19

16K 474 5
                                    

"Ang paparating na sasakyan ang naging dahilan upang makaligtas ako. And Dennis... h-he died in my arms," pagtatapos niya ng kuwento. Butil-butil ng pawis ang nasa noo niya at nanunuyo ang lalamunan niya. Muli niyang inabot ang baso ng tubig at inubos iyon.

"Ano ang nangyari? I mean, may natukoy ba ang mga pulis? What about fingerprints?"

Umiling siya. "There was no lead... no fingerprints. Sa nakalipas na tatlong linggo ay wala silang makitang suspect. One of those random crimes. And it was my fault that Dennis died. Ako ang gusto niyang patayin hindi si Dennis. Kung hindi ako lumabas ng kotse... kung nanatili ako sa loob at naghintay na lang... kung..." Her body racked as she sobbed.

"Roseanne, listen!" ani Luke sa mariing tinig. Hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. Hindi mo kasalanang nainip ka at lumabas ng kotse mo. Kahit sino ay maaaring gawin ang ginawa mo. Isa iyong ospital at doon kayo nagtatrabahong mag-asawa. Hindi mo aakalaing may magtatangka sa iyo sa lugar na iyon."

Mag-asawa. She hadn't been able to correct that assumptions. Pero bahagya nang nagdaan sa isip niya iyon

"Bago ang gabing iyon... may mga prank call. And I had this feeling that I am being stalked! Dapat ay pinag-ukulan ko iyon ng pansin..."

"No. You couldn't have," giit ni Luke. "Napakaraming tao ang tumatanggap ng prank calls sa araw-araw. Ilan sa mga gumagawa niyon ay dala ng hindi matinong kaisipan. Ang iba, out of fun and boredom and mostly are harmless. Pero hindi sa kaso mo dahil kilala ka ng taong ito. And you couldn't have known that, malibang sa telepono pa lang ay binanggit na niya ang pangalan mo..."

Umiling siya. Pinahid ng kamay ang mga luha. "No. At hindi pumasok sa isip kong inusal niya ang pangalan ko, until now. Ngayon ko lang naalalang inusal niya ang pangalan ko nang banggitin mo ang tungkol sa nakasulat sa sahig."

"Hindi itinanong sa iyo ng mga pulis kung kilala mo ang sumalakay sa iyo nang gabing iyon?" Luke asked grimly. "What about his voice? Did you recognize him?'

"His voice was distorted. Sa pagkakatanda ko, he wore dark glasses. Imagine, dark glasses in the middle of the night! At hindi ko matandaan ang mga tinanong ng imbestigador sa akin sa dami. Besides, I was too shocked by the attack... of the way Dennis died. He was... he was stabbed in the neck. T-tulad ng ginawa sa asong iyon! At narito siya... sinusundan niya ako!" Tinakpan niya ang bibig upang hindi siya mapabulalas ng iyak.

Kinabig siya ni Luke patungo sa dibdib nito, comforting her. Roseanne was very much aware of the arms that held her. Inihahatid ng mga bisig nito ang kapanatagan at kaligtasan sa damdamin niya. Pero paano kung tulad ni Dennis ay... she shuddered wildly. Hindi niya kayang may ibang taong muling madadamay dahil sa kanya.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon