30

16.8K 488 8
                                    


HINDI nagtagal ay nasa bahay na sila ni Mang Isidro. Nakatayo ang hindi kalakihang bahay nito sa gitna ng pataniman ng melon. Ipinakilala siya ni Robert sa matandang lalaki.

Sinulyapan niya ang maliliit pang bunga ng melon. "Hindi ho ba nakaapekto sa mga bagong sibol na bunga ang malimit na pagsama ng panahon nitong mga huling araw, Mang Isidro?" tanong niya matapos siya nitong bigyan ng kaunting detalye tungkol sa mga pananim.

"Hindi naiiwasan iyon, adeng," sagot nito. "At wala tayong magagawa kung kalikasan ang kalaban. Tumatabang ang melon kapag ganitong inaabot ng ulan. Ang mga bulaklak naman ng kalamansi ay nahuhulog. Pero nitong nakalipas na dalawang taon ay maganda ang ani ng mga tabako. Kung nasasalanta man ang mga prutas ay napagtatakpan naman ng kinikita ng tabako."

"Ano ho ang ibig ninyong sabihin? Paano hong kikita ang kakaunting tabakong tanim?"

Kunot ang noong tinitigan siya ng matandang kapatas na tila ba ipinagtataka nitong wala siyang alam doon.

"May palagay akong hindi alam ni Roseanne ang tungkol sa plantasyong binili ni Mayor Quentin bago ito namatay, Manong," salo ni Robert. Nakasandal ito sa hood ng jeep. Si Andre ay nasa gitna ng taniman at pinaglalaruan ang ilang maliliit na bunga ng melon.

"Anim na buwan bago namatay ang lolo mo ay nabili nito ang karatig na lupain," paliwanag ni Mang Isidro. "Pero sa halip na prutas ang ipapunla ay nagpatanim ng tabako ang papa mo. Pitong ektarya rin ang nadagdag sa dating tabakuhan."

Hindi niya alam iyon. Bagaman iyon ang talagang produkto sa Norte, ang pagkakaalam niya ay hindi nag- concentrate ang lolo at papa niya sa pagtatanim ng tabako dahil sa dami ng kompetisyon. Kung may tabako man silang tanim ay alternate crop na lang at inaangkat ng ilang mangangalakal sa bayan ding iyon.

"At maganda ang naging resulta, adeng," patuloy ni Mang Isidro. "Katunayan ay may mga tauhang nadagdag. At nitong nakalipas na taon ay may kausap na middle men si Mrs. Librado. Inilibot niya sa plantasyon."

"Gusto kong makita ang plantasyon, Manong," aniya at nagpatiuna nang sumakay sa jeep.

Hindi kalayuan doon ang pataniman ng tabako. At namangha siya nang makita ang lawak ng plantasyon. Ang huling pagkakataong nakita niya ang kapirasong pataniman nila ng tabako ay bago siya nagtungo sa Amerika upang mag-practice sa kursong tinapos. Nasa pataniman lagi ang papa niya at marahil ay nagplano na itong palawakin ang tabakuhan.

Sa buong panahong nasa Amerika siya ay nakaligtaang banggitin iyon ng mga magulang sa kanya. Though she really couldn't blame his father. Siya at ang mama niya ay hindi nagpakita ng interes sa farm. Ang mama niya ay abala sa trabaho nito sa supermarket. Years ago, ang mama niya ay na-promote bilang assistant vice president ng chain of supermarkets sa pinagtatrabahuhan nito.

Makalipas pa ang limang minuto ay nagpaalam na sila kay Mang Isidro at muling sumakay sa jeep. Matagal siyang nanatiling tahimik at itinuon ang tingin sa dinadaanang naglalakihang mga dahon ng tabako.

"Saan mo gustong magtungo?" Robert broke the silence between them.

"Hindi ko alam ang tungkol sa plantasyon, Robert," wika niya na nagpipigil ng galit. "Kung ang pagbabasehan ko ay ang sinabi ni Mang Isidro, wala akong dapat na nababasang lugi sa financial report na ibinigay mo sa akin. There is something wrong with the financial report!"

"Roseanne... Anne..." naiilang nitong sabi. "You saw the book. May nakita ka bang hindi dapat na—"

"Nothing!" pabagsak niyang sagot. "Pero narinig mo ang sinabi ni Mang Isidro. Kung nasasalanta man ang mga prutas ay na-offset naman ng kinita ng tabako. Normal lang na hindi magkakapareho ang kinikita ng farm pero hindi iyon babagsak sa halos kalahating porsiyentong kawalan!" Pagkuwa'y dahan-dahang ikinalma ang sarili. Ibinubunton niya ang pagdududa at inis kay Robert. Pero bakit hindi? Ito ang gumawa ng libro.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon