7

17.9K 532 5
                                    


ROSEANNE was equally speechless. No wonder he sounded familiar. Sa kabila ng alanganing liwanag kanina, he still looked familiar. Luke Montanez. Iyon ang sinabi nitong pangalan sa kanya sa ospital. Yes, she remembered him. She remembered coming out of the bathroom and found a tall and attractive man in the middle of her hospital room.

Natatandaan din niyang hindi niya tinanggap ang pakikiramay nito.

It had been two months short of her twenty-fifth birthday. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Ephraim, ang papa niya, na inatake sa puso ang lolo niya na siya nitong ikinamatay. Mula sa Amerika ay agad siyang bumalik sa Pilipinas. Nasa Santa Clarita na ang mga magulang niya nang dumating siya. Nag-eroplano siya patungong Laoag at pagkatapos ay nagrenta ng sasakyan na maghahatid sa kanya sa bayan ng mga Santillan.

Nang mailibing ang lolo niya ay bumalik na sila ng Maynila kinabukasan. Gamit ng ama niya ang vintage car ng lolo niya, ang topdown Chevy. Hindi niya matandaan ang buong pangyayari... hindi niya gustong tandaan.

All she could remember was the pain she felt when her body hit the road. Then nothing.She woke up in the hospital with a slight concussion and minor cuts and bruises. And too shocked. Ayon kay Louise, her parents died on the spot. Nadaganan ng mga troso mula sa itaas na daang pinanggalingan nila ang Chevy. Hindi nakatalon ang mga magulang niya.

Isang buwan matapos ang pangyayaring iyon ay bumalik siya sa Amerika. Sa ibang bansa na niya ipinagpatuloy ang medical practice. Gayunman, ang kaalaman niya sa Medisina ay hindi nagpangyari upang magamot ang trauma niya. It only made her understood.

Eight months ago, bumalik siya sa Pilipinas sa pagpipilit na rin ni Louise. Nagtrabaho siya sa ospital kung saan siya unang nag-aral ng Medisina. Sa ospital niya nakilala si Dennis...

She didn't want to remember him now, didn't want to feel the guilt.

"Naalala ko ang pangalan mo ay..." He searched his mind for a while and then, "Ross... Rossanna. Yes. Rossanna Santillan." Luke broke the silence.

"It's Roseanne."

"Hello, again, Roseanne. We never—"

"It's Anne for short," putol niya sa sinasabi nito.

Luke was silent for a moment. Then, "Roseanne suits you better," wika ito, an edge in his voice. Pagkuwa'y mabilis na idinagdag, "Sinisisi mo pa rin ba ako sa pagkamatay ng mga magulang mo, Roseanne?"

Nabigla siya roon. Hindi niya inaasahan ang tanong. Hindi siya makahagilap ng isasagot. Sinisisi pa ba niya ito tulad ng naramdaman niya noon?

Aksidente ang nangyari sa mga magulang niya. Ipinaliwanag sa kanya ni Louise iyon nang una siyang magkamalay. Ganoon din ng mga imbestigador. Subalit may bahagi ng isip niyang tinatanggihan iyon, lamang ay hindi niya maisatinig. She took out her anger on Luke Montañez.

Ang alam niya ay nawalan siya ng dalawang magulang nang sabay, sa mismong panahong nawala ang lolo niya nang dahil sa kapabayaan ng mga Montañez sa security measures ng mga truck at trailers ng mga ito.

And three deaths in the family almost at the same time was too much to bear.

Nang manatili siyang tahimik ay iniba ni Luke ang tanong. "Sino ang uuwian ninyong mag-ina sa dating bahay ng lolo mo?"

"Ang katiwala, si Manong Ponso. Siya ang tumatao roon,"

"Alam niyang darating kayo?"

"Ang bakasyong ito ay isang biglaang pasya." Her voice was cold and stiff.

"Hindi birong biyahe ang ginawa mo. Alam ba ng asawa mo ang bakasyon mong ito?"

"It's none of your business," she snapped and wished he'd stop interrogating her. She didn't want to lie about this non-existing husband.

"Rude, aren't we?" tuya ni Luke. "At isiping kanina mo pa ako gustong huntahin."

Kanina iyon, nang hindi pa siya nito isinasailalim sa third degree. "Nasagot ko na ang ilang tanong na dapat mong malaman."

"Hindi natin alam kung anong panganib ang naghihintay sa daan," he persisted. "I could guess you had a row with your husband and left without his knowledge. You are crazy. You took chances with your life and your son's!"

Napaangat ang likod niya sa sandalan sa sinabi nito. Tuluyang bumangon ang iritasyon sa nahihimigang galit sa tinig nito.

"My life. Correct. And my... son's. So, wala kang pakialam! Hindi ko sinabi sa iyong hintuan mo ako. In fact, pinilit mo akong sumakay rito."

"Why, I'm so—rry," eksaheradong paumanhin nito sa nanunuyang tono. "Ipagpaumanhin mong nag-alala akong baka mapahamak ang isang babaeng walang sentido-kumon na tumayo sa gitna ng kalye sa ilang na lugar at sa dis-oras ng gabing bumabagyo."

May ilang sandaling natahimik si Roseanne. Hindi siya makapaniwalang nagsisinghalan sila ng estrangherong ito. He was right though. Napakawalang-isip niyang basta na lang nanatiling nakatayo sa gitna ng madilim na kalye.

Huminga nang malalim si Luke. Then in a gentle voice said, "I know how you feel, Roseanne. 

Alam ko ang nararamdaman ng mawalan ng mga mahal sa buhay. I am sorry you lose your parents in that tragic accident two and a half years ago. But don't take it out on me. It was an accident. Pero sa ginawa mo kanina ay isinapanganib mo ang buhay ninyong pareho ng anak mo. At kung may nangyari sa inyo, hindi iyon aksidente..."

"I... went out of my car when I saw another vehicle was coming from the opposite side of the lane," paliwanag niya. "Hindi na ako nag-isip at tumakbo ako palabas upang parahin iyon. Subalit natakot yata sa akin ang driver. Hindi ako hinintuan."

"It seemed na mas may matinong kaisipan ang driver na iyon," he said in mock amusement.

"Stop insulting me!" she hissed.

Nagpakawala ng paghinga si Luke. Sa rearview mirror ay sinipat nito si Andre sa likuran.

"Ilang taon na ang anak mo?" he asked.

"He's three and a half..."

Muli nitong sinilip si Andre sa salamin. Sandaling nakita ni Roseanne ang paglambot ng anyo nito. Pagkuwa'y tumiim ang mukha. Roseanne saw the muscles in his jaw flexed. At pagkatapos ay ang marahas na paghugot nito ng hininga.

She almost feared him at that moment. Hindi niya maintindihan ang biglang paghalili ng ekspresyon nito.

At sa sumunod na sampung minuto, sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagpasalamat ni Roseanne ang katahimikan sa pagitan nila.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon