Kabanata X

57 23 50
                                    

X.
Sakit at Galit

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kiara sa kaharap.  Masama niya na rin itong tinitignan ngayon.

Ano ba naman kasing masamang hangin ang nagtulak sa lalaki para bisitahin siya? And the nerve huh! Ang kapal ng mukha nitong magpakita sa kanya ngayon.

"Nandito lang ako para..."

"Ano? Para makipagbalikan sa 'kin? Huh! Mukha mo! Di na kita babalikan gago!" Galit na galit niyang sabi, halos pasigaw na nga. Kung di nga lang siguro siya pipilay-pilay pa ay nasugod niya na ito.

"H-hindi. Hindi yon." Namula tuloy siya dahil don. Medyo napahiya siya doon ah. Ayan assume pa!

"Edi ano? Sabihin mo na. Kung sasaktan mo lang ulit ako, please lang, umalis ka na. Sinusubukan ko nang maging masaya o. Wag mo na kong guluhin pa." Malungkot niyang pakiusap. Tumingala rin siya upang pigilan  ang nagbabadyang mga luha.

Bakit ba naman kasi siya ganito? Akala niya, dahil desidido na siya noong mga nakaraag araw na gumanti kay Cruel, kayang-kayang niya nang harapin ito. Tapos ngayon, wala pa man itong gaanong sinasabi, naiiyak na siya.

"Nandito ako para humingi ng tawad." Malungkot na tugon ni Cruel. Nakayuko na ito ngayon at di pa rin lumilipat ng pwesto hanggang ngayon.

Sarcastic naman na napatawa si Kiara.

"Inaasahan mo ba na mapapatawad kita kaagad? Ganon na lang yon? Patawad na lang kahit na sobrang sakit ng naranasan ko? Ang kapal mo naman." At di niya na nga napigilan ang mga luha niya.

"Di mo alam kung gaano kasakit ang pinagdaanan ko mula nang iwan mo ko. Halos araw-araw Cru, umiiyak ako. Sobrang lungkot ko, halos mabaliw na ko sa kaiisip sa kung saan ako nagkulang. Tapos malalaman kong may bago ka na pala. Ang saya mo na parang wala kang dinurog na puso."

"Imagine 3 years, tapos sinayang mo lang. 3 years tayo, tapos iniwan mo pa rin ako. Dapat pala di ako naniwala sa mga pekeng pangako mo!  Tanga ko rin naman kasi, uto-uto pa."

"Sobra yung sakit na pwede na kong magpakamatay. Imagine that Cruel? Dahil jan sa pagiging babaero mo, muntikan ka pang nakapatay."

Mahabang pagsusumbat niya sa kausap saka siya tuluyang napahagulgol. Kahit anong pilit niyang ipakita sa binata na malakas siya, di niya talaga kayang pigilin ang mga luha niya.

"I-I'm sorry Kia. Di ko alam." Na lang ang tanging nasagot ni Cruel. Nakayuko ito pero nasa boses pa rin nito ang lubos na pagsisisi.

Di niya iyon napapansin dahil masyado nang magulo ang isip niya.Napaangat  naman siya ng tingin sa kausap.

"Di mo alam na nakasakit ka? Ang galing ah."

"Sorry. Sorry. Pinagsisisihan ko na yon lahat Kia." Tuluyan na ring naiyak si Cruel.

"At bakit? Dahil nandito ako ngayon sa ospital? Naaawa ka sa sitwasyon ko kaya ka humihingi ng tawad ngayon? Wag kang mag-alala, di pa ko mamamatay para maguilty ka jan at mapilitang humingi ng tawad." May diin sa bawat salitang sumbat niya.

"Hindi Kia. Pinagsisisihan ko na talaga. Sorry. "

"Umalis ka na." Kalmado niya pang sabi.

"Pero–"

"Please."

"Kia–"

Natigil sa pagsasalita si Cruel dahil sa pagpasok ni Gab sa silid. Noong una'y wala pa itong alam sa nangyayari sa loob pero nang makita si Kiara na umiiyak ay agad niya ring napagtanto ang nangyayari.

"Utang na loob Cruel, umalis ka na!"

"Kung yan ang gusto mo." Huling sinabi ni Cruel saka ito lumabas ng silid ni Kiara.

Teardrops Of RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon