39

17.7K 491 14
                                    


NANANAKIT ang mga braso niya. Bakit hindi niya maibaba ang mga iyon? Kumikirot ang ulo niya at nahihirapan siyang huminga. Gayunman, ang bahagyang hanging pumapasok sa ilong niya ay may masangsang at nakakasukang amoy.

What happened? Nang mula sa kung saan ay narinig niya ang mahinang iyak. Si Andre! Her eyes flew open. And it hurt even to open her eyes.

Unti-unting nagbalik sa isip ang nangyari. Nakasakay sila ni Andre sa jeep ni Robert nang sagasaan nito ang... umungol siya. Hindi niya gustong isipin ang tungkol sa aso. Pagkatapos ay ang pagpreno nito at ang paghampas ng ulo niya sa salamin ng jeep.

Oh, god!

She tried to put her arms down only to realize they were tied over her head. Tumingala siya. Nakabitin siya sa beam ng bubong na walang kisame.

At nakatali ang bibig niya! The gag was too tight it almost covered her nose. Iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang huminga. At humihiyaw sa sakit ang mga binti niya. Dulo lang ng mga daliri niya ang sumasayad sa lupa.

Umikot ang mga mata niya sa paligid. It was an old and dirty warehouse. Sira-sira na ang bubong dahil lumulusot sa butas ng bubong at dingding ang panghapong sikat ng araw.

Muli niyang narinig ang iyak ni Andre, papalapit. Napaungol siya. Gusto niya itong tawagin subalit ni hindi niya maigalaw ang bibig sa higpit ng pagkakatali niyon. At may pakiramdam siyang gustong humiwalay ng braso niya sa katawan niya sa pagkakabitin.

Mayamaya ay bumukas ang giray-giray na yerong pinto ng bodega. Pumasok si Robert na karga ang umiiyak na si Andre. He was smiling demonically at her.

"Nagkamalay na ang mahal na prinsesa," wika nito. Inilapag si Andre sa isang luma at maruming silya. Pumalahaw ng iyak ang bata at tinatawag siya. Akmang bababa ng silya si Andre upang marahil ay takbuhin si Roseanne subalit umigkas ang kamay ni Robert at sinampal ang bata.

Roseanne screamed. Pero hindi lumabas ang tinig niya mula sa pagkakatali ng bibig niya. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Andre sa takot at huminto sa pag-iyak.

"Ganyan nga," ani Robert. "Maging masunurin ka sa akin. Maupo ka riyan at huwag kang maingay!" Pagkatapos ay iniwan nito si Andre at lumakad patungo sa isang malaking hasaan. Kinuha nito ang patalim na nakapatong doon at hinasa-hasa.

Natanaw ni Roseanne na sa isang bahagi ng yerong dingding ay may mga nakasabit na iba't ibang uri ng patalim, itak, karit at kung ano-ano pang matatalim na bagay. She shuddered. Then she wiggled, trying to free herself, bagaman alam niyang imposible siyang makakawala. Gumiik ang marupok na kahoy sa itaas ng bubong. Nilinga siya ni Robert.

"Mahirap kang patayin, Roseanne," wika nito, matalim ang mga matang itinuon sa kanya. "Pinahihirapan mo ako sa kamamasid sa lahat ng kilos mo sa Maynila at hanggang dito. At peste ang Montañez na iyon. Parang asong laging nakabantay. And I am running out of time. Malimit ang pagsumpong nitong lintek na ulcer ko. At dahil pinahirapan mo ako, bibigyan kita ng bonus. Hindi ka mamamatay kaagad... unti-unti. Unti-unting kamatayan ang gagawin ko sa iyo hanggang sa maubos ang dugo mo tulad ng ginawa mo sa nanay ko..."

Roseanne's eyes were wide with shock. Marahas siyang umiling. "Hmmpp..."

Tumawa si Robert. "Gusto mong itangging ikaw ang pumatay sa nanay ko?" Pagkuwa'y tumalim ang mga mata nito. "Itinulak mo siya sa hagdan ninyo, 'di ba? I was there, Roseanne, sa likod ng poste. I saw you! Kasabwat ka ng lolo mong patayin ang Inay upang huwag mahantad ang kawalanghiyaan niya!" Pagkuwa'y humikbi itong tila bata.

Patuloy sa pag-iling si Roseanne. Ang ulo niya at ang punong-braso niya ay halos magpahinto ng paghinga niya sa matinding sakit.

"Ayon sa tatay ko'y anak din ako ni Quentin Santillan. Kaya lang ay hindi ako gustong kilalanin ng lolo mo!" sigaw nito. Nagliparan ang ilang ibong namumugad sa mga tahilan ng bodega.

"Matapos mong patayin si Inay... si Inay na siyang tanging nagmamahal sa akin, ay inampon ako ni Tandang Ponso upang iligtas sa mga kamay ni Elmo, ang tatay-tatayan kong baliw. Lagi akong sinasaktan palibhasa'y na-rabies ng aso..." tila batang sabi nito.

Roseanne was astounded when she realized that his voice had changed into that of a young boy. Kanina pa ito nagsasalita na tila bata!

"At ikaw, ano ang ginawa mo noong inampon ako ni Tandang Ponso? Natatandaan mo ba ang ginawa mo noong bakasyong manalo sa second term niya si Quentin Santillan bilang bise-mayor? Ha, Roseanne? Nang mas pahalagahan mo ang isang hayop kaysa sa akin?"Roseanne closed her eyes tightly even if it hurt. Tinutukoy nito ang pagkakita niya rito na pinapalo ang aso hanggang sa mamatay iyon. At ang pagganti niya ng palo rito.

"Aso lang iyon," patuloy ni Robert sa boses-bata. "Pero sinaktan mo ako. At ako pa ang pinagalitan ni Quentin. Si Ponso ay pinagalitan din ako. Sinampal pa ako. Kasalanan ko raw, ayon sa kanya dahil pinatay ko iyong aso... Hah!" Naningkit ang mga mata nitong hinila ang buhok niya, napatingala siya at napaungol sa sakit.

"Inangkit ni Tandang Ponso na pinag-aral niya ako..." Humagikgik ito sa tinig-bata. "Iyon ang alam ng lahat. Ipinamalita niyang siya ang nagpapaaral sa akin kaya naman kailangan kong gawin ang mabibigat niyang trabaho sa resort at sa farm habang siya ang tumatanggap ng sahod mula kay Quentin Santillan. Alilang kanin ako ni Tandang Ponso, Roseanne!

"At tulad ni Elmo, munting pagkakamali ay hinahataw ako. Pero alam mo bang hindi ako makakatapos kung hindi dahil kay Quentin Santillan? Siya ang nagpaaral sa akin, hindi si Tandang Ponso. Akala ng matandang iyon ay hindi ko alam na sa kanya inaabot ng lolo mo ang salaping pampaaral sa akin. Pakonsuwelo ng lolo mo dahil hindi niya ako gustong angkining anak!"

Umungol si Roseanne. Umiling. Gusto niyang iparating dito na hindi iyon pakonsuwelo kundi talagang may mga pinag-aaral ang lolo niya. Sa pagkakaalam niya ay may tatlo pang recipient ng scholarship ng lolo niya noong araw. But her grandfather never acknowledged the good deeds. He had remained anonymous. Narinig niyang pinag-usapan iyon ng mga magulang niya minsan.

"At nang makatapos ako at makapagtrabaho, gusto ni Tandang Ponso na sa kanya lahat ang kinikita ko... utang-na-loob ko sa kanya ang edukasyon ko... ang buhay ko." Tumalim ang mukha nito at pagkatapos ay ngumisi at nagkibit ng mga balikat. Binitiwan ang buhok niya. Nang muling magsalita ay sa boses na nito. "Well, tinapos ko ang pag-iingay at kalupitan ng matandang iyon..." Nanlaki ang mga mata niya. May kinalaman ba ito sa pagkawala ni Manong Ponso?

Ngumisi si Robert. Nilingon ang isang sulok. Sa kabila ng pananakit ng ulo at leeg ay sinundan ng tingin ni Roseanne ang nilingon nito. Mga lumang drum ang naroroon sa isang sulok at nakikita niya ang naglalakihang bangaw na aali-aligid doon.

Bile rose from her chest to her throat and choked with it. Humigit-kumulang ay alam na niya kung ano ang laman ng drum. Doon din nanggagaling ang masangsang na amoy na nalalanghap niya kanina pa.

At si Andre! Oh, God. Nalalanghap ni Andre ang bahong iyon ng nabubulok na katawan ng tao! Her eyes darted to the child. Andre was sobbing silently, his eyes wide as they focused on her. 

Naroroon ang tanong at pagkamangha sa mga mata ng bata.

Napaungol siya. Higit para kay Andre kaysa sa sarili niya.

"Kinasusuklaman ko kayong lahat!" hiyaw ni Robert. "Kung hindi dahil sa nakapaligid niyang mga bodyguard, matagal ko nang napatay si Quentin Santillan!" Pagkatapos ay tumitig sa kanya. Pumalatak. "Hindi ko nga alam kung paano kang nakaligtas sa mga troso. Buong akala ko'y nahulog ka sa bangin. Mapalad kang talaga. Pero kawawa naman ang boyfriend mo." 

Lumamlam ang mukha nito. "Siya kasi, sukat ba namang basta na lang lumitaw. Gustong maging bida. 'Ayun... tsk...tsk..." Muli itong ngumisi. "But you'll soon join them, Roseanne... soon. At panonoorin ko ang paghihirap mo!"

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon