Kabanata XI

42 19 33
                                    

XI.
Tigil

Dalagang Sawi Babawi

Me: Guys

Me: Sorry sa naging behaviour ko kahapon.

Me: Kasalanan ko.

Me: Tama kayo, di dapat ako nagpadala sa kanya.

Me: Sinaktan niya tayo at di niya deserve ang kapatawaran ko o ng kahit sino sa 'tin.

Me: Sana maging okay na tayo.

Phoebe: It's okay Kia.

Phoebe: Your forgiveness is too precious that it can't be given away to anyone, anytime.

Phoebe: But I hope that you'll realize that you should also learn to forgive when your ready.

Me: Owkay?

Lyka: Buti naman at nakapag-isip-isip ka na.

Lyka: Ano tuloy?

Me: Yup.

Lyka: Good (:

Phoebe: :(

Nag-out na rin siya kaagad nang mapansing di na nagreply ang mga kagrupo slash bagong kaibigan. Tinuturing niya na ang mga 'to ng kaibigan dahil alam niyang nakakarelate sila sa isa't isa, at sino pa ba ang nagdadamayan, edi sila-sila rin.

Pero siyempre si Aliyah pa rin ang bestfriend. Kahit na di niya magawang sabihin dito ang bagong grupong kinabibilangan niya, at kung anong binabalak nilang gawin sa kanyang ex.

Nakokonsensya na nga siya eh. Pero... Bahala na. Kapag nalaman kasi iyon ni Aliyah ay baka sirain pa nito ang mga plano nila. Lalo na't alam niyang tutol na tutol ito sa kahit anong uri ng paghihiganti.

Napatigil siya nang marinig ang tila pagkakagulo sa labas. Mukhang may isinugod na naman sa Emergency Room. Pero bakit parang dito nanggaling sa mga private rooms? Di ba dapat nanggaling sa labas? Siguro'y bisita yon na biglang inatake or what.

Makalipas ang ilang minuto ay may pumasok ring nurse sa kwarto niya upang icheck siya. Kaya naman kinuha niya na ang pagkakataon para tanungin kung anong nangyari sa labas.

"Ay iyon ba? May nahimatay kasi jan malapit lang sa labas ng kwarto mo. Nakahawak pa nga daw sa ulo bago tuluyang bumagsak. Kawawa nga eh."

"Ganon ba? Mukhang kawawa nga."

Sino naman kaya yon? Well, she hopes that that person will recover fast.  Anyways, sa ngayon ay dapat magfocus na lang siya sa mga kailangan niyang gawin.

"Sige Ms. Kiara, labas na ko." Paalam sa kanya ng nurse matapos siyang kunan ng dugo. Di niya man lang napansin. Sana ganon din siya kamanhid pagdating sa pag-ibig, para di na siya masaktan.

Hay nagdadrama na naman siya. Di naman siya masisisi pagkat malungkot talaga siya ngayon, masakit pa rin ang mga nalaman niya kahapon, sadyang pinipilit niya lang maging okay.

Lumipas ang ilang oras at tapos na rin siyang maglunch. Inaayos niya na ang pinagkainan nang may kumatok sa pintuan ng silid niya. Agad din naman iyong pumasok. Bumungad sa kanya si Elyssa na tipid na nakangiti.

"Hi." Bati nito saka tipid na ngumiti.

Umupo rin naman ito kaagad sa tabi niya.

"Hi. Napadalaw ka?"

"Kagagaling lang kasi namin ni Cruise jan sa resto sa labas kaya naisip kong bisitahin ka."

"Cruise?" Aniya saka makahulugang nginitian si Ely.

"Oo siya nga." Makahulugan din siyang nginitian nito. "Mmm, kamusta ka pala?"

"Eto, nagpapagaling na, medyo okay na rin. Sabi ng doctor, malapit na daw akong lumabas."

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon