"Andre, your dinner's getting cold. Hindi ka kumakain." Nakasilip siya rito mula sa kusina.Nakadapa si Andre sa sahig at nanonood ng cartoons. Sa tabi nito ay ang pagkain. "I am eating, Mommy..." balik-sigaw nito. Dumampot ng chicken bits pero hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatutok sa TV screen. Isinubo nito ang chicken bits.
Umiling siya at itinuloy na sa lababo ang pagkaing hindi naman niya nagalaw. Apat na araw na ang nakalipas mula nang lumabas siya ng ospital. Marami na ang nangyari.
Kinausap at humingi ng tawad sa kanya si Nancy Librado para sa asawa nito. Tulad ng nasabi na niya kay Louise, pinatawad niya ito at pinanatili sa serbisyo. Inihayag niya rito ang pagnanais niyang manatili sa Santa Clarita at asikasuhin ang farm. And she needed Nancy to assist her.Isa pa, plano niyang magtayo ng clinic sa bayan. She was a surgeon. She could be a general practitioner. And maybe in the near future, she would specialize in another field. She took up reconstructive surgery because her grandfather joked her about it. Now she thought of specializing in psychiatry.
Magiging abala siya. Hindi magkakapuwang ang pag-iisip kay Luke. She sighed. Hinugasan ang pinggan. Walang sandaling hindi niya ito naiisip. But they say time heals all wounds. All she had to do was wait for that time. Kung kailan iyon, hindi niya alam. If ever she would forget him.
Bahagyang-bahagyang tunog ng makina ng sasakyan ang narinig niya sa labas. Nagbalik ba sina Louise at Eric? Pero kanina pa nakaalis ang mga ito. Eric decided to spend the weekend in Santo Tomas, a romantic place to discuss weddings and future plans—ayon dito.
She strained her ear to listen more. Pero mga panggabing kuliglig ang naririnig niya at ang ingay ng mga dahong hinahampas ng hangin sa bintana niya.
Nang marinig niya ang langitngit ng pagbubukas ng pinto. At bago pa siya makalingon ay sumigaw na si Andre.
"Daddy!"
"Hello, pet..." said the familiar raspy voice that was music to Roseanne's ears.Kung posible lang na lumabas ang puso niya sa dibdib niya ay iyon marahil ang nangyari sa kabang nadarama.
Be still, my heart! she hissed to herself. May ilang sandaling nanatiling nakatayo siya sa lababo upang payapain ang sarili.
Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Andre sa entrada. Nakasakay ito sa bisikleta."Mommy, look!" pagmamayabang nito. "Dala ni Daddy..."
She smiled indulgently at Andre. Iniatras na nito ang bisikleta at nagpaikot-ikot sa sala. Tumaas ang mukha niya kay Luke. Nakasandal ito sa hamba ng entrada. In his usual faded blue jeans and denim colored shirt. But this time, he had shaved. Nakabakas pa sa mukha ang mangasul-ngasul na pinagdaanan ng pang-ahit.
"Hi," bati nito.
"H-hi yourself."
"You're looking fine." May pananabik nitong hinagod ng tingin ang kabuuan niya.
"Wala sina Eric at Louise—" She closed her mouth shut. Alam niyang iba ang magiging dating niyon kay Luke.
She was right. He was grinning devilishly. "What are you suggesting, sweetheart? I'm game. I'm not even tired. Dalawang oras at kalahati lang akong nagmaneho mula Capistrano. Ginamit ko ang Cessna ng kompanya sa pagparoo't parito sa Maynila."
"Ang ibig kong sabihin ay hindi ko gustong mag-isip na naman nang hindi mabuti sina Louise at Eric. Ayon sa kanila'y dumarating ka tuwing wala sila."
Umangat ang mga kilay nito. Amusement lit his eyes. "Kasalanan ko bang mahusay akong kumuha ng tiyempo?"
She sighed. "Kumain ka na ba?"
"Hmm... that sounds very wifely. And I like that."
"Oh, don't tease," wika niya. "Why have you come, Luke?"
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceMula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulung...