1

27.3K 643 17
                                    


"WHAT?" Napaangat mula sa kinauupuan niya si Luke. Inilipat sa kabilang tainga ang telepono. 

"Kailan?" May ilang segundo niyang pinakinggan ang sinasabi ng kabilang linya. Pagkatapos ay napaungol siya. Ibinagsak ang ulo sa headrest ng executive chair. "Okay... okay, I'll be there."

Ibinalik niya ang telepono sa lagayan nito. His face was grim. Dapat ay lilipad siya ngayon patungong Mindanao upang subaybayan ang mga kilos ni Flavio Guillermo, ang taong pumalis sa pamilya niya sa balat ng lupa.

It was Kiel on the phone. Ibinalitang naaksidente ang trailer truck ng Montañez Logging. Napatid ang kadenang nakatali sa mga troso sa palusong na daan sa Santa Clarita.

He closed his eyes tightly. The zigzag road was dangerous. Bituka ng manok kung tawagin ito ng mga tagaroon. Sa pagkakatanda niya ay may nangyari na ring aksidente sa truck nila many years ago. He was still a young boy. Hindi nasaktan ang driver subalit magmula noon ay naging maingat ang papa niya pagdating sa safety measures ng mga logs.

At may mga nadamay sa pagkakataong ito. Dalawa ang casualties. Dead on the spot. Ayon kay Kiel, ang driver nila ay nasa pagamutan, fifty-fifty ang chance. At isang nasa ospital sa Laoag with minor injuries—ang anak ng mga casualties. And he had to be there para ayusin ang lahat.

Luke was tied up to his neck. Parehong sa paghahanda upang madala sa batas si Flavio Guillermo at pag-aasikaso sa negosyo ng mga Montañez. At ang logging business ay ipinaubaya na nilang magpinsan sa manager. Kung siya ang naroroon ay tiyak na nasusuri niya sa pana-panahon kung matibay pa ang mga kadena... kung gumagana nang maayos ang mga truck at trailers.

Kahit paano ay gusto niyang sisihin ang sarili. Nauubos ang panahon nila ni Kiel sa pagtugis kay Flavio Guillermo.

But Guillermo had to pay! he thought gritting his teeth. Hindi sila titigil hangga't hindi napagbabayaran ni Flavio Guillermo ang ginawa nito sa pamilya Montañez!"LUKE MONTAÑEZ," pagpapakilala ni Luke sa doktor na inabutan niya sa silid ng pasyente, dalawang araw matapos ang pag-uusap na iyon nila ni Kiel.

Iniabot niya ang kamay na tinanggap naman ng doktor. "Pag-aari ng mga Montañez ang trailer truck na nadisgrasya sa road bend sa Santa Clarita. Kumusta na ang mga pasyente, doktor?"

"Hindi pa nagkakamalay ang driver ng trailer, Mr. Montañez." Umiling ito. "We are giving him twenty-four hours. Kung malalampasan niya iyon, then he will live."

"And... and the other survivor?"

"She's fine," sagot nito, umaliwalas ang mukha. Sinuri ang chart na nasa harap. "Slight concussion, minor cuts and some bruises that would heal in no time at all. But she was hysterical when she woke yesterday and learned of her parents' death..."

"You didn't have to tell her that at this point in time!" Luke was aghast at the luck of consideration and sympathy. Ayon kay Kiel, ang mga magulang ng pasyenteng nasawi sa aksidente ay anak at manugang ni Quentin Santillan, ang mayor sa Santa Clarita—which they hadn't even had the time to pay respect. Tatlong mahal sa buhay ang nawala sa survivor sa pagitan lamang ng ilang araw.

"We didn't tell her, Mr. Montañez. She knew. Confirmation na lang ang dahilan kung bakit niya itinanong. But she couldn't remember what happened before she was thrown out of the car. She knew she jumped out of the car and nothing."

Kumunot ang noo niya. "Ano ang ibig sabihin nito, doktor?"

"Traumatic amnesia. The patient's a graduate of a medical degree. Alam niya ang nangyayari sa kanya. Subalit hindi niya kayang kontrahin. Subconscious mind is blocking memories... tragic memories."

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon