Kabanata VIII

53 25 69
                                    

VIII.
Simula

"Buo na ba talaga ang desisyon mo? Aalis ka na talaga?" Malungkot na tanong ni Kiara sa kausap.

"Ang drama mo uy, di mo bagay." Ani Aliyah na chinecheck ang mga gamit sa dalang backpack."Wag OA okay, sandali lang ako sa probinsya, babalikan din kita promise!"

Napalingon din kaagad ito sa kanya nang tila may narealize na kung ano saka siya nginisian.

"Oh di ba sana all binabalikan."

"Aliyah naman eh." Sita niya sa kaibigan na nasa mood na naman para asarin siya. "Tsaka ano naman kung di niya ako binalikan, huh! Wala akong pake."

"Ayy defensive?" Sagot naman ni Aliyah saka humalakhak na parang wala nang bukas. "Bakit sinabi ko bang ikaw yon?"

Sinimangutan niya lang ito saka kinuha gamit ang kamay na di nasimento ang unan niya at ibinato sa kaibigan.

"Hahahaha" Tawa ni Aliyah pagkatapos iwasan ang binato niya.

Mas lalong napasimangot si Kiara pero kalaunan ay natawa na rin dahil sa tawa ni Aliyah. Habang tumatagal parang naging pang mangkukulam na eh.

Natigil rin naman sila nang mapagod at halos di na makahinga. Hay, napakasaya nila, napangiti na lang si Kia dahil sa swerte niya sa kaibigan. Madalas nga ang iyak niya noong mga nakaraang linggo, pero dahil sa kaibigan ay nagagawa niya namang ngumiti nang totoo kahit sandali. At maliban sa kapatid, isa rin ito sa dahilan kung bakit di niya sinubukang bawiin ang buhay niya.

"Besh, thank you ah." Seryosong sabi niya. For the past few days mula nang sa wakas ay tumigil siya sa pag-iyak, di niya pa napapasalamatan ang kaibigan.

"You're welcome besh!" Masaya pa ring tugon ng kaibigan. "Oy ba't may paiyak-iyak ka na dyan? Uy! Di ko naman binanggit pangalan ng ex mo eh! Ano nga ba yun? Cruel?"

Napangiti na lang siya sa kalokohan ng kaibigan. Kahit kailan talaga.

"Sige na, umalis ka na, iwan mo na ko." Pagdadrama niya kuno kahit na pigil na pigil ang pagtawa.

"Oo na. Eto na o, aalis na po madam." Makahulugan naman siyang nginitian nito. "Kunyari di ko alam na nandyan sa labas yung driver sweet lover mo."

Kahit di kita ay ramdam ni Kiara ang pamumula niya. Itong si Aliyah kasi eh!

Niyakap lang siya nito saglit saka lumabas na rin agad. "Bye besh!"

"Oy! Ingatan mo besh ko ah. Wag mong paasahin kung di mo rin papakasalan." Rinig niya pang sabi ng kaibigan sa kausap sa labas ng kwarto niya.

Aliyah talaga. Napakamapang-asar, tsaka driver sweet lover? Oo at gwapo pero di niya naman iyon gusto kahit–okay crush, na napakaslight lang.

"Tinititigan mo na naman ako." Napabalik lang siya sa reyalidad nang magsalita ang taong nasa harap niya. Nakapasok na pala si Gab sa silid niya, di niya man lang napansin. Ayan isip pa! Tuloy, baka makahalata si Gab sa kaunti niya kuno na pagkacrush sa binata.

"H-ha? Hindi ah." Aniya habang mabilis na umiling. "Bakit ka nga pala nandito?"

Di naman sa gusto niyang palayasin si Gab, pero nagtataka na rin kasi siya sa dalas ng pagbisita nito, araw-araw eh. Daig pa ang kanyang boyfriend–ay wala pala siyang ganon.

Naiintindihan niya pa noong unang araw niya sa ospital, pero ngayon na ilang araw na siya don, ba't patuloy pa rin ito sa pagbisita? Hay! He better explain himself, kung hindi ay baka umasa na naman si Kiara. Marupok pa naman.

"Mmm, gusto ko lang." Sagot nito matapos ang mahabang katahimikan. Naupo na rin ito sa silya sa tabi ng kama niya.

"We? O baka guilty ka lang kaya lagi kang bumibisita. Kung ganon nga, okay lang kahit hindi...baka umasa pa ko eh." Aniya. Siyempre at mahina niya lang na sinabi ang huli, mahirap na ano.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon