6

19.2K 579 11
                                    

"I'm sorry. Sanay si Andre sa kahit na kaninong tao, estranghero man o hindi. He is very inquisitive."

Nagkibit ng mga balikat si Luke. Andre chatted with him endlessly. Luke indulged the boy until sleep silenced him. Gusto niyang sabihing normal iyon sa ganoong edad subalit minabuti niyang huwag nang magsalita. Something was bothering him though. Something strange.

The stranger had a husky voice. So what? He encountered women with husky and sexy voices. So why was her voice sending shivers to his spine, at sinasapawan niyon ang kirot sa likod niya? And then there was the woman's scent. Flowery. Humalo sa simoy ng hangin at amoy ng mga nabasang damo sa paligid. Hindi niya maintindihan kung bakit napag-ukulan niya iyon ng pansin.

Kanina, nang buksan ng babae ang pinto sa likod ng sasakyan upang ipasok niya ang anak nito ay nadikit ang braso nito sa braso niya. It lasted only a few seconds but Luke was shocked to feel such an intense pull.

Something long dormant stirred deep inside him. And he didn't want to recognize the feelings half an hour ago.

But it persisted, nagging at him. He could feel the woman's warmth beside him. At sa mismong sandaling iyon ay hindi niya maipagkaila ang pagnanasang unti-unti nang umaahon at pumupulupot sa buong pagkatao niya.

Gusto niya iyong tapakan at durugin sa mga paa niya kung paano dinudurog ang isang makamandag na ahas. But the desire was too strong that he had to face it head on.Sa loob ng mga taon ay inakala niyang matagal nang namatay ang bahaging iyon ng pagkatao niya. Kasamang namatay ng mag-ina niya. Now, he was seeing a woman as a woman, reacting to a woman as a woman.

He didn't mind if he felt desire again. Pero kung sana man lang ay nararamdaman niya ang ganitong damdamin sa mga babaeng halos ipagkaloob na ang sarili sa kanya. Kay Sheila halimbawa, ang sekretarya ni Miller. Sa mahabang panahon ay hindi miminsan siya nitong lantarang tinukso.

For the first time, after almost five years, bakit kailangang mapukaw ang damdamin niya sa isang babaeng estranghera na mukha mang disente ay may asawa't anak pa?

KALAHATING oras na silang naglalakbay subalit nanatiling hindi kumikibo ang lalaki. Ni hindi nito binuksan ang ilaw sa loob ng sasakyan.

Ipinagtataka ni Roseanne ang matiyaga nitong pakikipag-usap sa bata hanggang sa antukin ito at makatulog. Hindi nagpakita ng ganoong tiyaga sa pakikipag-usap si Dennis sa anak. Humahanap ito ng paraan na maaaring mapagkaabalahan ni Andre. Toys, food, television shows, at kung ano-ano pang dahilan.

Hindi miminsan niyang inisip na kaya agad na nag-alok ng kasal si Dennis isang linggo matapos niyang sagutin ay upang magkaroon ng ina ang anak nito.

Remembering Dennis brought pain in her head. Ibinalik niya ang pansin sa katabi. The silence between them didn't seem to bother the man. Pero ikinababahala niya ang katahimikang iyon sa pagitan nila. Inihatid siya ng lalaki sa pupuntahan niya at kahit papaano ay obligasyon niyang maging palakaibigan.

But the man was... intimidating. Not frightening as she first thought, just simply intimidating. Though she imagined he could be terrifying despite his good looks. Yes. The man was unbelievably good-looking, sa kabila ng nangingitim ang mukha nito sa pagtubo ng mga stubble.

Kanina, habang hinuhubad nito ang leather jacket upang itakip kay Andre upang huwag itong mabasa ng ulan ay natitigan niya sandali ang anyo nito mula sa liwanag na nanggagaling sa taillights ng pickup nito.

The intimidating man was tall, whipcord lean, and gorgeous.

But there was something about him that seemed familiar. His voice... his face... hindi niya matukoy. It was as if they've met before. Where or when, she couldn't remember.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon