Limampung metro mula sa building ay tahimik na inihinto ni Luke ang four-wheel drive sa likod ng makakapal na punong-kawayan. Pinauwi niya kaagad ang binatilyong isinama niya para ituro ang lugar. Inutusang tumawag ito ng mga pulis.
Nakatago ang lumang bodega/pandayan sa makakapal na punong-kawayang nakapaligid. Sa harap ng babagsak nang bahay na kadikit ng bodega ay ang jeep ni Robert.
Hindi niya alam kung ilang minuto ang pagitan nila ni Robert. Sa shortcut na itinuro ng binatilyo sila nagdaan. At sa tantiya niya, sa bilis ng pagpapatakbo niya sa Silverado at sa sinabing oras ni Louise ay nahuli lang siya ng limang minuto. But anything could happen in a few seconds.No. Hindi niya dapat isipin iyon.
Muli niyang itinuon ang tingin sa bodega habang maingat na lumakad patungo roon. This would be too easy. Iisa lang ang kalaban niya. But Robert had Roseanne and Andre. And Luke was scared as he had never been before. Kung ano-anong pangitain sa isip niya ang gumuguhit sa maaaring nangyari kay Roseanne na gustong magpasabog sa dibdib niya.
Walang kalatis siyang umikot sa likod. Nauulinigan niya ang tinig ni Robert. Was he talking to her? Was she all right?
What about Andre? Ligtas ba ito? Hindi ba sinaktan ni Robert ang bata? Halos panlabuan siya ng isip sa matinding takot para sa dalawa. He prayed as he had never prayed in his whole life.
Just let them both be unharmed. He promised himself that he would never let Roseanne out of his sight again for the rest of his days. And Andre. Oh, god. He was just a little boy. Even younger than LJ. He shook his head violently. Cursing himself. Hindi siya maaaring magpadaig sa emosyon. He couldn't get distracted by worrying about them.
Maingat at mabilis ang kilos niya na lumapit sa yerong dingding. Puno iyon ng kalawang at butas. May isang nakaawang na yero na makapapasok ang isang tao. Yumuko siya at inilusot ang sarili. Kumirot ang pinsala sa likod niya subalit bahagya na niyang ininda.
Nakapasok na siya at maingat na humakbang patungo sa maitim at lumang mga drum na nasa harap niya upang bigla ring mapaatras sa napakasangsang na amoy na sumalubong sa kanya.Gumawa ng ingay ang pag-atras niya dahil sa yero siya napaatras subalit sumabay iyon sa malakas na ingay na sanhi ng pagparada ng sasakyan sa harap ng bodega.May inaasahan ba si Robert na kasamang darating?
He held his gun tightly. Sinisikap niyang huwag maapektuhan ng masangsang na amoy. Sa uri ng trabaho niya, natitiyak na niyang nabubulok na katawan ng tao ang sanhi ng amoy na iyon.
Tension was drawing him tight. Sumilip siya sa pagitan ng poste at drum. Then he saw Andre first. Nakaupo ito sa silya at tahimik na umiiyak. His heart ached for the boy, cursing Robert at the same time.
Then he saw her. Nakatali. He saw her moved. She was alive! Subalit saglit lang ang kagalakang nadama niya dahil mabilis itong tinakbo ni Robert. Hinawakan sa buhok at hinila iyon patalikod at inilagay sa leeg nito ang patalim habang ang mga mata'y nakatutok sa pinto.
May pakiramdam siyang sasabog ang dibdib niya sa matinding takot at kaba na baka ibaon nito ang patalim sa leeg ni Roseanne. Pagkatapos ay bumalya ang yerong pinto ng bodega. Napaungol si Luke nang makita kung sino ang dumating.
"Pakawalan mo si Roseanne, Robert!" sigaw ni Eric. Sa likod ay si Louise na nang makita si Andre ay tinakbo ito at niyakap. Ang marahil ay pinipigil na iyak dahil sa takot ay kumawala. Pumalahaw ng iyak si Andre at yumakap kay Louise.
"Patigilin mo ang bata sa pag-iyak, Louise!" hiyaw ni Robert. "Maingay! Ayoko ng maingay!"Natatarantang pinatatahan ni Louise si Andre.
"May kasama kaming pulis, Robert," patuloy ni Eric. "Hindi ka makakatakas." Hindi pa nito natatapos ang sinasabi nang lumitaw mula sa pinto ang isang pulis at itinututok ang baril sa kung saan na lang.
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceMula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulung...