Kabanata III

87 34 93
                                    


III.
First

"MATAGAL ko nang sinusundan yang tukmol na 'yan. Dahil sa kanya muntikang namatay ang kapatid ko, hirap na nga kami sa buhay, hi-ni-t and run pa ang kawawa kong kapatid!" Naiinis na kwento ni Lyka Therisse o Lyka lang dahil paniguradong matitiris ka niya kung tatawagin mo siya sa kanyang second name.

Mahigit dalawang oras na sa isang cafè si Kiara kasama sina Lyka at tatlong iba pang babae. Lahat ng kasama niya sa mesang iyon ay istranghero pa sa kanya kanina, well hindi naman gaano dahil nakita niya ito kani-kanina lang sa bakeshop at bahagya ring nakausap ang iba. Oo ito ang mga babaeng wirdo rin ang kilos katulad niya kanina sa bakeshop. Akalain mo nga naman, pare-pareho pa pala sila, pare-parehong may unfinished businesses kay Cruel. Wow, parang kaluluwa lang?

Di nga naman inexpect ni Kiara na makikilala niya ang mga ito, lalong-lalo na ang mga previous ex ng kanyang ex. Mabuti na lang ay nahila at naconvince ni Lyka silang apat para magsama-sama at magtulungan, kahit na mukha bang badmood ang isa. Kanina nga ay halos mag-eskandalo pa ito sa loob ng coffee shop.

"I'M Phoebe Dela Fuerte. I was diagnosed with Stage 3 Brain Cancer. Even though sinabi ng mga doctor na may pag-asa pa, tinanggap ko na agad na di na rin ako magtatagal. I just want to follow my parents in heaven now. Kaya I will give my fullest bago man lang ako mamaalam." Mahabang kwento ni Phoebe sa kanila ni Elyssa matapos ang mahabang katahimikan. Kasalukuyan rin kasi nilang hinihintay si Lyka at kanina pa sila walang imikan kaya sinimulan na ni Phoebe ang pagpapakilala. Kahit nakangiti ay halata pa rin ang panghihina ni Phoebe.

"Bakit mo naman tinatanggap agad? Masayang mabuhay Phoebe. And if you have a chance to fight for it, why not?" Ani Kiara. Really? Coming from her? Mula sa babaeng naging miserable at di nagpatuloy sa buhay sa loob ng isang buwan dahil lang sa isang lalaki? Nakakatawa. Pero ano pa bang magagawa niya. Ito na lang, to have her revenge to the guy who broke her heart.

"Di na. I'm already happy and contented." Nakangiting sagot naman ni Phoebe.

"Pero..." Singit naman ni Elyssa. "...no offense ha, bakit mo sinusundan si Cru? I mean, I know we're all here because we have something in common, and that's Cruel Tamayo. Bakit mo sasayangin ang natitira mong panahon sa pagsunod sa lalaking yon?" Mahinhin namang tanong ni Elyssa. Iyon nga rin ang naisip ni Kiara, Phoebe should be enjoying her life now na desidido na itong mawala sa mundo at ,gaya ng sinabi ni Elyssa, hindi iyong sinasayang niya ang oras sa lalaking iyon.

"Well, I have my reasons." Simpleng sagot na lang nito kaya di na sila nag-usisa. Besides, ngayon nga lang naman sila nagkakilala.

Mahabang katahimikan na naman sa kanilang mesa. Oh? Eh paano na sila magtutulungan kung ganitong awkwardness ang bumabalot sa bawat isa sa kanila. Binasag naman iyon ni Phoebe.

"Kayo?"

"Um" "Well" Sabay pa silang nagsimulang magsalita ni Elyssa kaya sinenyasan na lang niya ito na mauna.

"Ako nga pala si Elyssa Grace Fajardo. I'm just a normal office worker."

"And?" Parang nabitin naman niyang tanong. "Anong kwento? If you don't mind." Tukoy niya sa dahilan din ni Elyssa sa pangistalk nito kay Cruel.

"He was my ex at siya ang dahilan kung ba't kami nagkasira ng kapatid ko. I know it's really really bad but... andito ako para iparanas din sa kanya ang sakit na naramdaman ko noong time na nawala siya sa 'kin and at the same time, nawala na rin ang kapatid ko sa 'kin." Si Elyssa. Nakakuyom na ngayon ang kamay nito. Halatang naluluha na 'to pero pinipigilan lang. It's evident na hindi lang iyon luha dahil sa lungkot kundi luha rin dahil sa galit.

Pareho pala sila. Grabe. Pinangatawanan niya talaga ang pangalan niya ha? Cruel. Cruel, na kaya nitong manakit ng damdamin at sumira ng samahan at buhay. Bakit hindi pa niya ito napansin noon pa? Bakit hindi niya pa napansin na may kakayahan pala ang taong yon na gawin ang mga bagay na yon. Masyado ba siyang nagpabulag sa mga matatamis nitong salita?

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon