NARAMDAMAN ni Luke ang panginginig nito. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Roseanne. "Listen, Roseanne, wala kang dapat ikatakot, narito ako. No harm will come to you, I promise." Ang pagnanais na mahuli ang salarin ay makatwiran dahil sa propesyon niya. Pero ang intensidad ng pagnanais niyang proteksiyunan ang babaeng ito ay ikinamamangha niya. It was beyond his job. Beyond any sexual desire he had for this woman.
Was it just sexual desire? Why was his emotions involved? Was it really?
Ang alam niya ay responsibilidad niya ang mag-ina. He didn't want anything to happen to her... or to her son. He would protect them with his life. And she trusted him. Damn it. But she trusted him. And he had failed the people he loved. They had trusted him and they had all died.
"I'm so grateful, Luke. Pero ayokong may mangyari sa iyo tulad ng nangyari kay Dennis," ani Roseanne.
"Si Dennis ay walang kamalay-malay sa mangyayari. Ako, alam kong nariyan lang ang kung sino mang nagtatangka sa iyo. At nakahanda ako, Roseanne. Iyon ang pagkakaiba namin ni Dennis. Bukod pa sa sanay akong harapin ang ganitong uri ng tao."
"Oh, Luke, walang taong sanay humarap sa isang kriminal malibang—you're a cop?"
Luke almost smiled. "Kung iyan ang gusto mong itawag." Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito at ang pagnanais na mag-usisa pa. But she wisely decided against it.
"I don't even know why you're helping me. We've only met four days ago..." she whispered.
"Was it only four days ago?" he asked huskily.
Tumingala si Roseanne sa kanya at nakita nito ang nakatagong ngiti sa likod ng mga mata niya. Kumawala ito mula sa pagkakahawak niya. Ipinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Paano mong nagagawang magbiro?"
"Dahil nagpa-panic ka, natataranta ka. Hindi momakuhang makapag-isip nang maayos dahil sa takot.Iyon ang gustong mangyari ng taong iyon. And thenyou would be an easy target," lohikong sabi niya.
"Calm down and think. Sino sa mga kakilala atkaibigan mo ang nakagalit mo?"
Roseanne shook her head desperately. "Not that I know of. Kahit man lang makasamaan ng loob dahil sa isang walang-kuwentang dahilan ay wala."
"What about Dennis? Babaeng maaaring naagrabiyado niya?"She shook her head desperately. "Nitong nakalipas na mga araw ay walang laman ang isip ko kundi iyan. Wala akong maiisip kahit na isang maaaring gumawa nito."
Hindi sumagot si Luke at sinulyapan sa sala si Andre na nagpapaikot ng mga laruan sa tiled floor, imitating the sound of a car machine. Those were LJ's toys. Sa isang sandali'y biglang nahalinhan ang anyo nito ng anyo ni LJ. Nakangiti... masiglang naglalaro.
Luke blinked. He hadn't been able to see Annie's and LJ's remains. They were charred beyond recognition. Tulad din ng sa mga magulang nila ni Kiel. Maliban kay Karla na nakatalon at sa damuhan namatay matapos ipanganak si Kaila.
Ano ang kahihinatnan ni Andre kapag may nangyari kay Roseanne?
The anger that he felt for the unknown killer intensified. The muscles in his jaw flexed. His eyes turned into slits. Tumaas-baba ang dibdib niya sa paghinga. He turned to Roseanne who was watching him with mixed emotions in her eyes. Curiosity, puzzlement—and most of all, fear.
"I'll find your stalker..." he said with conviction and anger. Kung ang takot sa mga mata ni Roseanne ay dahil sa nakikitang anyo niya ay hindi niya binigyang pansin. Tumalikod siya at lumakad patungo sa ref. "Time to make that french fries I promised."
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)
RomantikMula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulung...