3

20.6K 558 9
                                    


"Damn!" Roseanne Santillan swore for the third time in the span of five minutes.

She never swore, but she did now. Nasa gitna siya ng daan at mabilis na nagmamaneho nang maramdaman niyang unti-unting namamatay ang engine niya. Nakuha pa niyang itabi sa gilid ng daan ang sasakyan niya bago tuluyang namatay ang makina.

Sinubukan niyang muling pihitin ang susi at buhayin ang makina. Pumugak iyon, then the starter ground and groaned sluggishly, ipinahihiwatig na tuluyan nang namatay ang baterya ng kotse.

She swore again.

"Mommy..." tawag ng batang lalaki sa likuran niya.Lumingon siya sa backseat, inabot ang bata at tinapik-tapik. "It's okay, Andre. Go back to sleep."

"It's dark. I can't see."

Napaungol siya. Kahit flashlights ay wala sa kotse niya. "Sshh. We'll be fine. Here's your feeding bottle, sweetheart."

Kinapa iyon ng bata mula sa dilim. Kinuha subalit pinanatiling hawak lang. "Mommy, I'm scared of the dark."

Me, too. Not of the dark per se. Kundi kinatatakutan niya kung ano ang nakaabang sa likod ng dilim. Gusto niyang sabihin kay Andre iyon subalit hindi siya maiintindihan ng tatlo at kalahating taong bata.

Nilinga niya ang paligid. Masama ang panahon. Sa Maynila pa lang ay naririnig na niyang may magdadaang bagyo. Pero hindi niya binigyang pansin dahil maganda naman ang araw nang umalis sila sa Maynila. Besides, kung bumagyo man, makararating sila sa Santa Clarita nang walang aberya. Hindi niya binilang ang mamatayan siya ng baterya sa gitna ng ilang.

Kaninang nasa Pagudpod sila ay nagsimulang umulan nang mahina. Subalit makalipas lamang ang isang oras ay nagsimulang lumakas ang hangin at unti-unting lumalakas ang ulan. Sana'y naisip man lang niyang sa isa sa mga inns na lang doon sila nagpalipas ng gabi. O di kaya ay sa mga cottage sa beach resort.

If only she weren't that impatient to reach Santa Clarita. Pero sino ba ang mag-aakalang mamamatayan siya ng baterya?

Itinaas niya ang braso upang tingnan ang oras sa relo niya. Subalit hindi niya iyon maaninag sa dilim. Her wristwatch didn't have luminous hands. Pahablot niyang inabot ang bag niya na nasa passenger seat. Kinapa ang cell phone sa loob niyon at doon tiningnan ang oras.

Ten minutes past seven. Supposedly, it was still very early. Iyon ay kung nasa Maynila ka. O kahit sa Vigan man lang. Subalit milya-milya na ang layo niya mula roon. And she had been driving for twelve straight hours. Mula kaninang umalis sila sa kanila ay huminto lang siya para magpa-full tank.


Hindi siya nag-iisip na lagyan ng laman ang tiyan niya. Subalit huminto sila sa Vigan kanina at pinakain niya si Andre sa isang burger chain. And she was too tired to have the appetite to eat so she ordered for herself a cup of coffee and apple pie. Nakadalawang kagat lang siya sa apple pie at umayaw na siya.

Now aside from being tired, she was also hungry. Kung tutuusin ay kulang isang oras na lang mahigit at nasa Santa Clarita na siya. But she couldn't possibly get there by walking and with Andre along in this weather.

Humigpit ang hawak niya sa cell phone. Sino sa mga kaibigan niya ang tatawagan niya para hingan ng tulong? Nasa Maynila lahat ang mga kakilala at kaibigan niya. Kahit sa bahay ng lolo niya sa Santa Clarita ay hindi siya makakatawag. Wala pang linya ng telepono roon. At kung nagkaroon man nitong nakalipas na dalawang taong mahigit ay malamang na hindi nagawang magpakabit ni Manong Ponso.

She dialed Louise's number. From Manila, Louise could at least call Mrs. Nancy Librado, ang manager ng Santillan Farm. Magkaibigan ang dalawa. Hindi lang magkaibigan, dating classmates at magkababata. Baka makagawa ito ng paraan upang puntahan sila roon.Subalit nagbigay na ng warning ang cellphone niya—low batt.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon