31

17.8K 557 26
                                    

Tuluyang bumukas ang pinto. Tumaas ang mga kamay ni Roseanne.

"Hey!"

"Luke!" bulalas niya. Relief flooded her.

Nanlulupaypay na ibinaba niya ang mga kamay na humahawak sa baril, and for the first time she realized that the metal was too heavy. Napasandal siya sa hamba ng entrada at tinitigan ito na ang mga mata ay nakatutok sa baril na nasa kamay niya.

Inexplicably, her breath lock in her throat. And she was astonished at the unexpected yearning squeezed in her heart. Gusto niyang tumakbo at pumaloob sa mga bisig nito, damhin ang init na nagmumula sa dibdib nito. But it was ridiculous and absurd.

Sa halip, nagkasya siya sa paghagod ng tingin sa kabuuan nito. He was dressed in his usual denim-colored shirt, the sleeves were rolled up to his elbow. Nakapaloob ang polo nito sa kupas na pantalong maong. The tight jeans moulded his thighs and legs.

Stubble growth darkened the ruggedly handsome face. And he looked tired.Bahagya pa siyang nagulat nang tumakbo palabas si Andre at matabig siya.

"Luke!" sigaw ng bata at tuloy-tuloy kay Luke.

He smiled, yumuko at kinarga si Andre. "Hello, pal? Did you miss me a bit?"

"I miss you a whole lot!" bulalas ni Andre.

He laughed. "For that, you got yourself a brand new television." Inginuso nito ang kahon sa may paanan na noon din lang napansin ni Roseanne. "Just as I promised." Tuwang-tuwang kumawala sa pagkakakarga si Andre. Nagmamadaling pinabubuksan ang kahon. Sinulyapan siya ni Luke, winked at her tiredly at pagkatapos ay binuksan ang kahon at inilabas ang isang seventeen inches color television.

Nanatiling nakamasid sa dalawa si Roseanne habang inilalagay ni Luke sa isang mesa ang TV at inaayos. Si Andre ang namili ng palabas at hindi nagtagal ay nakadapa na ito sa sahig at nanonood nang tahimik.

Lumakad si Luke patungo sa kinatatayuan niya. His eyes ran over her hungrily. "I'm sorry if I startled you," he said in that familiar raspy voice. And she realized how she missed him so much.

"I wasn't expecting a visitor."

Muling natuon sa baril ang tingin nito. "Saan galing ang baril na iyan? Do you know how to use that? Nakita ba ni Andre na hawak mo iyan?" sunod-sunod nitong tanong.At bago pa man lang makaisip ng isasagot si Roseanne ay nakuha na nito mula sa kamay niya ang baril. Sinuri iyon.

"Lumang uri ng baril, malaki at mabigat. If you aren't trained to use this kind of gun, it'd kick you once you pull the trigger. Chances are, hindi ang target mo ang tatamaan mo kundi ang dingding o kahit na anong kasangkapan." He sighed. "Anyway, it's not loaded."

She groaned, feeling like a fool using a useless weapon. Nakasimangot niyang binalingan ito. "It was only meant to scare a would-be intruder," she said defensively. "Anyway, paano kang nakapasok sa pinto? Naka-lock iyan."

"It wasn't locked."

Matalim ang tinging ibinigay niya rito. "Don't lie, Luke. Kami lang ni Andre ang naiwan. Kaya bago humapon ay tiniyak kong nakakandado ang lahat ng pinto at mga bintana."

"Nasaan ang dalawa? Napuna kong wala ang sasakyan nila sa labas..."

Sinabi niya rito kung nasaan ang tiyahin at nobyo nito.

"So you're alone." His voice suggestive.

Umiwas siya ng tingin at hindi pinansin ang pag-iinit ng pisngi niya. "Huwag mong ibahin ang usapan, paano kang nakapasok?"

Luke sighed. "I'm telling you, it wasn't locked," ulit nito, humakbang patungo sa pinto at sinuri iyon. "Tingnan mo. The lock's not working. Dahil pinihit mo sa loob, inisip mong nakasusi na. At hindi mo ginamit ang malalaking barrel bolt."

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon