Prologue

54.9K 851 40
                                    


"Let's go, Anne," bulong ng ama niya. "Tayo na lang ang tao rito."

Sa nanlalabong paningin dahil sa mga luha ay sinulyapan niya ang tombstone ng lolo niya. Quentin Santillan. Born December 12,1926. Died Septem­ber 5, 1997.

Kung physical closeness ang pag-uusapan ay hindi ganoon ang relasyon nila ng lolo niya. Sa Maynila siya ipinanganak, lumaki at nagkaisip. Hindi na niya namulatan ang lola niya. Ang lolo niya ay inuubos ang buong panahon sa paninilbihan sa tao. He had been in politics as far as Roseanne could remember. Just as her great grandfather had been.

But Quentin Santillan loved her in his own way. And Anne loved him, too. Kung posible rin lang, lahat ng bakasyon ay sa Santa Clarita niya ginugugol. At kapag naroon siya ay hindi maaaring hindi siya kasama nito sa lahat ng lakad nito, binabawi ang mga panahong hindi nila ipinagkikita.

"Gusto kong maging doktor ka, Roseanne. Reconstructive surgeon. Para kapag nangulubot na ang mukha ko'y magagawa mong pabatain akong muli.

It was a joke and they both laughed at that. Gayunma'y Medisina ang kinuha niya sa kolehiyo. Nang magtapos siya ay ang lolo niya mismo ang nagmungkahing sa Amerika siya mag-practice.

She stayed in America for three years until seven days ago. Bumalik siya sa Pilipinas para sa libing ni Quentin Santillan. Her grandfather died of a coronary.

"Tayo na. Naghihintay na ang mama mo sa kotse. Masama ang pakiramdam niya, hija. Nitong nakalipas na ilang araw ay wala siyang itinulog sa pag-aasikaso sa mga taong nakikiramay."

She sniffed. Nagpaakay siya sa ama patungo sa kotse. Her father's cousin, Louise, ang natitira na lang nilang kamag-anak, had gone back to Manila a day ahead. Hindi na nito hinintay ang libing dahil may hinahabol na taping sa TV. Isa itong TV actress.

Nanatili sila ng isang araw pa sa Santa Clarita upang ipagbilin kay Manong Ponso, ang katiwala ng lolo niya, ang bahay at ang iba pang dapat ayusin. Ang dalawa pang katulong na babae ay tinapos na nila ang paninilbihan.

Nang sumunod na araw ay maaga silang gumayak upang lumuwas ng Maynila. Ginamit ni Ephraim, ang papa niya, ang kotse ni Quentin Santillan—ang top-down Chevy. Ayon dito ay ipahahatid na lang kay Manong Ponso ang van nila sa Maynila sa ibang araw.

It was a vintage car. At mahusay pa ring tumakbo at alaga ng lolo niya noong nabubuhay pa. Ngayon ay pag-aari na ng ama ang kotse.

"Ewan ko ba diyan sa papa mo," ani Stella, ang mama niya at sumimangot. Sa likuran ito sumakay. Ayon dito ay gusto nitong umidlip at ituwid ang katawan. "Paano kung mainit na mamaya sa daan?"

"Honey," Ephraim said patiently, "maaari nating ibaba ang bubong. Walang problema." Ngumiti ito. "Kaiinggitan ako ng mga kumpadre ko sa Maynila."

Anne rolled her eyes. Her father was a businessman. Ito ang nag-aasikaso sa fruit farm ng mga Santillan. Now that Ephraim's father was dead, natitiyak niyang papasukin din ng ama ang pulitika rito sa Santa Clarita. Naghihintay lang ito ng tamang pagkakataong mahikayat ang mama niyang dito na sila mamirmihan. Nasa dugo na ng mga Santillan ang pulitika.

Subalit ang mama niya ay natitiyak niyang hindi gustong iwan ang trabaho sa Maynila. Manager ito ng isang kilalang supermarket/mall. At si Ephraim naman ang siyang nagde-deliver ng mga prutas sa lahat ng supermarkets sa buong Kamaynilaan. Doon nagkakilala ang mga ito. At kahit nang mag-asawa na ang dalawa at sa Maynila na naninirahan, patuloy si Ephraim sa pag-aasikaso sa fruit farm. Umuuwi ito tuwing weekends at lumuluwas ng Lunes.

Her mother was a city breed. Bihira itong mahikayat ni Ephraim na umuwi sa Santa Clarita. She didn't like the long hours of travel. Isa sa mga dahilan kung bakit madalang ang pag-uwi nila sa Santillan.

"Tulog na ang mama mo," ani Ephraim makalipas ang kalahating oras na pagmamaneho. "Hindi man lang niya ma-enjoy ang sceneries."

Nasa zigzag road sila, palusong. Ang mama niya ay nakaunan sa bagahe at naiidlip. At si Roseanne ay tila noon lang na-appreciate nang husto ang tanawin dahil walang bubong ang sasakyan. To their left was the Pacific Ocean. At sa kanan naman niya ay ang walang katapusang bulubundukin ng Norte. Sa ibaba ng daan ay bangin.

Nakatali ang buhok niya pero tila gustong kumawala niyon sa lakas ng hangin. "The car feels as if we were in the sixties, Papa."

"And you're Olivia Newton John," ani Ephraim, smiling at his daughter.

She laughed. Tiningala niya ang pinanggalingan nilang itaas. Kasunod pa rin nila ang truck na iyon ng troso na maingat na lumulusong.


Halos nasa huling zigzag na sila nang mapasinghap ang kanyang ama. Nilingon niya ang nililingon nito. Nanlaki ang mga mata niya sa sindak. Kumalas ang mga troso mula sa trailer ng truck. Isa-isa iyong gumugulong paibaba sa bangin patungo sa kanila.

And there was no way they could escape death.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon