34

18.8K 535 10
                                    

isang maluwag na paghinga ang pinakawalan ni Roseanne. Nakatitig siya sa kisame, while Luke's heavy weight lay on her, his body still joined to hers giving her the feeling of uncomfortable fullness. She was a matured woman and a doctor for that matter. And she had known it had to hurt the first time.

Pero ikinamangha pa rin niya ang ganoong uri ng discomfort, and the feeling of being stretched too far.

Naramdaman niya ang pagpatak ng mainit na bagay sa balikat niya. Then Luke dropped to her side taking her with him.

Nakaunan siya sa dibdib nito. His body shook gently. She raised her head to look at him. His eyes were closed tightly and there were tears rolling down his cheeks.

Hindi ito nagmulat ng mga mata subalit kinabig siyang muli nito pahiga sa sariling dibdib. Ang kamay nito'y humahagod sa buhok niya at pagkatapos ay naramdaman niya ang mga labi nito sa ulo niya.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. She was hurting all over. Tila pinaghati-hati ang katawan niya. And she was confused. Gusto niyang abutin si Luke at makihati sa dinaramdam nito. But she gave him the privacy of his sorrow. Umaasa siyang kahit paano ay nabawasan ang kapaitang nadarama nito.

The silent storm was brief and over in a while. Kinabig siya nito. "I didn't mean to hurt you, Anne..."

Bahagya siyang tumango. Sa kauna-unahang pagkakataon ay binanggit nito ang pinaikling pangalan niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman kung inusal ni Luke iyon habang nasa kainitan ito ng pag-aangkin sa kanya.

May palagay siyang hindi niya kakayanin ang sakit na idudulot niyon.Tumaas-baba ang dibdib nito sa paghinga nang malalim. Pinalipas muna nito ang ilang sandali bago muling nagsalita. "When we met, you asked me why I owned a gun..."

"Yeah." It was the barest of a whisper. Tumaas ang mukha niya upang tingnan ito, he was staring at the ceiling.

"I work with the government," wika nito, meeting her eyes.She frowned. "As what?"

"Undercover. Hindi alam ni Annie ang bahaging iyon ng trabaho ko. Si Kiel at ang ama namin lamang ang nakakaalam. Kahit ang Mama'y hindi alam iyon. The irony of it was that I protected other people's lives. Inililigtas sila sa pagkapahamak pero hindi ko nagawang iligtas ang mga mahal ko sa buhay."

"You weren't there," she whispered. "And if you were, hindi ka nakatitiyak sa maaaring mangyari. Maaaring walang nakaligtas sa inyong lahat."

"I have wondered about that a million times. Many times in the past I wished I was with them that day... died with them."

Naiintindihan niya ang damdaming iyon. Nang mamatay ang mga magulang niya ay halos kainin ang buong pagkatao niya ng guilt na buhay siya at namatay ang mga ito. That her father chose to die with her mother when he could have saved himself, too.

Dinugtungan nito ang sinabi makalipas ang ilang sandali. "LJ was not my son. Annie's already pregnant with him when I married her. Alam iyon ng buong pamilya ko."

She was genuinely surprised. Muli niya itong tiningala. Umangat ang ulo ni Luke sa pagkakahiga, inilagay ang mga kamay sa mukha niya at itinaas iyon. Then he gave her a tongue-kiss. Mabilis na muling nagningas ang apoy sa katawan niya subalit hindi niya gustong pansinin iyon. Luke was opening up.

"Nang magtrabaho sa amin si Annie ay may boy­friend na siya. Isa sa mga kilalang angkan sa Vigan kung saan siya nagtapos ng pag-aaral. When the bastard learned that she was pregnant, he went abroad. It broke Annie's heart. Hindi ko siya miminsang nakikitang umiiyak.

"I was really attracted to her since day one. I like tall, voluptuous and big breasted women. And Annie was that. But I stayed away because of the boyfriend. When the jerk abandoned her, I offered marriage." Huminto ito sandali sa pagsasalita na tila naghihintay ng komento niya sa bahaging iyon ng pagtatapat nito. But she kept her silence.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon