21

16.6K 509 8
                                    


Alas-nueve y media ng gabi subalit nananatiling gising si Roseanne. Pinakikiramdaman niya ang mga patak ng ulan sa bubong. Ang palapa ng niyog ay humahampas sa bintanang capiz dala ng lumalakas na hangin.

She had racked her brain trying to think who would want to kill her and why. Maliban kay Randy ay nagkaroon siya ng dalawang boyfriend nang nasa medical proper siya. Sa dalawang iyon ay sa kanya nagmula ang breakup. At alam niyang noong panahong iyon ay masama ang loob sa kanya ng mga ito.

But both were happily married now. At kahit pa marahil hindi maligaya ang buhay-may-asawa ng mga ito ay hindi siya maniniwalang may kakayahan ang alinman sa dalawang ex-boyfriends niya ng ganoong kasamaan.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang isang malakas na hangin ang humampas sa bintana at biglang sumara iyon kasabay ng pagkamatay ng lampara. Kumalat ang dilim sa buong paligid. Napabangon siyang bigla. Pinakiramdaman niya si Andre kung nagising at nang matiyak na tulog pa rin ito ay tumayo at lumabas ng silid upang makisindi kay Luke. Umaasang hindi pa ito tulog. Wala pang isang oras mula nang magsipasok silang lahat sa silid.

Kinuha niya ang lampara at lumabas. Madilim ang buong pasilyo. Sa silid ng lolo niya ay natanaw niyang hindi gaanong nakalapat ang pinto ng silid ni Luke at maliwanag.

Tinawid niya ang madilim na pasilyo patungo sa kabilang silid. Marahan siyang kumatok kasabay ng pagsilip sa nakabukas na pinto. Nakadapa ito nang paharang sa gitna ng kama, one side of his face turned towards her. Hindi marahil nito naririnig ang katok niya dahil hindi ito tumitingin sa pinto. Instead, she heard him gave a muffled curse.

His face had turned into a rigid mask and his lips had compressed into a thin, tight line. Ang mga kamay nito ay mahigpit na nakadaklot sa sapin sa kama.

"Luke?" tawag niya, nakakunot ang noo.

Bigla itong bumangon. "Roseanne?" usal nito, then he exclaimed sharply and then sucked a hissing breath of air through his teeth. Pagkatapos ay mariin nitong ipinikit nang mahigpit ang mga mata.

Roseanne realized he was in agony. She had seen patients being swamped with pain. At ilang sandaling nanatili sa ganoong ayos si Luke, as if waiting for the worst to pass.

Napabilis ang pasok niya sa loob ng silid. Humakbang siya palapit sa gilid ng kama. "Are... are you all right? Luke, what's going on? You are in pain..."

"Walang anuman ito." Unti-unti nitong ibinabalik ang sarili sa pagkakahiga, clenching his teeth at the same time. "Bakit ka narito?"

Niyuko niya ang hawak na lampara at ipinatong sa side table, katabi ng may sinding ilawan nito. 

"Namatay ang ilaw ko nang isara ng hangin ang bintana sa silid. Makikisindi sana ako," she explained, pagkuwa'y naupo sa gilid ng kama. "I could see you're in pain, Luke. Tell me... I'm a doctor."

"A plastic sur—"

"Don't be stupid," agap niya. For the first time since the attack, she felt like a doctor, sounded like a doctor. "You probably don't want me to see you grimace, groan and shift around. But it's too late for that. So cut the macho stuff and tell me what's wrong. May sinabi si Manang Felipa tungkol sa pinsala mo sa likod, ano ang nangyari?"

Ilang sandaling nag-atubili si Luke kung sasabihin sa kanya kung ano ang mayroon sa likod nito.Pagkatapos ay huminga nang malalim. "Sa... sa isang construction site, aksidenteng tinamaan ng debris ang likod ko..."

"Debris!"

Sa kapiraso at hindi malinaw na detalye ay sinabi nito sa kanya kung paano napinsala ang likod nito kasama na ang wala sa panahong pagpapatanggal nito ng cast.

She would have asked for more, pero napuna na niyang hindi na nito gustong magpaliwanag pa. "What about painkillers? Wala ka bang—"

"I don't want to be addicted to drugs," he interrupted. "I refuse to turn myself into any kind of addict. Besides, sumasakit lang naman nang husto ang likod ko kapag ganitong malamig." He couldn't tell her that he welcomed the pain most of the time. It made him forget all the bad memories.

"I could respect that," she said. "Pero kung may magmo-monitor sa drugs na iniinom mo ay hindi ka masasanay roon. Bukas reresetahan kita ng mild painkiller—"

"Gumagamit ako ng aspirin. It's mild."

She almost rolled her eyes. "Don't be stubborn, Luke. Pinababagal mo nang husto ang paggaling ng likod mo. Tumalikod ka," she instructed, an authority in her voice. "Let me take a look at your back."

"I should have known you aren't really so helpless," Luke murmured, gayunma'y sumunod, hinubad nito ang polo shirt, grimacing at the same time.

His back was hardly marked. Sinuri niya iyon. Adept ringers ran through his back softly. Luke made a sound that was a mixture of a sigh and a groan. Pagkuwa'y mabilis na humarap at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan niya.

"I want you to get out of this room, Roseanne," he commanded grimly. "Now.""W-why?" She was confused.

"Because I'm a man," he said clenching his teeth. "And you're a beautiful woman. And it's foolish to deny that I am attracted to you. Hindi ko gustong gumawa ng bagay na ikasusuklam mo sa akin pagkatapos. So please leave..."

May ilang sandali bago tuluyang napasok sa isip niya ang sinasabi nito. Her eyes wide as she gazed at him. Unti-unting tumayo. Unsure if she really wanted to leave him.

Marahil ay gusto niyang gawin nito sa kanya kung ano man ang nasa isip nitong gawin. Marahil ay gusto niyang hagkan siya nito; ang damhin ang init ng katawan nito; ang gawin ang higit pa kaysa hinihingi ng tungkulin niya bilang doktor.

She wanted to revel the warmth of his skin, to touch his hard chest. He smelled wonderful, too. Something like soap, and something deeper, darker. Something exotic and erotic. Something that made her want to climb into the bed and press herself to him in every imaginable ways she could imagine.

Luke groaned. "Go back to your room, Roseanne..." he commanded sharply.

Roseanne shook the cobwebs in her mind and gazed at him with embarrassment. Pagkatapos ay humakbang paatras patungo sa pinto.

"Take my lamp," pahabol ni Luke.

Lumipad ang mga mata niya sa dalawang lamparang nasa nightstand. Kinuha niya ang walang sindi at sa nanginginig na kamay ay sinindihan mula sa lampara ni Luke. At nang magsindi ang mitsa ay mabilis siyang lumabas ng silid.

Nakatitig sa nakapinid na pinto si Luke at unti-unting nagpakawala ng hininga. Hindi niya gusto ang damdaming pinupukaw ni Roseanne sa kanya. Hindi niya gustong makadamang muli.

But she made him feel again. At sa mismong sandaling kailangan niya ng init ng katawan ng isang babae ay naroon ito sa silid niya. Looking so sweet and so innocent. Hindi niya maintindihan kung bakit ang isang babaeng nagkaasawa't anak na'y mukha pa ring inosente. At ang mga haplos nito sa likod niya ay lalo lamang nagdadagdag ng siklab sa nag-aapoy na niyang damdamin.

And the desire he saw in her eyes mirrorred his own. And it took superhuman control not to take her in his arms. But he wasn't so crass as to take a woman in his most vulnerable state.

Staying with Roseanne was rapidly turning into a new kind of hell. A hell he had no desire to run from. Not yet anyway.

Isa pa'y hindi niya gusto ang nangyayaring pananakot dito. And his gut kept insisting that something evil was going on. He'd been through this. Lagi na ay tila anino niya ang panganib. Nararamdaman. At sa pagkakataong ito ay alam niyang nariyan lang sa tabi iyon.

And Roseanne needed his protection.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon