Three hours later, narinig ni Roseanne ang pagdating nina Eric at Louise. Lumabas siya upang pagbuksan ang mga ito subalit naroon na sa ibaba si Luke.
Nauulinigan niya ang malagihay na tinig ni Eric. Nakainom ito. Nagpaparinig ito ng salita kay Luke subalit inawat ni Louise at inakay na papanhik. Napahinto sa gitna ng hagdan si Eric nang makitang nakasungaw siya sa balustre.
"So, your hero's here again. Sha... palagay mo ba'y kaya ka niyang ipagtanggol kung totoo ngang may gustong pumatay sha—yo? Hah! He'd die, too just like Dennis."
Roseanne gasped. Agad na humingi ng paumanhin si Louise at tuloy nang ipinanhik ang nobyo. Sinulyapan niya si Luke sa ibaba ng hagdan bago bumalik sa sariling silid.
NAGISING si Roseanne sa haplos ng malamig na hangin sa balat niya. Bahagya siyang nangikig sa ginaw. Kinapa niya si Andre sa tabi niya subalit bakante na iyon. Itinuon niya ang mga mata sa bintana. Mataas na ang araw.
She smiled and stretched her arm contentedly. She had slept well, no dreams, no nightmares. Isa sa mga bibihirang mangyari. Napagtanto niyang nakakatulog lang siya nang maayos kapag naroon si Luke. Hindi niya alam kung dapat niyang ikatuwa o ikalungkot ang bagay na iyon. Nagiging dependent siya kay Luke sa kaligtasan niya.
Hindi niya ito makakasama sa habang panahon.
... I'm a man and you're a beautiful woman... It's foolish to deny that I am attracted to you...
...Wala akong iniisip sa nakalipas na mga araw kundi ang mahagkan ka nang ganito...Iyon ang mga sinabi nito sa kanya sa dalawang magkaibang pagkakataon. But those words didn't mean a thing. They were purely lust. Hindi iyon magtatagal, hindi napanghahawakan.
Tumayo siya at lumakad patungo sa bintana. Mula roon ay natanaw niya sa baybayin sina Luke at Andre at parehong namumulot ng shells. Andre was still in his pajamas. Si Luke ay naka-jogging pants at sweatshirt.
She smiled. Kung iba ang magmamasid ay tiyak na mapagkakamalang mag-ama ang dalawa. Palagay ang loob ni Andre kay Luke. At si Luke ay tila anak kung tratuhin ang bata.Ilang buwan din silang naging magkasintahan ni Dennis subalit hindi sila nagkaroon ng pagkakataong mamasyal o mag-out of town. Dennis had always been so busy. He had dreamed of putting up his own clinic. At pagkatapos kung nakapag-ipon ay nangarap itong makapagpatayo ng ospital.
He hadn't had the time to spend with Andre. Gayunman, ito pa rin ang magulang ni Andre, ang tanging nakilalang magulang. Subalit pinutol ng kriminal na iyon ang mga pangarap nito.
Tulad niya, Andre had lost his parent. Huwag nang idagdag na matagal nang naiwala ng bata ang ina nito na hindi na nag-abalang alamin pa kung ano na ang nangyari dito. At ngayon ay nasa mga balikat niya ang responsibilidad dito. Soon, she would arrange the necessary papers to adopt him legally. Andre's old and crippled grandmother would only be too willing to let her adopt the child.
Pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib at pagkatapos ay umalis sa pagkapanungaw. Kumuha ng bathrobe at tuwalya at lumabas ng silid. Gusto niyang gamitin ang banyo sa silid ng lolo niya pero nag-aalala siyang baka pumanhik si Luke anumang sandali at abutan siya roon. Lumakad siya patungo sa dulo ng pasilyo kung saan naroroon ang common toilet and bath.
Natitiyak niyang pareho pang tulog sina Eric at Louise. Louise was a late riser, dahil na rin sa uri ng trabaho nito sa Maynila. And Eric was drunk last night.
KASALUKUYAN niyang inihahanda ang almusal nang sumungaw sa pinto sa kusina ang dalawang lalaki.
"Mommy, tingnan mo!" Tumakbo ang bata sa kanya at ipinakita ang ilang shells na nasa kamay nito. "I found these."
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceMula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulung...