"Mag-isa ka lang dito. Bakit hindi ka pa sumama? Nancy invited you anyway," ani Louise habang bumababa ng hagdan, naka-jacket ng maong at pantalong maong.
"Kasama ko si Andre, Louise. I'll be fine." Hindi niya sinabi rito ang tungkol sa nangyari nang gabing naroon si Luke. Hindi niya gustong maging dahilan pa iyon upang mapilitan si Louise na huwag ituloy ang lakad. Nakikita niyang gayon na lang ang pagnanais ni Eric na makarating sa Santo Tomas.
"What is there to worry?" ani Eric mula sa itaas ng hagdan, bitbit nito ang ilang gamit para sa overnight camping. "Tiyak na darating naman si Montañez dito, 'di ba?" sarkastikong sabi nito.
"Be careful, Anne. Laging sinasamantala ng lalaking iyon ang pagkatakot mo sa imaginary stalker mo at pagdating nang laging wala kami. Why, for the past three days I haven't seen him around!"
"Eric, ano ba!" singhal ni Louise sa nobyo. "What do you have against Luke? Ako'y nagpapasalamat na sinasamahan niya si Anne dito kapag nasa labas tayo."
Umangat ang mga kilay ni Eric na nasa ibaba na ng hagdan. "Bantay-salakay, sabihin mo. Well, no matter what both of you say, I don't like him. He is too arrogant. Typical sa mga filthy rich."
"You don't have to like him, Eric," ani Roseanne. "At hindi mo ba naisip na baka ako ang nangangailangan at nananamantala sa kanya?" hamon niya. "Luke didn't believe that I imagined my stalker. Iyon lang ay malaking bagay na. Iyong may naniniwala sa akin!" she hurled angrily.
Louise opened her mouth to say something, pero inunahan niya. She raised her chin to Eric. "Pag-alis ninyo ay pupuntahan ko si Luke kina Manang Felipa. Kailangan ko ng kasama ngayong gabi. Anyway, enjoy yourselves." Tinalikuran niya ang mga ito at pinuntahan si Andre na naglalaro sa labas.
MALAYO pa sila ay napuna na niyang wala sa pinagpaparadahan nito ang four-wheel drive ni Luke. Unti-unting bumangon ang panlulumo sa dibdib niya.
Hustong pumarada ang tricycle ay lumabas naman ng bahay si Manang Felipa. Ang bandanang itinatali sa leeg ay nauntol. Nang makita sila ni Andre ay lumakad ito patungo sa kanila.
"Magandang umaga ho, Manang Felipa," bati niya rito. Nginitian nito si Andre na pabulol itong tinawag. "Paalis ho ba kayo?"
Nangiti ang matanda. "Mamimiyesta sa kabilang bayan. May sadya ka ba, ineng? Halika at tumuloy ka muna."
"Hindi ho ako magtatagal." Bumaba siya ng tricycle pero pinaghintay niya ang driver. "W-wala ho ba si Luke?" alanganing tanong niya bagaman alam na niya ang sagot.
"Aba'y umuwi na ng Capistrano noong makalawa ng umaga pagkagaling sa inyo."
Kinumpirma lang nito ang hinala niya. Tuluyan na siyang nanlumo. Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata niya. Hindi siya makapaniwalang aalis si Luke nang hindi man lang nagpapaalam. Sapat ba iyong pinagtalunan nila para tuluyan na itong umalis? Ganoon ba nito ikinagalit ang hindi niya pagtatapat sa relasyon nila ni Andre?
"Hindi ba nabanggit sa iyo?" marahang tanong ng matanda.
"M-may pinagtalunan ho kami nang umalis siya sa bahay," pag-amin niya.Ilang sandaling tinitigan siya ni Manang Felipa. Tila pilit inaarok ang nasa puso't isip niya. Pagkuwa'y, "Ito ang pinakamatagal na pagtigil dito ni Luke, Roseanne, mula nang ikasal sila ni Annie. Gusto kong isiping dahil sa iyo. Nang huli kang narito ay nakita ko ang kakaibang Luke. Ito iyong dating Luke na unang ipinakilala sa akin ni Annie. Masayahin at pilyo." Napabuntong-hininga ito bago nagpatuloy. "Ikinatuwa ko ang pagbabagong iyon pero marahil ay napag-isip-isip ni Luke ang sinabi ko sa kanya..."
"A-ano hong sinabi ninyo?"
"Na sana'y huwag niyang sirain ang buhay mo. Isa kang may-asawang tao, ineng. Hindi sa hinuhusgahan kita pero..." Kusa nitong ibinitin ang sinabi.
Sa kabila ng lahat ay nangiti si Roseanne. "Wala po akong asawa, Manang Felipa," aniya. "Si Andre ay anak ng kasintahan kong namatay. Iyon nga ho ang pinagtalunan namin ni Luke. Hinayaan ko siyang paniwalaang anak ko si Andre at asawa ko ang ama nito."
Gumuhit ang pagkabigla sa mga mata ng matanda pero sandali lang iyon at nahalinhan ng ngiti. Tinapik siya sa balikat. "Kung ganoon ay huwag kang mag-alala, bukas-makalawa, tinitiyak ko sa iyong narito uli ang taong iyon. Nagpapalipas lang iyon ng galit."
Tumango siya. Umaasang sana'y tama ito. "Tutuloy na ho kami ni Andre. Gusto ko hong bisitahin ang farm."
"Aba, mainam at maganda-ganda ang panahon. Magpahatid ka riyan sa driver sa bahay ni Mang Isidro. Iyon ang katiwala ng papa mo noong araw pa man."
Tinawag niya si Andre na naglalaro ng bato sa kalsada. Nagpasalamat siya at inutusan ang tricycle driver na paandarin na ang sasakyan. "Bye, Manang Fipa..." paalam ni Andre at sinabayan ng kaway.
Subalit bago makaalis ng tricycle ay natanaw niya ang pagdating ng pamilyar na jeep. Huminto ito sa mismong tapat niya. Bumaba sa jeep si Robert.
"Hi." He smiled at her. Binati sina Andre at Manang Felipa.
Gumanti siya ng ngiti. "Hello, Robert. Paano mo nalamang narito ako?"
"Sa inyo talaga ang sadya ko. Pero nasalubong ko sina Louise at Eric. Nabanggit ni Eric na aalis ka rin daw at malamang na dito ang tungo."
"Mabuti at narito ka, Robert," ani Manang Felipa. "Kung wala kang ginagawa'y samahan mo si Roseanne sa bahay ni Mang Isidro."
"Kung... kung papayag ho si Roseanne." Niyuko siya nito. "I can tour you around... free of charge."
Isang tawa ang pinakawalan niya. "Call. Ngayon pang wala akong sasakyan." Binayaran niya ang tricycle at bumaba.
Si Robert ay binuhat si Andre at isinakay sa likod. Si Manang Felipa ay sa tricycle na binakante niya sumakay.
BINABASA MO ANG
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceMula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulung...