LUKE stepped on his brake. Humigpit ang seat belt sa dibdib niya sa biglang preno niya kasabay ng pag-iisip kung tamang huminto siya.
Ano ba ang pakialam niya kung sino man iyong na-stranded sa gitna ng daan sa madilim na gabi at bumabagyong ganito? Ang mga motorista ay dapat na handa sa anumang maaaring mangyari sa sasakyan nila.
Pero ang tinamaan ng headlights niya ay babae. Nakapantalon ito, gayunma'y natitiyak niyang babae iyon. At kahit hindi niya nakita ang mukha ay natitiyak niyang takot ang dahilan ng biglang pagtakbo nito patungo sa loob ng madilim na sasakyan.
Who cares if she is a woman? Who cares if she ran her battery to death? For all he knew, may kasama ito sa kotse.
She ran her battery to death. Umulit sa isip niya iyon. Paano kung totoo ngang namatayan ng baterya ang babae? Walang ilaw ang sasakyan. Kahit na ba may kasama pa ito. Hahayaan ba niyang abutin ang mga iyon ng magdamag sa kalye? Paano kung may mapadaang masasamang-loob?
"Shit," he muttered. Iniatras niya ang four-wheel-drive Chevrolet Silverado. He stopped the vehicle right in front of the stranded car. Bumaba siya ng pickup at lumakad patungo sa kotse. Sa liwanag na nanggagaling sa taillights niya ay nakita niyang nakasarang lahat ang mga salamin ng sasakyan. Hindi niya maaninag ang pasahero dahil malabo ang mga salamin at malakas ang ulan.
Yumuko siya at kinatok ang salamin sa driver's seat. Ilang segundo ang lumipas bago dahan-dahang bumaba ang salamin, tatlong pulgada lamang ang nakaawang.
"Ano ang nangyari? Namatayan ka ba ng baterya?" tanong niya sa nasisilip na mukha. Her eyes were wide like saucers.
He swore inwardly. Wala siyang natatandaang kinatakutan siya ng kahit na sinong babae—not even his enemies. But he couldn't blame her. Sinilip niyang mainam ang loob ng kotse kung may kasama ito.
Then a small face creeped behind the woman's shoulder.
"Hello..."
May bata. Hindi niya matiyak kung babae o lalaki. Mag-ina ang nasa loob ng kotse.
Luke sighed patiently. "Look..." he said in a more gentler tone, "hindi ako masamang tao, Misis. Huwag kang matakot. Anong tulong ang maiaalok ko sa inyo?"
"You're right, namatay ang baterya ko. Magagawa mo bang i-recharge?" wika nito sa nanginginig na tinig, inihilamos ang palad sa mukha upang alisin ang tumutulong tubig mula sa buhok. At nakita ni Luke na sinisipat siya nito, tila ba pinag-aaralan ang anyo niya sa pagitan ng kapirasong awang ng nakabukas na salamin.
Umiling si Luke. "No, Ma'am. Hindi ko magagawa iyon sa ganitong panahon. Ang maiaalok ko sa iyo ay lumipat kayo sa sasakyan ko at ihahatid ko kayo sa patutunguhan mo. I-lock mo itong kotse mo at pabalikan mo na lang bukas ng umaga."
"It's okay. Tumawag na ako sa amin..."
Nakita ni Luke na itinaas nito ang cell phone. Sa kabila ng sakit na nararamdaman niyang gumuhit sa likod niya sa pagkakayuko ay gusto niyang mangiti. The woman was doing it by the book.
"Ihahatid na kita kung saan man ang sa inyo. Hindi kayo—" Luminga siya sa paligid "—maaaring manatili rito hanggang mag-umaga. Mahabang oras ang ipaghihintay mo." He was getting impatient. Hindi dahil nababasa siya kundi tumitindi ang kirot sa likod niya.
And by the look of it, the woman was determined to stay in her car with her child. Hindi niya ito masisisi.
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)
Storie d'amoreMula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulung...