18

16.7K 528 26
                                    


"IT'S OKAY, Roseanne," ani Luke nang mag-alanganin siyang pumasok sa kusina. "Wala ka nang makikitang bakas pa." Ibinaba nito ang bata na agad dumapa sa sahig sa sala at sinimulang laruin ang mga miniature heavy equipment.

Hindi siya kumibo at tinungo ang counter. Naroon ang isda, karne at mga gulay na pinamili niya kanina sa palengke. Ang mga karne at isda ay nakalagay sa isang hindi-kalakihang cooler at napapaibabawan ng yelo. Luke saw to that also. He must have found the Coleman cooler in the storage room.

"Nagpunta ka ba sa local office ng kuryente kanina?" kaswal nitong tanong at sumunod sa kanya sa kusina. Sumandal ito sa hamba ng entrada.

Roseanne wondered why she could feel tension emanating from him despite the casualness in his voice. Kanina pa nang sunduin sila nito ni Andre sa bahay ni Manang Felipa ay kakaiba na ang kilos nito. Sa kabuuan ng biyahe ay hindi ito nagsasalita.

"Ang sabi ni Mrs. Librado nang makausap ko siya ay siya na ang mag-aayos. Baka bukas lang ay may kuryente na." Inilagay niya ang plastic ng karne sa lababo at humarap dito. "Salamat uli sa tulong mo."

"Anytime," wika nito. His voice sounded soft and silky. Subalit hindi ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. Nang-uuri iyon na tila may nais usisain. And she saw a muscle flexed in his jaw.

Ibinalik niya ang pansin sa gagawin. Binuksan niya ang drawer upang kumuha ng panghiwa. 

"Dito ka na maghapunan," anyaya niya. It was the least she could do—offer him a meal. "Kaya kong ipagmalaki sa iyo ang beef stew ko. And I bought red wine yesterday morning when I couldn't find a battery shop. Not the good kind, pero puwede pasar." She smiled faintly.

"Thank you," sagot nito. Other time, he would be mesmerized with her smile. Pero hindi sa sandaling ito na may gusto itong linawin kay Roseanne. Lumakad si Luke patungo sa silya sa dining table, hinila iyon at naupo. "Pero hindi lang hapunan ang iaalok mo sa akin. You can also offer me a bed."

Bigla siyang humarap dito. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Dito uli ako matutulog. Kailangan ninyo ng kasama." Ang tinig nito ay nagbabadya ng walang-pasubali, na hindi ito makikinig kahit tumutol siya.

She laughed. "Don't be ridiculous. Nakatulog kaming walang kasama ni Andre sa magkasunod na gabi."

Tumiim ang mukha ni Luke. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ito, pero may palagay akong sinadyang ilagay ng kung sino man ang patay na aso dito sa kusina habang nasa bayan ka at namimili." Sinulyapan nito ang kinakitaan ng patay na hayop. Ni walang bakas na naroon iyon kaninang tanghali. Makintab ang vigan tiles. Ipinalinis nito nang husto iyon sa dalawang taong inutusan ni Manang Felipa.

"Paano mo namang nasabi iyan?" Her smile was stiff. "This is a small and peaceful town, Luke. Walang gagawa ng ganoon. Tama ang sinabi mong sa kusina ko tumakbo ang aso at dito namatay."

"Sit down, Roseanne..." he commanded. Itinuro nito ang silya sa tapat niya. "Let's talk about this."

Doon patakbong pumasok si Andre. "Mommy, gusto ko ng french fries..."

"Mommy will make french fries, Andre," ani Luke. "And if you will behave, I will allow you to help mommy peel the potatoes."

Bahagyang kumislap ang mga mata ng bata. "Sige." Pagkuwa'y lumabi. "There's no TV here."

"Oh." Tumango-tango si Luke, sandaling nag-isip bago, "Okay, magkakaroon tayo ng TV sa sandaling magkakuryente tayo. At bukas ay ipapasyal kita sa dagat. Mamumulot tayo ng shells..."

"Promise?"

"Cross my heart and hope to die." Nagkrus si Luke sa dibdib at itinaas ang kamay.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon