13

17.3K 561 17
                                    


ALAS-DIES pasado na ng umaga nang magising si Roseanne kinabukasan. She felt rested. 

Nakabawi ang katawan niya sa puyat sa nakalipas na mga araw. Gusto pa niyang manatili sa higaan nang sabay na pumasok sa isip sina Luke at Andre.

Napabangon siyang bigla. Baka kanina pa gising ang mga iyon. Why he didn't wake her up puzzled her.

Lumakad siya patungo sa malaking bintanang salamin at binuksan iyon. Malamig na hanging-dagat ang sumalubong sa mukha niya. At bagaman nakatago pa rin ang araw dahil umuulan-ulan pa nang mahina, ang dagat ay payapa at banayad ang mga alon.

Ang lahat ng silid sa bahay na iyon ay nakatanaw sa dagat. It's nice to watch the boats go by... Iyon ang natatandaan niyang sinabi ng lolo niya.

Yes it was. Tulad ngayon, may ilang malalaking bangkang pangisda siyang natatanaw sa karagatan. The view was spectacular. Napangiti siya. Until that moment she never realized how she missed this place. Sa mahabang panahon ay nalimutan na niyang maligo sa dagat. Now she had all the time in the world.

Nilinga niya ang silid. Nasa paanan ng kama ang maleta niya. Kumuha siya roon ng tuwalya at damit at pagkatapos ay lumabas ng silid. Sa dulo ng pasilyo ay ang banyo. Pagkatapos niyang maligo ay tutungo siya sa abogadong nangangasiwa ng farm at aalamin kung nasaan si Manong Ponso. At the same time, hihingi siya ng tulong kung paano mahahatak ang kotse niya patungo rito.

She couldn't impose on Luke any further. Kailangan na rin nitong umuwi. May panghihinayang siyang nagbuntong-hininga sa naisip na maaaring hindi na sila magkita. Their meeting was by chance. Nagmagandang-loob lamang itong tulungan siya.

"GOOD morning," bati ni Luke nang bumungad siya sa dining room. Nakaupo ito sa mesa at nagkakape. Mukhang nakapaligo na ito at nakapagpalit na ng damit. The growth of stubble darkened the handsome face. He was wearing a white polo shirt, nakatupi ang mga manggas hanggang sa malapit sa siko. At gusot iyon na marahil ay kinuha rin nito mula sa dalang bagahe.

Yet it was as if the shirt were made wrinkled for him. Last night the man was gorgeous. This morning, he was dangerously devastating. She had to admit to herself—she was attracted to the man.

"Hindi naman ako tanghaling nagigising," she started to explain while walking towards the table, "kaya lang..." Her voice trailed off. Papaano niya ipaliliwanag sa isang estranghero na ilang gabi na siyang hindi natutulog mula nang mangyari iyon sa kanya?

"I understand," ani Luke, twitching a corner of his lips in an attempt of a smile. "Brunch." Inginuso nito ang antigong percolator sa mesa, isang supot ng pandesal at pritong itlog at hinog na avocado. May ekstrang pares ng tasa at platito sa mesa at pinggan at tinidor. "This is all I could manage."

Kung ganoon ay lumabas ito ng resort at bumili ng pagkain. Itinihaya niya ang tasa. "Why did you stay and keep us company?" she asked in a small voice.

Matagal bago sumagot si Luke. Sa tantiya niya ay naghahagilap ito ng tamang sasabihin. Then he shrugged.

"I guess I couldn't leave you both. You were dead asleep, at may bata. At madilim ang buong kabahayan. Hindi ko naman maaaring iwanang nakasindi ang lampara. Anything could happen..."

Tumango siya nang wala sa loob. "H-hindi ko inaasahang makakatulog ako nang ganoon..."

"You were tired." His voice was gentle.

Tumango si Roseanne. "I appreciated it very much... I mean, iyong hindi mo kami iniwan," she said softly. "And thank you, Luke... for everything."

Muli itong nagkibit ng mga balikat.Nang maalala niya si Andre. "Nasaan si Andre?"

"Dinala ko kay Manang Felipa."

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon