniya habang natatawa pa rin. "Oo nga pala, pakibaba na lang ako dun sa shed malapit sa bakeshop doon na lang ako maghihintay, malayo yung bahay eh."

"Sige Ma'am."

"HELLO kuya? Walang masakyan eh, pag sinasabi ko yung lugar natin tanggi agad sila. Hmp!" Napairap na lang siya habang kausap ang kapatid sa cellphone. Kanina pa kasi siya doon naghihintay ng masasakyan pero lagi naman siyang tinatanggihan.

Tapos ngayon pa siya hindi sinundo ng boyfriend. May importante daw kasi na pinuntahan. Ano? May mas importante pa ba sa kanya na girlfriend nito?

"Sige ako na lang susundo sa 'yo." Sabi naman ng kapatid.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon