Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan papanhik nang mag-ring ang cell phone niya sa sala. Inaasahan na niyang si Luke iyon. Nagmamadaling bumaba siya uli at halos takbuhin ang patungo sa kinalalagyan niyon.
"Hello..."
"Anne..." Hindi siya nagkamali, si Luke ang nasa kabilang linya. And her heart leaped at the sound of his voice.
"Where are you?" tanong niya.
"Sa bayan. How are you?" he asked huskily.Nag-init ang mukha niya sa tanong na iyon. "I-I'm fine..."
"I wish I were there when you woke up. I'd like to make love to you again in the morning, sweetheart... under the sun."
Sa kabila ng pamumula ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. Heat spread through her body down to the middle of her thighs. "This is an obscene call, Mr. Montañez, and it's illegal!"
He laughed. "Anyway, listen to this. Bago ako umalis patungong Maynila ay may mga kinausap akong tao. Some I bribed to do little favors for me. Ang iba'y mga kakilala ng Papa noong nabubuhay pa ito. At may natuklasan ako tungkol sa mga Librado..."
Napasulyap sa kusina si Roseanne. Nasa lababo si Louise at nililinis ang mga ginamit sa pagluluto.
"Ano ang ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong niya.
"Natuklasan kong bago namatay ang asawa ni Nancy Librado ay nakadispalko ito ng malaking salapi sa bangkong pinagtatrabahuhan.Napahugot siya ng hininga. Parang nahuhulaan na niya ang kasunod nitong sasabihin.
"Nancy was broke. Nakasangla ang bahay at lupa nila sa bayan," patuloy nito. "Nalulong sa sugal ang asawa niya at naisangla ang lahat ng kabuhayan. You could be right in your hunch about the financial record kahit hindi ko pa nakikita. It was probably doctored. At alam ng tiyahin mo ang lahat ng ito, Roseanne. Kinaumagahan ng pagdating ni Louise sa Santa Clarita, sinamahan niya mismo ni Nancy Librado upang garantiyahan ito sa bangko upang hindi ma-foreclose ang property nito."
Napaungol si Roseanne doon. Muling sinulyapan ang tiyahin sa kusina. She felt betrayed.Nagpatuloy si Luke. "At heto pa, kinausap ni Louise ang manager ng bangko dahil sa hindi pagbabayad ng amortization para sa lupang binili ng lolo mo. Ipinangako nito na sa sandaling makaahon ang farm ay babayaran din kaagad iyon. So there, alam na natin ngayon kung bakit hindi sapat ang remittances ni Nancy Librado. Higit sa lahat, magbabayad ka ng napakalaking interest sa bangko for late payment of amortization..."
"So Nancy embezzled money from the farm's income..." Rage rose in her chest. Accessory ang sarili niyang tiyahin sa panloloko ni Nancy Librado. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Gusto niyang umiyak sa galit at sa sama ng loob sa tiyahin.
Nagpatuloy si Luke. "Hindi ko sinasabing may kinalaman sila sa nagtatangka sa iyo, Roseanne.
Kailangan pa natin ng matibay na pruweba sa bagay na iyan. Pero gusto kong malaman mo ang tungkol sa embezzlement. May kakausapin lang akong tao at pagkatapos ay uuwi ako kina Manang Felipa at magpapalit ng damit. I'll call you from there. And, darling..." he paused, "be careful."
Tinapos ni Luke ang pag-uusap nila. And she stood there like a statue, feeling scared as she had never before. Sapat ang mga dahilang sinabi ni Luke upang pag-isipan ng tiyahin niyang mawala siya sa landas nito.
Tama si Luke. Salapi ang dahilan kung bakit pinagtatangkaan siya. Mamanahin ni Louise ang ari-arian ng mga Santillan sa sandaling mawala siya. At natulungan pa nito si Nancy Librado. She knew they were more than friends. Parang magkapatid ang turingan ng dalawa. But for heaven's sake, pamangkin siya ni Louise! Magkadugo sila! Isa rin itong Santillan.
At si Eric? Was he involved in this? Siya ba ang umatake sa kanya sa parking lot sa utos na rin ni Louise? Iyon ba ang dahilan kung bakit kilala siya ng attacker niya? At nang araw na matuklasan nila ang tungkol sa patay na aso sa kusina niya ay ang araw din ng pagdating nina Louise at Eric sa Santa Clarita!
She panicked. Patakbo niyang pinanhik ang silid niya sa itaas at kinuha ang susi ng kotse sa bag niya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Narinig niyang tinatanong siya ni Louise kung saan siya pupunta pero hindi siya sumagot. Gusto niyang tumakbo palayo mula sa tiyahin.
But she had to get Andre. Kailangan muna niyang puntahan si Eric sa dagat. Kasama nito si Andre. Oh, god, hindi siya makapaniwalang magkakasabwat ang tatlo. But surely, they wouldn't kill her in broad daylight.
May ilang tao siyang natatanaw sa dagat na naliligo. It was a private beach gayunma'y hindi maiwasang may naliligaw roon mula sa kabilang panig ng beach. That made her feel a little bit safe.
Pero hindi na niya kailangang magtungo sa dagat dahil natanaw niyang paparating sina Eric at Andre. Sinalubong niya ang mga ito at mabilis na kinarga si Andre. Pagkatapos ay bumalik patungo sa kotse niya. She was trying to act normal.
"Hey, saan kayo pupunta? Basa ang damit ni Andre!" sigaw ni Eric na nagsalubong ang mga kilay.
Hindi niya ito pinansin at binuksan ang pinto ng kotse niya. Bago pa niya maipasok si Andre ay narinig niyang isinigaw ni Eric na flat ang dalawang gulong.
She groaned in frustration. Magkasama ang galit, sama ng loob at takot na mabilis niyang tinunton ang daan patungo sa labas ng resort. Hindi ininda na mabigat ang batang karga niya. May tricycle na paroo't parito sa lahat ng sandali. Kina Manang Felipa na lang niya hihintayin si Luke.
"Ano ang nangyari doon at bigla na lang tumalilis?" tanong ni Eric kay Louise na sumungaw sa may balkon. Ang mga mata ay nakasunod kay Roseanne na nagmamadali.
Nagsalubong ang mga kilay ni Louise na hinayon ang tinitingnan ni Eric. Naguguluhang nagkibit ng mga balikat.
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceMula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulung...