NAGISING si Roseanne na pumapasok ang init ng araw sa silid niya. Napabalikwas siya. Iniikot ang tingin sa paligid. Nasa sariling silid siya. At suot na niyang muli ang pantulog niya. Binuhat ba siya ni Luke pabalik sa silid niya?
Where was he? Was it all a dream?
No. Ang nararamdaman niya sa katawan ay nagsasabing hindi panaginip ang nangyari kagabi. Her body was tender in some parts. A soft smile came out of her lips as memories of last night creeped into her mind.
True to his words, the pain in his back was less of his worries. She had learned the arts of love in one whole night. He was an excellent teacher and she was willing to learn for him.
It was hard to believe that a man could want a woman as insatiably as Luke had. It was as if he couldn't get enough of her.
Nilinga niya ang relo sa nightstand. Alas-dos ng hapon! Iyon ang oras na ibinabadya ng relo. Patamad siyang bumangon.
Inayos niya ang sarili, nagbihis at lumabas ng silid at bumaba. Nagulat pa siya nang makita sa kusina si Louise. Hindi niya inaasahang nakauwi na ang mga ito.
Naghahanda ito ng mga ingredient para sa lulutuing pancake. Eric was nowhere around.
"Hi," bati nito nang makita siya. Ang mga mata nito'y tumaas-baba sa kabuuan niya na tila nanunuri.
"Anong oras kayo dumating? How's your overnight in Santo Tomas?" she asked, dumeretso sa cupboard at kumuha ng tasa upang magtimpla ng kape. It didn't matter if it was two o'clock in the afternoon, but she had to have her morning cup of coffee.
"An hour ago." Binasag nito ang tatlong itlog sa malaking bowl. "Eric enjoyed it immensely. He loved the place."
"Where's Andre?" Naupo siya, sipped her coffee.
"Nagyaya si Andre sa dagat. Mamumulot daw ng shells. Napuyat ka ba kagabi at hinapon ka ng gising?" she asked sarcastically. Tinitigan ang mga telltale signs sa mga balikat.Roseanne groaned her embarrassment. Kanina'y nakita na niya sa salamin ang buong katawan niya. Naging maingat si Luke na huwag mag-iwan ng marka sa bahagi ng katawan niyang nakahantad. But no part of her body was left untouched and unloved. Hindi niya naisip na nakauwi na sina Louise at Eric or else she would have worn something to cover her shoulder base.
"They're not hickies anymore, Anne," patuloy ni Louise na bahagyang nanlaki ang mga mata.
"They're almost bruises! Luke's that wild, eh? I can imagine what's underneath your clothings." Her voice filled with malice.
"Shut up, Louise!" Kinakabahan siyang kung nasa paligid lang si Luke ay marinig nito ang sinasabi ng tiyahin. Tumayo siya, bitbit ang kape at binuksan ang pinto sa kusina at sumilip sa labas, expecting to see Luke outside. Subalit wala ito roon. Lumakad siya pabalik upang lumabas patungo sa sala.
"Oh," Louise said with exaggeration, watching her intently. "Nakalimutan kong sabihin sa iyong nang dumating kami ay nagpaalam na rin si Luke. May importante raw siyang lalakarin, ipinapasabi sa iyo. Tatawagan ka na lang daw niya. He took your CP from your car and asked me to recharge it." Lumingon ito sa sala. Naroon ang cell phone niya malapit sa TV at naka-recharge.
Hindi niya pinansin ang tono ng tiyahin. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina at bumalik sa upuan. Hindi niya alam kung ano ang dapat asahan sa "morning after," pero ang malamang wala na si Luke sa bahay matapos ang pinagsaluhan nila sa buong magdamag ay nagdudulot sa kanya ng sakit ng dibdib.
Had he felt guilt and remorse for what happened between them? Had he felt so exposed and defenseless last night after he told her about his anguish, his need, and the way he had lost control over her?
Inisip din ba nitong naging traydor ito sa sarili sa pagsasabi sa kanya kung ano ang trabaho nito na kahit si Annie ay hindi nalaman? O di kaya ay ang pagtatapat nito sa kanya tungkol sa nakaraan ni Annie bago niya ito pinakasalan?
May takot na nagdaan sa dibdib niya. Hindi takot para sa taong nagtatangka sa buhay niya. But she was afraid that Luke would vanish into thin air. That he would never see her again.
"Mayroon ka bang dapat sabihin tungkol sa relasyon ninyo ni Luke, Anne?" pukaw ni Louise sa pag-iisip niya. Pumormal ang tinig nito. "You can't just sleep around."
"'Goodness' sake, Louise, I am not sleeping around! You may not believe this but Luke's the only man in my life and I don't regret what happened between us last night!"
Hindi agad sumagot si Louise. Inabot ang lata ng gatas sa mesa at isinalin sa measuring cup.
"Eric doesn't like him," wika nito sa malamig na tinig. "He considered Luke too mysterious and too arrogant. Alam mo naman si Eric, itinuturing ang sariling padre de pamilya sa ating dalawa. At iniisip niyang pinagsasamantalahan ka ni Luke. That Luke's a man of the world, only a passing ship at night. At iyon ang ipinag-aalala ni Eric, Anne."
"What about you, Louise? Ano ang opinyon mo kay Luke?" she challenged.Bahaw na tumawa si Louise. "He's gorgeous, he's rich..." Dinaanan nito ng tingin ang mga balikat niya. "And must be very good in bed. If I were ten years younger, I'd be your enemy..."
Napatitig sa tiyahin si Roseanne. Inulit sa isip ang sinabi nito. I'd be your enemy.
May doble bang kahulugan iyon? Was her aunt want her dead? Dito mapupunta ang lahat ng pag-aari ng mga Santillan sa sandaling mamatay siya dahil nag-iisa niya itong kamag-anak. At ngayong magreretiro ito sa pag-aartista sa television, magiging dependent na lang ito sa income ni Eric, which wasn't enough, kung ang pag-uusapan ay ang pagiging maluho ni Louise.
Louise's laughter vanished when she spoke again. "It's probably none of my business, Anne. But you are my niece. At napag-isip-isip kong tama si Eric. Nananamantala lamang ang lalaking iyon. Bakit naririto siya sa tuwing wala kami ni Eric?"
Bigla siyang nakadama ng iritasyon. "Tama ka. It's none of your business. Tulad din ng hindi ko pinakikialaman kayong dalawa ni Eric." Itinulak niya ang kape palayo sa kanya.
Hindi sumagot si Louise at tinitigan lang siya. Pagkuwa'y itinuon na nito ang atensiyon sa pagluluto.
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceMula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulung...