Chapter 1

17.2K 268 28
                                    

"Ang kapal ng mukha niya." Galit ako sa nangyari noon Lunes at galit ako sa sarili ko dahil nagpauto naman ako sa dating kasamahan ko sa trabaho na makipagblind date. Hindi ko ugaling makipagblind date pero sinabi ng dati kong colleague na it's all worth it. Ang pagset-up ng date para sa 32 years old na kagaya ko ang birthday gift niya sa akin.

"Ano ba kasing nangyari?" Napatingin ako kay Magdalene habang hawak niya ang feeding bottle ng anak niya na tahimik na ngayon at natutulog.

"Ayoko na talagang maalala."

"Rach...sabihin mo na." Napabuntong-hininga ako. Wala talaga akong maitatago sa ate ko a.k.a bestfriend ko rin.

"Where to begin?"

Pumikit ako at huminga ng malalim. Ayoko na naman makaramdam ng matinding galit pero dahila gusto ni Ate ng kwento inaalala ko ang nangyari noon Lunes ng gabi.

Galing akong job interview dahil for the nth time ay nagresign ulit ako sa trabaho ko. Business management ang natapos ko pero hindi ko napractice. Naging factory worker ako, photographer, sales lady secretary, customer service, receptionist at ang pinakahuling post ko ay admin sa isang library. Masyadong mahigpit ang kompitensiya sa library sa regularization. Bukod sa civil service eligible ka dapat may backer ka rin. At dahil wala akong malaking bundok na nasa likuran ko kaya ako anh napiling next for termination kaya inunahan ko na nang pagreresign.

Mabilis akong naglakad sa restaurant na sinabing meeting place ng kadate ko. Sabi ng ex-colleague ko makikilala ko raw agad si Sac. Matangkad daw ito kaya prominente siya kahit maraming tao at gwapong mestizo. At lagi raw nakangiti isama mo pa ang magandang ugali.

Hindi ganoon kalaki ang restaurant na pinasukan ko at hindi rin ganoon kaganda ang interior. Pero kahit na hindi maganda ang overall impression ko sa restaurant ay mukhang maraming kumakain. Kalimitan ay estudyante. School Canteen ata ang meeting place ng unang date namin. Doon pa lang hindi na maganda ang impression ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob dahil sa liit ng espasyo ng walkway. Nilibot ko ang paningin ko sa kung saan maaring nakaupo si Sac pero wala akong makitang malaking tao, gwapo, mestizo at may magandang ngiti. Ang nakikita ko ay mga college students na nakabraces at panay gel ang buhok.

Tumuloy ako sa may bakanteng maliit na mesa na may dalawang silya. Mukhang miniature talaga ang gamit nila lalong-lalo na size ko. Pakiramdam ko naman ay ako si Hulk sa laki ko sa upuan ko.

Alas-siete na ng gabi at thirty minutes na ako nag-aabang kay Sac. Tinext ko na rin ang ex-colleague ko at kanina pa niyang sinasabi na on the way na. Thirty minutes ago iyon hanggang ngayon on the way pa rin. Really not a good first impression.

Paubos na ng paubos ang tao sa restaurant. May mangilan-ngilan MMDA officer na kumakain sa kabilang table at mukhang sarap na sarap sila sa pagkain. Samantalang ako nawala na ako ng gana sa kahihintay. Nakailan coke in can na ako pero hindi pa rin siya dumarating. Isang oras na ang nakakalipas at talagang naghintay pa ako.

Sinenyasan ko ang nag-iisang waiter para sa bill ng coke ko. Tumango lang ito sa akin.

Inayos ko na ang mga dala-dalahan kong folder na credentials ko at pinasok ko iyon lahat sa bag ko. Last time na talaga itong pakikipagblind date na ito. Tama na. Kahit reto pa ito ni Magda. Ayoko na.

"Hi! Sorry I'm late." Natigilan ako sa narinig kong lalakeng boses. Tumingala ako at nakita ko kung gaano katangkad ang lalake. 6 to 6' 2". Nakat-shirt ito na gusot-gusot at nakafaded na jeans na sira sa may tuhod at nakatsinelas. Napailing ako sa porma niya. Umupo ito sa tapat ko at doon ko lang napansin ang itsura ng lalake. Tama nga ang ex-colleague ko. Gwapo nga siya at mestizo. Isama mo pa kung gaano kaganda ang deep seated at light brown na mga mata niya.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon